1. Pagsasapin-sapin sa Lipunan Ito ay isang uri ng pagkakaiba sa lipunan na kung saan ang mga tao sa lipunan ay pinagtangi ukol sa kanilang kaayusan sa buhay na base sa kanilang kita, kayamanan, katayuan sa lipunan, at kung minsan, sa kanilang kapangyarihan, panlipunan man o politikal. Ito ay nagbubunga ng tinatawag ng kapootan sa lahi o sa kapwa tao. 2. Isyung Ekonomiko Ito ay nagbubunga ng mga pagkawala ng trabaho ng mga taong depende sa lugar, kasarian, edukasyon, at kadalasan sa mga grupong etniko. 3. Problemang Pangkapitbahayan Ito naman ang isyung nangyayari sa mga kapitbahayan. Ang mga ganitong komunidad ay kadalasang may mataas na dropout rate sa hayskul, at ang mga batang lumalaki sa mga ganitong komunidad ay kadalasang walang pagkakataon na mag-aral sa kolehiyo. 4. Kalusugang Pampubliko Ang mababang kalusugang pampubliko ay bunga ng mga tinatawag na pandemic o epidemic o ang pagkalat ng mga sakit sa rehiyon o sa malaking pangkat ng tao. 5. Diskriminasyon sa Edad Nang minsan, may mga problema sa lipunan na ang sanhi ay ang pagtangi sa edad ng isang tao. 6. Hindi Pagkapantay-pantay sa Lipunan Ito naman ang bunga ng maraming problemang panlipunan kung saan pinagbabasehan ang kasarian, kapansanan, lahi, at edad na nakaaapekto sa pagtatrato ng isang tao. 7. Edukasyon at Paaralang Pampubliko Ang edukasyon ay ang isa sa mga pinakamahalagang dahilan sa pag-asenso at pag-unlad ng lipunan. 8. Problemang Pantrabaho Kabilang dito ang stress, pagnanakaw, paggugulo sa kapwa tao, hindi pantay na sahod, pagkapoot ng ibang lahi, at iba pa. Salamat cyannemagenta@gmail.com