Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 35

Malikhain, interesadong malunasan

ang suliranin, mapagpahalaga sa Kalungkutan, depresyon


buhay, malapit na ugnayan sa ibang KAGANAPAN NG
tao PAGKATAO

Tiwala sa sarili, PAGKAKAMIT NG Pagkabigo, kawalan o


RESPETO SA SARILI AT mababang tiwala sa sarili,
tagumpay, respeto
pag-iisa
RESPETO NG IBANG TAO

Pakikipagkaibigan, Pagiging makasarili,


pagkakaroon ng pamilya, PANGANGAILANGANG pagkainggit
pakikipagkapwa PANLIPUNAN

Seguridad sa katawan, Kabalisahan, kawalan


pamilya, kalusugan, SEGURIDAD AT katiyakan, mahinang
pangangatawan
trabaho, ari-arian KALIGTASAN

Pagkain, tubig, Katakawan, pagkagutom


pagtulog, pahinga PISYOLOHIKAL pagkakasakit, panghihin
ng katawan

TEORYA NG PANGANGAILANGAN AYON KAY MASLOW


Bawat tao ay magkakaiba ang pangangailangan at kagustuhan. Sa “Theory of Human
Motivation” ni Abraham Harold Maslow (1908-1970), ipinanukala niya ang teorya ng
‘Herarkiya ng Pangangailangan.’ Ayon sa kaniya, habang patuloy na napupunan ng tao ang
kaniyang batayang pangangailangan, umuusbong ang mas mataas na antas ng pangangailangan
(higher needs).
 
 Pangangailangang Pisyolohikal. Nakapaloob dito ang pangangailangan ng tao sa
pagkain, tubig, hangin, pagtulog, kasuotan, at tirahan. Kapag nagkulang ang mga
pangangailangan sa antas na ito ay maaaring magdulot ng sakit o humantong sa
pagkamatay.
 
 Pangangailangan ng Seguridad at Kaligtasan. Magkakaroon ng pangangailangang
ito kapag natugunan na ang naunang pangangailangan. Kabilang dito ang kasiguruhan sa
hanapbuhay, kaligtasan mula sa karahasan, katiyakang moral at pisyolohikal, seguridad sa
pamilya, at seguridad sa kalusugan.
 
 Pangangailangang Panlipunan. Kabilang dito ang pangangailangan na magkaroon ng kaibigan,
kasintahan, pamilya at ng anak, at pakikilahok sa mga gawaing sibiko. Kailangan ng tao na
makipag-ugnayan sa kaniyang kapwa at makisalamuha sapagkat mayroon siyang pangangailangan
na hindi niya kayang tugunan na mag-isa. Maaaring magdulot ng kalungkutan at pagkaligalig ang
sinumang hindi makatutugon sa pangangailangang ito.
 
 Pagkamit ng Respeto sa Sarili at Respeto ng Ibang tao. Kailangan ng tao na maramdaman ang
kanyang halaga sa lahat ng pagkakataon. Ang respeto ng ibang tao at tiwala sa sarili ay nagpapataas
ng kanyang dignidad bilang tao. Ang mga kakulangan sa antas na ito ay maaaring magdulot sa
kanya ng mababang moralidad at tiwala sa sarili na maaaring nagmula sa pagkapahiya, pagkabigo,
at pagkatalo.

 Kaganapan ng Pagkatao. Ito ang pinakamataas na antas ng pangangailangan ng tao. Sinabi ni


Maslow na ang taong nakarating sa antas na ito ay nagbibigay ng mas mataas na pagtingin sa
kasagutan sa halip na katanungan. Hindi siya natatakot mag-isa at gumawa kasama ang ibang tao.
Ang mga taong nasa ganitong kalagayan ay hindi mapagkunwari at totoo sa kanyang sarili. May
kababaang loob at may respeto sa ibang tao.
 
1. Ano ang mga pangangailangan ng tao ayon kay
Abraham Maslow?
2. Puwede bang makarating ang tao sa ikalawa,
ikatlo hanggang sa ikalimang baitang na hindi
dumadaan sa una? Bakit?
3. Paano mo mararating ang pinakamataas na
baitang? Ano ang dapat mong gawin upang marating
ito?

You might also like