Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 24

Kasaysayan

Ng
Wikang Pambansa
Sa Panahon ng Amerikano

 Sa panahon ng Amerikano, Ingles ang wikang


ginagamit na midyum ng pagtuturo sa mga paaralang
pampubliko.
 Bukod sa paggamit ng Ingles bilang wikang panturo,
ang mga paksang pinagaralan sa loob ng klase ay
tungkol sa mga Amerikano, ang kanilang kasaysayan,
literature, kultura, ekonomiya at pulitika.
 Sa panahong ito ipinagbawal ang pag-aaral sa ano mang
bagay na may kaugnayan sa Pilipino, kaya nagkaroon ng
interes ang mga estudyante na pag-aralan ang Pilipino.
 Dito nagsimulang magkaroon ng kolonyal na mentalidad
ang mga katutubong mamamayan at ang pagtataguyod
ng mga Pilipino.
1925
 Sa tulong ng sarbey ng Komisyong Monroe,
napatunayang may kakulangan sa paggamit ng Ingles
bilang wikang panturo sa mga eskwelahan, subalit wala
namang pagbabagong ginawa.
1931
 Dito nangyari ang pagtatalo ukol sa wika. Nagkaroon ng
maraming manunulat tungkol sa grammar ng Tagalog, pati
na rin ang paggawa ng diksyunaryo. Nais nilang ipakita
ang wikang Tagalog ay isang mayamang wika na maaring
gamitin bilang wikang panturo at bilang wikang
pambansa.
Hindi parin nalutas ang problema tungkol sa wika dahil
ipinaglaban at pinangatawanan ng Kawanihan ng
Pampublikong Paaralan ang paggamit ng wikang Ingles.
Matatag namang sinalungat ito nina Rafael Palma at Cecilio
Lopez.
Hindi kayang labanan ng mga tumatangkilik sa wikang
katutubo ang puwersang tumaguyod sa wikang Ingles dahil
sila’y watak-watak din dahil bawat isa’y may magkakaibang
wika ang binibigyang pansin. Kung tutuusin, Tagalong ang
wikang ipinanlaban sa wikang Ingles.
1934
 Pinag-usapan sa Kumbensyong Konstitusyunal ang tungkol sa
wika. Maraming Delgado ang sumang-ayon sa iba’t ibang
panig ng kapuluan na dapat wikang katutubo ang maging
Wikang Pambansa. Pero sinalungat ito ng mga maka-wikang
Ingles. Para sa kanila, ang nasabing wika ang magsisilbing
daan sa paghahanap ng trabaho na kapag marunong kang
magsalita ng banyagang wikang ito, makakamit mo ang
mataas na posisyon na gobyerno.
 Pero nakalimotan nila na ang naibibigay na kahalagahan
ng isang katutubo na wika sa pagpapaunlad at
pagpapasulong ng kultura, ekonomiya at pulitikal sa
sariling wika nang magmungkahi ang grupo ni Lope K.
Santos na ang wikang pambansa ay dapat ibatay sa isa sa
mga umiiral na wikain sa Pilipinas.
Diwang Nanaig sa Panahon Amerikano

 Kalayaan sa pagpapahayag
 Nasyonalismo
 Paglawak ng karanasan
 Paghanap at paggamit ng bagong pamamaraan
Sa Panahon ng Hapon

 Dahil nasa ilalim ng kolonya ng Estados Unidos kaya’t


sinakop ng Hapon ang Pilipinas. Ngunit para sa
karamihanng manunulat na Pilipino, isang biyaya sa
larangang panitikan ng bansa ang pangyayaring ito.
 Sumibol nang lubos ang panitikan ng bansa sa panahong
ito dahil ipinagbawal ng namumunong Hapon ang
paggamit ng wikang Ingles at itinaguyod ang
pagpapayaman sa panitikan ang mga katutubong wika sa
bansa.
 Sinunog din ang mga aklat na nasusulat sa Ingles upang
maisigurong hindi mababahiran ng kanluraning ideya ang
panitikang nililikha.
 Ang panahong ito sa kasaysayan ng bansa at ng panitikan
ang tinaguriang Gintong Panahon ng Panitikang Filipino
dahil higit na malaya ang mga Pilipino (kaysa noong sa
Amerikano) sa pagsulat ng panitikan at pagsanib ng
kultura, kaugalian at paniniwalang Pilipino sa mga ito.
 Sa panahon ding ito kinilala ang mga manunulat na
babaeng Pilipino sa pangalan nina Liwayway A. Arceo at
Genova Edroza-Matute dahil sa mga makintal na maka-
feministang maikling-kwento.
Tema ng Panitikan sa Panahon ng Hapon

 Sumisentro sa buhay sa lalawigan o pagsasaka at


pangingisda.
 Ugali ng mga Hapon na pagiging tapat sa kanilang bansa at
pagkakaroon ng dangal sa sarili at bansa.
Panahon ng Pagsasarili hanggang sa Kasalukuyan

Hulyo 4, 1946
 Nakamit ng Pilipinas ang kanyang kasarinlan.

Agosto 13, 1959


 Pimalitan ang tawag sa wikang pambansa mula sa TAGALOG
PILIPINO sa bisa ng kautusang Pangkagawaran Blg. 7 –Jose
Romero.
Kalihim Alejandro
 Nilagdaan at iniutos na ipalimbag sa wikang Pilipino ang lahat ng
sertipiko at diploma sa taong aralan 1963-1964

1963
 Ipinag-utos na awitin ang Pambansang awit sa titik nitong Pilipino
batay sa Kautusang Tagapagpaganap Blg. 60 s. 1963 na nilagdaan ni
pangulong Diosdado Macapagal
Ferdinand E. Marcos
 Nag-utos na ang lahat ng edipisyo, gusali at tanggapan pangalanan
sa Pilipino sa bias ng kautusang Tagapagpaganap blg. 96 s. 1967.

Rafael Salas
 Nilagdaan ang Memorandum Sirkular Blg. 172 (1968) na nag-uutos
na ang ulong-lihan ng tanggapan ng pamahalaan ay isulat sa
Pilipino.
Memorandum Sirkular Blg. 199 (1968)
 Nagtatagubilin sa lahat ng kawani pamahalaan na dumalo sa mga
seminar sa Pilipino na pangungunahan ng Surian ng Pambansa sa
iba’t ibang purok lingguwistika ng kapuluan.

Kautusang Tagapagpaganap Blg. 187


 Nilagdaan ni Pangulong Marcos na nag-uutos sa lahat ng
kagawaran, kawanihan, tanggapan, at iba pang sangay ng
pamahalaan ng gamitin ang wikang Pilipino hangga’t maaari sa
Linggo ng Wikang Pambansa at pagkaraan naman sa lahat ng
opisyal na komunikasyon at transaksiyon.
Hulyo 19, 1974
 Nagpalabas ang Kagawaran ng Edukasyon at Kultura sa pamumuno
ni Kalihim Juan L. Manuel ng Kautusang Pangkagawaran Blg.
25 s. 1974 ng panuntunan sa pagpapatupad ng patakarang
Edukasyon Bilingguwal..

Panglong Corazon Aquino


 Bilang unang babaeng pangulo, bumuo ng bagong batas ang
Conastitution Comisssion.
Saligang Batas 1987
 Nilinaw ang mga kailanganng gawin upang maitaguyod ang wikang
Filipino.

Panglong Gloria Macapagal Arroyo


 Naglabas siya ng Executive Order NO. 210 noong Mayo 2003 na
nag-aatas ng pagbabalik sa isang monolingguwal na wikang panturo
ang Ingles, sa halip na ang Filipino.
Sa kasalukuyan, masasabing marami pa ring sagabal sa
pagsulong ng wikang Filipino. Ngunit kung ang pagbabatayan
natin ang paglalaganap at paggamit ng wikang Filipino,
masasabi nating mabilis nga ang pagsulong nito.
Noong ika-5 Agosto 2013, sa pamamagitan ng
Kapasiyahan Blg. 13-39 ay nagkasundo ang
Kaluponan ng KWF sa sumusunod na depinisyon ng
Filipino.
Filipino:

 Ang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong


Pilipinas bilang wika ng komunikasyon, sa pagbigkas at sa
pasulat na paraan ng mga pangkating katutubo sa buong
kapuluan.
 Isang wikang buhay, mabilis itong pinauunlad ng araw-
araw at iba’t ibang uri ng paggamit sa iba’t ibang pook at
sitwasyon at nililinang sa iba’t ibang antas ng saliksik at
talakayang akademiko ngunit sa paraang maugnayin at
mapagtampok sa mga kalahok na nagtataglay ng mga
malikhaing katangian at kailangang karunungan mula sa
mga katutubong wika ng bansa.
Gumawa ng reflection tungkol sa kalagayan ng wika batay
sa tinalakay na kasaysayan ng wika.

You might also like