Katangiang Pisikal NG Daigdig

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 55

Nasaan ang planetang daigdig sa

solar system?
Ano ang iyong masasabi sa posisyon
ng daigdig sa solar system?
 
Sagutan ang gawain 1
 
Ang daigdig ay may apat na hating globo

1. Hilagang Hemisphere
2. Katimugang Hemisphere
3. Kanlurang Hemisphere
4. Silangang Hemisphere
Equator
Prime Meridian

Ang Northern at Southern Hemisphere na hinahati ng Equator.


Ang Eastern atWestern Hemisphere na hinahati ng Prime Meridian.
Longitude - Ang distansyang Angular na nasa pagitan
ng dalawang meridian patungo sa kanluran ng Prime
Meridian.Ito rin ang mga bilog (great circles) na
tumatahak mula sa North Pole patungong South Pole
Latitude -Distansyang Angular sa pagitan ng
dalawang parallel patungo sa hilaga o timog na
equator
Median- -lahat ng pook na bumabaybay sa
kahabaan ng isang guhit ng meridian ay sabay-
sabay na nakakaranas ng katanghalian. ▪ - dito
kunuha ang pinaikling na “A.M.” o bago sumapit
ang tanghali, “P.M.” o post meridian o pagkalipas
ng tanghali.
Parallel ▪Ito ang guhit na kaagapay o parallel sa
kapwa nito guhit at walang paraan para sila
magsalubong
Apat na mahalagang parallel ang naiguhit sa umiinog na
daigdig sa pamamagitan ng sinag ng araw.

1. Arctic Circle,
2. Tropic of Cancer,
3. Tropic of Capricorn
4. Antarctic Circle
Ilang Mahalagang Kaalaman Tungkol sa Daigdig
Tinatayang Bigat (mass)

5.9736 x 1024 kg
Tinatayang Edad

4.6 bilyong taon


Populasyon (2009)

6,768,167,712
• Kabuuang Lawak ng Ibabaw ng Daigdig
510,066,000 kilometro kuwadrado
• Lawak ng Kalupaan 148,258,000 km kwd
(29.1%) (km2)
• Lawak ng Karagatan 335,258,000 km kwd (km2)
• Pangkalahatang Lawak ng Katubigan
361,419,00 km kwd (70.9%) (km2)
• Uri ng Tubig 97% alat, 3% tabang
• Circumference o Kabilugan sa Equator
40,066 km
• Circumference o Kabilugan sa Poles
39,992 km
• Diyametro sa Equator 12,753 km
• Diyametro sa Poles 12,710 km
• Radius sa Equator 6,376 km
Bilis ng Pag-ikot Lumiligid ang daigdig paikot sa
araw sa bilis na 66,700 milya bawat oras (mph),
107,320 km bawat oras
Orbit sa Araw
Lumiligid ang daigdig paikot sa araw sa loob ng
365 araw, limang oras, 48 minuto at 46 na
segundo
Malalaking masa ng solidong bato na hindi nananatili sa posisyon. Sa halip, ito ay
gumagalaw mga balsang inaanod ng Mantle.
Napakabagal ng paggalaw ng mga plate na ito. Sa katunayan, umaabot lamang sa
5 sentimetro (2 pulgada) bawat taon.
Gayunpaman, ang paggalaw at ang pag-uumpugan ng mga ito ay napakalakas at
nagdudulot ng mga paglindol, pagputok ng mga bulkan, at pagbuo ng mga
kabundukan tulad ng Himalayas.
Ito rin ang makapagpapaliwanag kung bakit sa loob ng milyon-milyong taon, ang
posisyon ng mga kontinente ay nagbabago-bago.
Ayon kay Alfred Wegener, isang German na
nagsulong ng Continental Drift Theory, dati ng
magkakaugnay ang mga kontinente sa isang
super kontinente na Pangaea. Dahil sa paggalaw
ng continental plate o malaking bloke ng bato
kung saan nakapatong ang kalupaan, nagkahiwa-
hiwalay ang Pangaea at nabuo ang kasalukuyang
mga kontinente.
240 milyong taon – Mayroon lamang isang super
continent na tinawag na Pangaea na pinaliligiran
ng karagatang tinawag na Panthalassa Ocean.
200 milyong taon – Nagsimulang maghiwalay
ang kalupaan ng Pangaea hanggang sa mahati sa
dalawa: Laurasia sa Northern Hemisphere at
Gondwana sa Southern Hemisphere.
65 milyong taon – Nagpatuloy ang paghihiwalay
ng mga kalupaan. Mapapansin ang India na unti-
unting dumidikit sa Asya
Sa kasalukuyan – Unti-unti ang paggalaw ng mga
kontinente. Tinatayang 2.5 sentimetro ang galaw
ng North America at Europe bawat taon.
7 kontinente sa mundo
Nagmumula sa Africa ang malaking suplay ng ginto at diyamante.
Naroon din ang Nile River na pinakamahabang ilog sa buong
daigdig,
ang Sahara Desert,na pinakamalaking disyerto. Ang Africa ang
nagtataglay ng pinakamaraming bansa kung ihahambing sa ibang
mga kontinente.
Antarctica ang tanging kontinenteng natatakpan ng yelo na ang
kapal ay umaabot ng halos 2 km. (1.2 milya). Dahil dito, walang
taong naninirahan sa Antarctica maliban sa mga siyentistang
nagsasagawa ng pag-aaral tungkol dito. Gayunpaman, sagana sa
mga isda at mammal ang karagatang nakapalibot dito.
Pinakamalaking kontinente sa mundo ang Asya. Sinasabing ang
sukat nito ay mas malaki pa sa pinagsamang lupain ng North at
South America, o sa kabuuang sukat ng Asya ay tinatayang
sangkatlong (1 /3) bahagi ng kabuuang sukat ng lupain ng
daigdig. Nasa Asya rin ang China na may pinakamalaking
populasyon sa daigdig at ang Mt. Everest na pinakamataas na
bundok sa pagitan ng Sagamartha Zone sa Nepal at Tibet sa
China.
Samantala, ang laki ng Europe ay sangkapat (1 /4) na bahagi
lamang ng kalupaan ng Asya. Ito ang ikalawa sa pinakamaliit na
kontinente ng daigdig sa lawak na halos 6.8% ng kabuuang lupa
ng daigdig.
Ang Australia ay isang bansang kinikilala ring kontinenteng pinakamaliit sa
daigdig. Napalilibutan ito ng Indian Ocean at Pacific Ocean,at inihihiwalay ng
Arafura Sea at Timor Sea. Dahil sa mahigit 50 milyong taong pagkakahiwalay
ng Australia bilang isang kontinente, may mga bukod tanging species ng
hayop at halaman na sa Australia lamang matatagpuan.Kabilang dito ang
kangaroo, wombat, koala,Tasmanian devil, platypus, at iba pa.
Ang North America ay may hugis na malaking tatsulok subalit
mistulang pinilasan sa dalawang bahagi ng Hudson Bay at Gulf of
Mexico. Dalawang mahabang kabundukan ang matatagpuan sa
kontinenteng ito – ang Applachian Mountains sa silangan at
Rocky Mountains sa kanluran.
Gayundin, ang South America ay hugis tatsulok na unti-
unting nagiging patulis mula sa bahaging equator
hanggang sa Cape Horn sa katimugan. Ang Andes
Mountains na may habang 7,240 km (4,500 milya) ay
sumasakop sa kabuuang baybayin ng South America.
Ang Ilang Datos Tungkol sa Pitong Kontinente
Kontinente Lawak (km² Tinatayang Populasyon (2009) Bilang ng Bansa
 

Asya 44,614,000 4,088,647,780 44


 

  30,218,000 990,189,529 53
Africa

  10,505,000 728,227,141 47
Europe

  24,230,000 534,051,188 23
North America

  12,814,000 392,366,329 12
South America

  14,245,000 -NA- 0
Antarctica

  8,503,000 34,685,745 14
Australia at Oceania
Karagdagan sa natutuhan mo tungkol sa mga
kontinente ng daigdig, ipinaliliwanag sa ibaba
ang mala-jigsaw puzzle na hugis ng South
America at Africa, at ang bahaging
ginagampanan ng daandaang bulkan sa rehiyong
tinatawag na Pacific Ring of Fire.
Ang malawakang hangganan ng Asya, North
America, at South America ay matatagpuan sa
Pacific Ring of Fire.
Tinatawag itong Ring of Fire dahil matindi ang
pagputok ng bulkan at paglindol sa rehiyong ito
bunga ng pag-uumpugan ng mga tectonic plate
o tipak ng crust ng daigdig kung saan
nakapatong ang mga naturang kontinente.
Sa kasaysayan, tinatayang may 540 bulkan na ang pumutok
at 75% sa mga ito ay nasa Pacific Ring of Fire. Ilan sa mga
bulkan sa Pacific Ring of Fire na pumutok at nagdulot ng
malaking pinsala, ang Tambora noong nagdulot ng (92,000
ang namatay); Krakatoa noong 1883 (36,000 ang namatay);
at Mt. Pelee noong 1902 (30,000 ang namatay). Samantala,
ilan sa mga bansang labis na napinsala ng malalakas na
lindol ang China noong 1556 (830,000 ang namatay) at 1976
(242,000 ang namatay); Japan noong 1923 (143,000 ang
namatay); Sumatra noong 2004 (227,898 ang namatay); at
Haiti noong 2010 (222,570 ang namatay).
Mga Anyong Lupa at
Anyong Tubig
Tinatawag na topograpiya ang pisikal na katangian ng isang lugar o rehiyon. Sa
pagdaan ng panahon, ang mga tao ay natutong makiangkop sa kanilang kapaligiran. Sa
kasaysayan ng sangkatauhan, ang mga kauna-unahang kabihasnan ng daigdig ay
umusbong malapit sa mga lambak-ilog. Kabilang dito ang mga lambak ng Tigris-
Euphrates, Indus, Huang Ho sa Asya, at lambak-ilog ng Nile sa Africa.
Ang mga bulubunduking lugar ay kadalasang
nagtataglay lamang ng maliit na populasyon.
Kapansin-pansing ang pinakamataas na bundok
sa buong daigdig ay matatagpuan sa Asya, tulad
ng Everest (29,028 talampakan o 8,848 metro).
Sa Africa, pinakamataas ang Kilimanjaro (19,340
talampakan o 5,895 metro) at sa Europe, ang
Elbrus sa Russia (18,510 talampakan o 5,642
metro).
Bundok Taas (sa metro) Lokasyon
 

  8,848 Nepal/Tibet
Everest

  8,611 Pakistan
K-2

  8,586 Nepal/India
Kangchenjunga

  8,511 Nepal
Lhotse

  8,463 Nepal/Tibet
Makalu

  8,201 Nepal/Tibet
Cho Oyu

  8,167 Nepa
Dhaulagiri

  8,163 Nepal
Manaslu

  8,125 Pakistan
Nanga Parbat

  8,091 Nepal
Annapurna
Mga Karagatan sa Daigdig
• Pacific Ocean
• Atlantic Ocean
• Indian Ocean
• Southern Ocean
• Arctic Ocean
Matatagpuan sa mga karagatan ang ilang pinakamalalim
na bahagi ng daigdig, pangunahin sa talaan ang
Challenger Deep sa Mariana Trench na nasa kanlurang
bahagi ng Pacific Ocean. Iba pang malalim na trench
Puerto Rico Trench sa Atlantic Ocean, Java Trench sa
Indian Ocean, at Eurasia Basin sa Arctic Ocean.
Marami pang dagat na matatagpuan sa daigdig na
kadalasang bahagyang napaliligiran ng mga lupain.
Pinakamalalaking dagat sa daigdig ang South China Sea,
Caribbean Sea, at Mediterranean Sea
Ang daigdig ang tanging planeta sa solar system
na kayang makapagpanatili ng buhay. Ang
malaking bahagi ng ating planeta ay may kaaya-
ayang atmospera at sapat na sinag ng araw, init
at tubig upang matustusan ang pangangailangan
ng mga halaman at hayop sa balat ng lupa.
Ang daigdig ang tanging planeta sa solar system
na kayang makapagpanatili ng buhay. Ang
malaking bahagi ng ating planeta ay may kaaya-
ayang atmospera at sapat na sinag ng araw, init
at tubig upang matustusan ang pangangailangan
ng mga halaman at hayop sa balat ng lupa.
Ang mga lugar na malapit sa equator ang nakararanas ng
pinakasapat na sinag ng araw at ulan na nararanasan sa
buong daigdig. Dahil dito, maraming habitat o likas na
tahanang nagtataglay ng iba’t ibang species ng halaman at
hayop ang matatagpuan sa mga lugar na ito. Kabilang sa
mga ito ay ang mga rainforest, coral reef, at mangrove
swamp. Kapag bihira naman ang pag-ulan at napakainit ng
panahon sa isang pook, tulad ng disyerto, kakaunti ang
maaaring mabuhay na mga halaman at hayop dito. Ganito
rin ang maaaring asahan sa mga lugar na lubhang
napakalamig ng panahon.

You might also like