Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 19

KABANATA 10-Ang Ekilibriyo at

Gastusing Pamproduksiyon

Araling 19- Pag-uugnayan ng Konsyumer at


Prodyuser
Pagkakasundo sa Pamilihan
Ang pamilihan ay isang lugar kung saan nagaganap
ang epektibong transaksiyon sa pagitan ng
konsyumer at prodyuser,Ang naganap na
interaksyon na ito ang nagpapakita ng pag-uugnayan
at pagkakasundo ng konsyunmer at tindera.
Kapag nagkasundo ang konsyumer at prodyuser ay
nagkakaroon ng ekilibriyo sa pamilihan.
Ang ekilibriyo ay isang kalagayan na kung saan walang
sinuman sa konsyumer at prodyuser ang gustong
gumalaw at kumilos dahil lahat ng gusto at kayang
bilhin ng konsyumer sa presyong nakatakda ay
tamang-tama sa gusto at kayang ibenebenta ng
prodyuser.Ito ang sitwasyon na ang
konsyumer(demand) at prodyuser(supply) ay
nagtatagpo.Ang ekilibriyo ng pamilihan ay
nagpapakita na may pinagkasunduan ang bumili at
nagbibili sa presyo at dami ng produkto.
1. Presyong Ekilibriyo
Ang presyong ekilibriyo ay ang lebel ng presyo na
umiiral sa pamilihan upang maganap ang bilihin sa
pagitan ng konsyumer at prodyuser.Ito ang
pinagkasunduang presyo ng dalawang tauhan sa
pamilihan.

Malalaman ang presyong ekilibriyo sa pamilihan sa


pamamagitan ng paggamit ng demand at
supply functions .
**Pag-alam ng presyong ekilibriyo
Equation: Qd=Qs
Qd-Demand Function
Qs-Supply Function
Halimbawa:
Unang Hakbang: Gamitin and equation na nasa itaas.
Ikalawang Hakbang: Pagsamahin ang parehong dependent at
independent variables ng dalawang function;

Qd=Qs
80-3P=-100+6P
80+100=3P=6P
180=9P
P=180/9
P=20
Ang presyong ekilibriyo ay Php
20.00.Nangangahulugan ito na
ang konsyumer at prodyuser ay
nagkasundong bumili at
magbili sa nasabing presyo.
Ang Pag-uugnayan ng Dalawang Aktor
ng Pamilihan

Prodyuser

Demand Ekilibriyong Presyo Supply


at Dami

Konsyumer
2. Ekilibriyong Dami
Ito ay tumutukoy sa dami ng
produkto na handang bilhin at
ipagbili ng konsyumer at
prodyuser sa napagkasunduang
presyo. Sa presyong ekilibriyo na Php
20.00,mababatid kung ilan ang dami ng supply at
demand sa pamilihan. Malalaman ang ekilibriyong
dami sa pamamagitan ng paghalili ng presyong
Php20.00 sa P ng demand at supply function.
Kompyutasyon:
Qd=80-3(20) Qs= -100+6(20)
=80-60 = -100+120
= 20 = 20

Halimbawa, Php20.00 ang presyo ng bawat piraso


ng dalandan,ang konsyumer at prodyuser ay bibili at
magbibili ng 20 piraso ng dalandan. Ang 20 piraso
ay ang ekilibriyong dami sa pamilihan.
Pag-aralan ang talahanayan ng demand at
supply ng dalandan

Qd Presyo Qs
26 18 8
23 19 14
20 20 20
14 22 32
11 23 38
5 25 50
2 26 56
Mapapansin sa talahanayan na anumang presyo na mataas at
mababa sa presyong ekilibriyo ay nagkakaiba ang dami ng
handang bilhin at ipagbili ng konsyumer at prodyuser.
Makikita ang magkaibang reaksiyon ng dalawang aktor ng
pamilihan sa pagtaas at pagbaba ng presyo.Batay sa talaan,sa
presyong Php 18.00,ang konsyumer ay handang bumili ng 26
piraso ng dalandan,samantalang walong piraso ang handang
ipagbili ng prodyuser.Ibig sabihin,mas mataas ang demand
kaysa sa supply. Kapag itinaas ang presyo sa Php23.00,ang
konsyumer ay bibili lamang ng 11piraso ng
dalandan,samantalang ang prodyuser ay handang magbenta
ng 38 piraso. Mapapansin na kapag tumaas ang presyo ay
mas mataas ang Qs kaysa Qd.Ang ekilibriyong presyo at dami
ay mahalaga upang magkaroon ng bilihan ng mga produkto
sa pamilihan.
Grapikong Paglalarawan ng Ekilibriyo sa
Pamilihan
Sa graph makikita kung saang presyo at dami ang
konsyumer at prodyuser.Ang punto kung saan
nagkakaroon ng interaksiyon ang demand at supply
ay tinatawag na punto ng ekilibriyo.Ito ay
nagpapakita ng balanse sa pamilihan. Ang punto na
mababa at mataas sa punto ng ekilibriyo ay
naglalarawan ng kawalan ng balanse o disekilibriyo
sa pamilihan.
3.Pagbabago ng Ekilibriyo sa Pamilihan
Sanhi ng Pagbabago ng Demand at Supply

Ang pagbabago o paggalaw ng


alinman sa demand at supply ay
makakaapektosa ekilibriyo sa
pamilihan.
4. Pagbabago ng Demand Habang
Walang Pagbabago sa Supply
Epekto ng pagkasawa sa pagkonsumo
ng produkto.Ang tao ay nagbabago ng
panlasa at umaabot sa pagkasawa na
bilhin ang isang produkto,kaya
binabawasan ang binibili nito.
5. Magkasabay na Pagbabago ng
Demand at Supply

Ang sabay na pagbabago ng supply at


demand ay bunga ng mga salik na
nakaaapekto sa dalawang
konsepto.Tulad ng pagbabago ng
panlasa at pagtaas ng gastusin sa
produksiyon.
PASULIT
A. Kaalaman sa Kompyutasyon:
Kumpletuhin ang talaan sa pamamagitan ng
paggamit ng demand at supply functions.

Qd Presyo Qs

92 16 _____

_____ 18 _____

65 _____ _____

50 _____ 100

_____ 34 _____

Qd = 140-3P Qs = -110+7P
Sagutin ang mga tanong batay sa talaan
sa letra A.
_____1.Magkano ang presyong ekilibriyo?
_____2.Ilan ang ekilibriyong dami?
_____3. Ilan ang Qd sa presyong PhP34.00?
_____4. Ilan ang Qs sa presyong PhP18.00?
_____5. Magkano ang presyo sa Qd na 50,at Qs na
100?
Inihanda ni:
Yvonne Taripe Bautista
IV-Mere Barbe Foucault

You might also like