Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

Morpolohiya

Bernales et al., 2007 – makaagham na


pag-aaral ng mga morpema o
makabuluhang yunit ng mga salita.
Santiago & Tiangco 2003 – pag-aaral
sa pagbuo ng mga salita sa
pamamagitan ng iba’t ibang morpema.
MORPEMA
Isang kombinasyon o samahan ng ponema
na may kahulugan.
Galing sa katagang morpheme sa wikang
Ingles na nagmula sa salitang Griyego-
morph (anyo o yunit) + eme (kahulugan).
Ronda et al., 2009 – ang morpema ay
itinuturing na pinakamaliit na yunit ng
isang salita na may angking kahulugan. Ito
ay maaaring panlapi o salitang-ugat.
3 Uri ng Mormepa
1. Morpemang Ponema /a/ at /o/ - nagbabago
ang kahulugan (kasarian) dahil sa pagdaragdag nito.
Halimbawa:
Kapitan – Kapitana
Abogado – Abogada
2. Morpemang Salitang-Ugat – uri ng morpema na
walang panlapi.
Halimbawa:
Indak Bunso
Sulat Ganda
Morpemang Salitang -Ugat Bagong
Panlapi Kahulugan Morpema

ma- Pagkakaroon ng Bait Mabait


katangiang
taglay ng
salitang-ugat

um- Pagganap ng Awit Umawit


kilos

-an Lugar na Aklat Aklatan


pinaglalagyan

ma- Nagsasaad ng Pera Mapera


pagkakaroon
3. Morpemang Panlapi – ang morpemang
may kahulugang taglay sa kanyang sarili dahil
sa nakaragdag ito sa kahulugan ng salitang-
ugat (Capinding, 2005, sa Ampil, Breva &
Mendoza, 2010).
Ulit et al., 2009 – ang mga panlaping
Filipino ay maaaring ikabit sa mga
pangngalan at tinatawag na panlaping
makangalan, sa pandiwa ay tinatawag na
panlaping makadiwa, at sa pang-uri ay
tinatawag na panlaping makauri.
 Morpemang Leksikal – may tiyak na kahulugan,
kabilang dito ang mga pangngalan, panghalip,
pandiwa, pang-uri at mga pang-abay.
 Morpemang Pangkayarian – walang tiyak na
kahulugan, kabilang dito ang mga pang-ugnay at
mga pananda.
Halimbawa:
Naghintay nang pagkatagal-tagal si Pedro sa
kanyang mga kaklase.
Naghintay nang pagkatagal-tagal ang mga kaklse
ni Pedro.
KLASIPIKASYON NG MORPOLOHIYA
1. Malayang Morpema
 makakatayong mag-isa bilang salita at may
kahulugan.
Halimbawa: takbo, ulam, araw
2. Di Malayang Morpema
 nangangailangan ng panlapi sa salitang-ugat upang
makabuo ng bagong salita.
Halimbawa:
Unlaping pag + salitang-ugat + taas =pagtaas
Gitlaping um + salitang-ugat + dalas =dumalas
Hulaping in + salitang-ugat + basa =basain
3. Leksikal na Morpema
 Pinagsasama ang isang malaya at di-malayang
morpema na nagdadala ng bagong anyo o salita at
pati na ang kahulugan.

Halimabawa: Pag-aralan ang mga salita at panlaping


ginamit.
Bundok
Mabundok
Kabundokan
Maraming bundok
Mga bundok
4. Gramatikal na Morpema
 Bumubuo ng isang maayos na gramatika.
 Ang pinagsama-samang salita ay nakabubuo ng
isang malinaw na kahulugan.
 Makabubuo ng isang malinaw na pangungusap sa
tulong ng mga pangatnig at pang-ukol.
 Sa tulong ng mga bahagi ng pananalita ay
nakalilikha tayo ng isang tamang gramatikal.

Halimbawa:
Nagpunta ang ama sa bukid para sa anak.
Pag-aanalisa: Nagpunta bukid ama anak para.
5. Infleksyon na Morpema
 Ayon kay Franklin at Rodman (1978 - 153), ito ay
ang paggamit ng morpemang panlapi sa
pandiwang pamanahon o aspekto ng pandiwa na
hindi kakikitaan ng pagbabago sa anyong
pansimantika ng mga salita o morpema kung saan
sila kasama.
Halimbawa:
a.) Nagpasa siya ng proyekto.
b.) Nagpapasa siya ng proyekto.
c.) Magpapasa siya ng proyekto.
6. Derivasyonal na Morpema
 Nagbabago ang bawat morpema o salitang
sinamahan ng ibang morpema ay nababago ang
buong salita.

Halimbawa:
1. sayaw (dance) mananayaw (dancer)
2. tula (poem) manunula (poet)
3. kopya (copy) mangungupya(tao/makina)
Panuto: Tukuyin ang mga salita kung ito ay ponema, panlapi o
salitang-ugat. Kapag panlapi, itala kung ito ay makangalan,
makadiwa o makauri.
Salita Uri ng Morpema Panlaping Ginamit

1. Masipag
2. Abogado
3. Tiyak
4. Taganayon
5. Kumain
6. Kagandahan
7. Cecelia
8. Taniman
9. Mapang-akit
10. Mangaral

You might also like