Lesson 3 Ang Alamat

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 22

ALAMAT

Alamat- salaysay na karaniwan ay kathang-isip


lamang tungkol sa pinagmulan ng isang bagay o
pook.
DALAWANG URI NG ALAMAT

•Etiohikal
•Di- etiolohikal
Etiohikal- alamat na nagpapaliwanag sa
pinagmulan ng mga anyong lupa, tubig, o
pinagmulan ng mga hayop, halaman at
nagpapaliwanag din sa mga bagay na mayroon
sila ngayon.
 
Di- etiolohikal- ang tiyak na uri ng alamat.
Kabilang sa Etiolohikal ang mga alamat na
nagpapaliwanag sa pinagmulan ng mga anyong
lupa (hal., mga bundok, kuweba, isla), pinagmulan
ng mga anyong-tubig (hal., mga ilog, lawa, talon),
pinagmulan ng mga hayop (hal., mga bakulaw,
ibon, isda, insekto, at pinagmulan ng mga halaman
(puno, bulaklak, prutas). Kabilang din dito ang
alamat na nagpapaliwanag bakit taglay ng mga
bagay ang mga katangiang mayroon sila ngayon.
HALIMBAWA NG MGA DI-ETIOLOHIKAL NA ALAMAT
• Alamat ng kabayanihan at kasaysayan
-maikling salaysay ng mga mahalagang yugto sa buhay ng mga dakilang tao, gaya ng mga bayani
ng lahi, mga kilalang tao sa kasaysayan, at mga taong bniniyayaan ng pambihirang
kapangyarihan.
Halimbawa:
1.”Bernardo Carpio ng mga Tagalog”
2.  ”Isidoro Guintu” ng Pampanga
3. “Eulalio Virac” ng Bicol
4. “Biuag at Malana” ng mga Gaddang
5. “Datu Sumakwel at Kapinangan” ng mga Hiligaynon
• Alamat ng Relihiyon
-isinasalaysay ng mga ito ang pagpapakita o paghihimala ng Panginoon at mga
santo at santa.
 binubuo ito ang isa sa pinakamalalaki at pinakamahahalagang pangkat ng mga
alamat.
Halimbawa:
1. Alamat ng Sto Nino
2. Ang Banal na Krus
3. Mahal na Birhen
• Alamat ng mga Pambihirang Nilalang
-isinasalaysay nito ang engkwentro ng tao sa iba’t-ibang pambihirang nilalang
gaya ng mga demonyo, multo, aswang, kapre, tiyanak, tikbalang, duwende, nuno
sa punso, mangkukulam, engkanto, sirena, at santelmo.

Halimbawa:
1. “ Ang Kapre ng Balayan”
2. “Ang Alamat ni Mariang Makiling” ng mga Tagalog
3. “Ang Munting Kaibigan” ng mga Bikolano
4. “Engkwentro sa mga Tiktik” sa mga Aklanon
5. “Si Maria Cacao” ng mga Cebuano
• Alamat ng Pangalan ng Pook
-isinasalaysay ng mga ito kung paanonagsimula ang pangalan ng mga pook na
siyang bumubuo sa pinakamalaking pangkat ng mga alamat sa panitikang
Pilipino. Bagama’t sari-sari ang pagpapangalan sa mga pook, naitala ni Eugenio
ang mga sumusunod na pagkakatulad.

a. Ipinapangalan ang isang pook sa mga tao, lalo na iyong mga magsing-irog
gay ng Midoro na Hinango sa mga pangalan nina Mina at Doro;
b. Hinahango ang pangalan ng pook sa isang halaman o anumang bagay na
doon natagpuan, gaya ng “Lucban” na nakuha sa nakitang puno ng lukban sa
lugar.
c. Maaari ding panggalingan ng pangalan ang hindi pagkakaintindihan ng isang
katutubo at dayuhang nag-usap gaya ng “Bolinao” na sinasabing isinagot ng
kababaihan sa pagaakalang itinatanong ng mga dayong Espanyol ang puno sa lugar;
d. Nagiging pangalan ng isang pook ang pinaikling pahayag ng tauhan sa alamat
gay ng “Tagaytay” mula sa “Taga, Itay;”
e. Ginugunita ng pangalan ng isang pook ang hndi malilimutang pangyayaring
naganap doon, gaya ng “Tinangisan” na ipinangalan sa isang pook sa Palawan na
nariringgan daw ng pagtangis ng mag-ama na naulila sa ina;
f. Ang pangalan ng ibang pook ay simpleng naglalarawan dito, gaya ng “Iloilo”
mula sa Irong-irong o pagiging hugis-ilong ng pulo; at
g. Maaari ding isunod ang pangalan ng isang pook sa isang santo o santa, gaya ng
“Sta Ana.”
Iba pang Alamat
Kabilang dito ang mga alamat na hindi mauri sa naunang apat, gaya
ng “Alamat ng Lumubog na Kampana”, “Alamat ng Nakabaong
Kayamanan,” “Alamat ng ng Minumultong Lugar,” at “ Alamat ni
Dona Geronima.”

You might also like