Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 32

Aralin 10 – Pag – ibig,

Pananalig, at Pananampalataya
Tunguhin

1. Magpangkat sa tatlo ang klase. Pumili ng lider na


mamamahala sa gagawing talakayan.

2. Suriin ang larawang nakalaan para sa bawat pangkat.


Pagkatapos ay ibigay ang nakuhang mensahe dito.
Paano maipakikita ang malalim na
pananampalataya sa Diyos?

Ang malalim na pananampalataya sa Diyos ay


naipakikita sa pamamagitan ng pagiging
makatarungan sa iba lalo na ang mga walang
kakayahan sa buhay sapagkat ang pagiging
makatarungan ay isang uri ng dalisay na pag-ibig
at ang pagmamalasakit sa tao ay repleksiyon ng
pag-ibig sa Diyos.
Bakit kailangan gumamit ng matatalinghagang
pananalita sa tula?

Nakadaragdag sa kagandahan at bisa ng tula ang


paggamit ng matatalinghagang pananalita
Pakikinig
Naibibigay ang puna sa estilo ng napakinggang tula

1. Pakikinggan ang saknong na babasahin ng piling mag-


aaral.
2. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan matapos
ang mga binasang saknong.
A. Paano binigkas ang tula?
B. Anong mga matatalinhagang salita ang ginamit sa
saknong?
C. Naipakita ba ang kariktan ng saknong? Paano?

D. Kung susuriin ang napakinggang saknong,


kakikitaan ba ito ng mga elemento ng tula? Isa-
isahin ang mga ito.
Unawain
A. Alamin
Naibibigay ang kahulugan ng matatalinghagang pananalita na ginamit
sa tula

Ang mga Kayamanan ng Tao


(ni Amado V. Hernandez)
Anang Moralista: “Ang dakilang yaman
sa buong sanmundo ay ang karangalan”;
kapagka ang tao’y walang puri’t ngalan
ang nakakawangki’y maruming basahan.
Anang Pilosopo’y ang dunong at utak
ang yamang lalo raw mahigit sa pilak,
dinirinig nila ang kuro mo’t balak
at parang ilaw kang maruming basahan.

Anang manggagamot ay lalong dakila


iyong kalusuga’t katawang sariwa,
ang talino’t ginto ay wala ng wawa
sa sinomang sakit ang nag-aalaga.
Ayon sa bangkero’y salapi ang higit
na makatutugon sa anomang nais,
kung may naghaharing Bathala sa langit,
sa lupa’y salapi ang walang kaparis.

At ang aking tugon, “Kapagka ang buhay


ng tao’y pinuspos ng mabuting bagay,
ang dangal, ang dunong, ang lakas at yaman,
ay hindi lalayo sa kanyang tahanan.”
Anang Moralista: “Ang dakilang yaman
sa buong sanmundo ay ang karangalan”;
kapagka ang tao’y walang puri’t ngalan
ang nakakawangki’y maruming basahan.

Saknong 1:
kung walang integridad ang isang tao,
maihahalintulad siya sa walang halagang
kagamitan
Anang Pilosopo’y ang dunong at utak
ang yamang lalo raw mahigit sa pilak,
dinirinig nila ang kuro mo’t balak
at parang ilaw kang maruming basahan.

Saknong 2:
Sa mga pilosopo, ang dunong ay maihahalintulad
sa batong kumikinang
Anang manggagamot ay lalong dakila
iyong kalusuga’t katawang sariwa,
ang talino’t ginto ay wala ng wawa
sa sinomang sakit ang nag-aalaga.

Saknong 3:
Napakahalaga ng kalusugan sa isang tao
Ayon sa bangkero’y salapi ang higit
na makatutugon sa anomang nais,
kung may naghaharing Bathala sa langit,
sa lupa’y salapi ang walang kaparis.

Saknong 4:

Ang salapi ang pinakamakapangyarihan sa lahat


sang-ayon sa mga bangkero
At ang aking tugon, “Kapagka ang buhay
ng tao’y pinuspos ng mabuting bagay,
ang dangal, ang dunong, ang lakas at yaman,
ay hindi lalayo sa kanyang tahanan.”

Saknong 5:
Ang pagsunod sa batas ng kagandahang asal at
mabuting gawain ay maituturing na kayamanan
ng tao
B. Basahin
Si St. Teresa de Avila ay itinuturing na pinakamahusay na
manunulat ng panitikan ng Kastila. Ibinigay rin sa kaniya
ang karangalan ng pagiging unang manunulat sa Europa.
Siya ay nabibilang sa kongregasyon ng Carmelite at
idineklarang isang Santa noong 1622.

Ang tulang isinulat ni St. Teresa de Avila ay nabibilang sa


katipunan ng mga tula na nasa mga aklat ng panitikan.
Magtiwala
ni St. Teresa de Avila
Isinalin sa Ingles ni Henry W. Longfellow
Isinalin sa Filipino ni Marissa Bernabe

Huwag mag-alala, huwag mangamba


walang anumang dapat ikabahala
Lahat ng bagay lilipas, mawawala
Subalit ang Panginoon, hindi magbabago, mag-iiba
kaya’t maghihintay, mga kahilingan iyong makakamit
sa takdang araw
biyayang matatanggap, sasapat na tunay.
Suriin
A. Pagbasa
Nasusuri ang mga elemento ng tula

Sukat Sining o kariktan


Tugma Larawang-diwa
Talinghaga Paksa
Persona Saknong
Sukat – Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat
taludtod. May dalawang pangkat ng sukat: gansal at pares.

Halimbawa: “Ang Bato” ni Jose Corazon de Jesus


Ba/tong/tun/tu/ngan/mo/sa/pag/ka/da/ki/la = 12
Ba/tong/tun/tu/ngan/ka/sa/pa/ma/ma/ya/pa = 12
Ta/la/gang/ga/ni/to/sa/la/pad/ng/lu/pa = 12
ay/ba/li/ba/lig/tad/la/mang/ang/ka/wa/wa = 12
Tugma – Ito ang pagkakasintunugan ng mga huling pantig sa
bawat dulo ng taludtod. Ang tugmaang ganap ay tumutukoy sa
mga dulong salita sa bawat taludtod na magkakapareho ang
bigkas at diin. May dalawang uri ng tugmaang ganap: ang
tugmang katinig at tugmang patinig.
Halimbawa:
Nagmamatandang kulit,
tugmang katinig
Nagmumurang kalumpit
May katawan walang mukha,
tugmang patinig
Walang mata’y lumuluha
Tugmaang di-ganap – ito ay tumutukoy sa pagkakahawig
lamang ng tunog ng mga dulong salita sa bawat taludtod at
nagkakaiba rin ito ng mga diin. May pangkat ng patinig at
katinig na magkakasintunog. Tingnan ang talahanayan sa
kabilang slide.
Pangkat ng Patinig at Katinig na Magkakasintunog
AB IB OB AN IN ON
ak ik ok al il ol
ad id od am im om
ag ig og ar ir or
ap ip op aw iw oy
as is os ay ing ong
at it ot ang
Talinhaga – Dito gumagamit ng matatalinghagang salita
ang tula. Ibig sabihin may natatagong kahulugan sa salita
o pahayag.
Halimbawa:
Ayon sa bangkero’y salapi ang higit
na makatutugon sa anomang nais,
kung may naghaharing Bathala sa langit,
sa lupa’y salapi ang walang kaparis.

Ang salapi ang pinakamakapangyarihan sa


lahat sang-ayon sa mga bangkero
Persona – Ito ang tawag sa tinig na naririnig sa
tula. Sa pamamagitan ng mga detalye sa tula
naipakikilala ang “tinig” na maririnig sa tula.
Malaki ang ambag ng pagtukoy sa pagkaunawa sa
persona upang maunawaan ang o maigiya ang
direksiyon ng pagbasa ng tula.
Ang Guryon
Ildefonso Santos

I.
Tanggapin mo, anak, itong munting guryon
na yari sa patpat na papel de Hapon;
magandang laruang pula, puti at asul
na may pangalan mong sa gitna naroon.

Persona – Ama / Tatay


Sining o kariktan – Tumutukoy ito sa paggamit ng mga
pili, angkop at malikhaing mga salita.
Larawang-diwa – Tumutukoy ito sa mga salita na kapag
binanggit sa tula ay nag-iiwan ng malinaw at tiyak na mga
larawan sa isipan ng mga mambabasa
Paksa – Ito ang buto at laman, diwa at kaluluwa
ng isang tula. Sa pagsulat ng tula, mahalaga na
alam mo ang iyong paksa. Hindi ka maaaring
sumulat ng tula na hindi mo alam ang iyong
paksa. Maaaring maging paksa ng tula ang mga
bagay na nakikita sa kapaligiran o mula sa isang
karanasan.
Saknong – ito ang bilang ng estropa o bilang ng
pinagsama-samang taludtod.

Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya


sa pagkadalisay at pagkadakila
saknong
gaya ng pag-ibig sa sariling lupa?
aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala.
Sagutin ang mga sumusunod na pahina sa aklat.
p. 138 – 139 C. Talakayin
p. 142 Sukatin
Wika at Gramatika
Nagagamit ang matatalinghagang pananalita sa pagsulat ng tula

Pagsulat
Naisusulat ang sariling tula na may hawig sa paksa ng tulang tinalakay
Sa isang buong papel, sumulat ng tula na nakasa-
alang-alang ang mga elemento ng tula at ang paksa
nito ay “Edukasyon” o “Pandemya” ang tula ay
binubuo ng 4 na saknong na may tig-4 na taludtod
Pagsasalita

Nagagamit ang kasanayan at kakayahan sa malinaw at mabisang pagbigkas ng tula

Ang mga mag-aaral ay gagawa o pipili ng isang


spoken poetry at ito ay bibigkasin sa harap ng
klase.

You might also like