(G10) Aralin 9 - Pagpapahalaga Sa Sarili

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 36

PAGPAPAHALAGA SA SARILI

ARALIN - 9
SURIIN ANG MGA LARAWAN AT PAGKATAPOS, IHAMBING ANG
PAGKAKATULAD AT PAGKAKAIBA NG DALAWANG LARAWAN
PAANO MAIPAPAKITA ANG TUNAY NA PAGPAPAHALAGA AT
PANTAY NA PAGTINGIN SA KAPWA?

Maipapakita ang tunay na pagpapahalaga


at pantay na pagtingin sa kapwa kung sa
pamamagitan ng pagbibigay ng patas na
pagtrato sa lahat ng pagkakataon anomang
katayuan sa buhay.
PAANO MAGAGAMIT ANG POKUS SA KAGAMITAN AT
PINAGLALAANAN SA MABISANG PAGPAPAHAYAG NG
DAMDAMIN AT SALOOBIN?
Magagamit ang mga pokus ng pandiwang ito upang
bigyang-tuon ang nais pag-alayan o patungkulan ng
kilos sa pahayag (pinaglalaanan) at kung paano ito
maisasakatuparan (kagamitan) na siyang lalong
magpapalinaw sa mensahe at tindi ng damdaming
nakapaloob dito.
TALASALITAAN
Naipapaliwanag ang kahulugan ng salita batay sa
pinagmulan nito (F10PN-Iia-b-72)
1. Ibigay ang kayarian ng sumusunod na salita.
Gamiting gabay ang sumusunod na mga halimbawa:
Salita Pinagmulan Panlaping Kayarian Kahulugan
(Salitang- Ginamit
ugat)
panggab gabi pang pang+gab Nauukol
1. bayaran
2.
pagkabahala
3.
nakihalubilo
4. pagtitipon
5.
manlilinlang
6. sinapit
7. pag-aaral
9. naligo

10. hinamon

2. Bumuo ng maikling sanaysay gamit ang mga


salitang sinuri at binigyang kahulugan
DULA
KAHULUGAN, ELEMENTO, SANGKAP
DULA

Isang uri ng panitikan na itinatanghal


sa mga teatro.
ELEMENTO NG DULA
Iskrip
Aktor
Tanghalan
Direktor
Manonood
Eksena at Tagpo
ISKRIP

Ito ang pinakakaluluwa ng isang dula;lahat


ng bagay na isinasaalang-alang sa dula ay
naaayon sa isang iskrip; walang dula kapag
walang iskrip.
AKTOR

Ang mga aktor o gumaganap ang


nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip; sila
ang nagbibigkas ng dayalogo; sila ang
nagpapakita ng iba’t ibang damdamin; sila
ang pinanonood na tauhan sa dula.
TANGHALAN
Anumang pook na pinagpasyahang
pagtanghalan ng isang dula ay tinatawag na
tanghalan; tanghalan ang tawag sa kalsadang
pinagtanghalan ng isang dula, tanghalan ang
silid na pinagtanghalan ng mga mag-aaral sa
kanilang klase.
DIREKTOR

Ang direktor ang nagpapakahulugan sa isang


iskrip; siya ang nag-iinterpret sa iskrip mula sa
pagpasya sa itsura ng tagpuan, damit ng mga
tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at
pagbigkas ng mga tauhan ay dumidipende sa
interpretasyon ng direktor sa iskrip.
MANONOOD
Hindi maituturing na dula ang isang
binansagang pagtatanghal kung hindi ito
napanood ng ibang tao; hindi ito maituturing
na dula sapagkat ang layunin ng dula ay
maitanghal at kapag sinasabing maitanghal
dapat mayroong makasaksi o makanood.
EKSENA AT TAGPO

Ang Eksena ay ang paglabas-masok sa


tanghalan ng mga tauhan samantalang ang
tagpo nama’y ang pagpapalit o ang iba’t
ibang tagpuan na pinangyarihan ng mga
pangyayari sa dula.
SANGKAP NG DULA
Tagpuan
Tauhan
Sulyap sa Suliranin
Saglit na Kasiglahan
Tunggalian
Kasukdulan
Kakalasan
Kalutasan
TAGPUAN

Ito ang panahon at pook kung saan


naganap ang mga pangyayaring isinaad sa
dula
TAUHAN

Ito ang mga kumikilos at nagbibigay


buhay sa dula; sa tauhan umiikot ang mga
pangyayari; ang mga tauhan ang
bumibigkas ng dayalogo at nagpapadama
sa dula.
SULYAP SA SULIRANIN
Bawat dula ay may suliranin, walang dulang
walang suliranin; mawawalan ng saysay ang
dula kung wala itong suliranin; maaaring
mabatid ito sa simula o kalagitnaan ng dula na
nagsasadya sa mga pangyayari; maaaring
magkaroon ng higit na suliranin ang isang dula.
SAGLIT NA KASIGLAHAN

Ito ang saglit na paglayo o pagtakas ng mga


tauhan sa suliraning nararanasan
TUNGGALIAN

Ang tunggalian ay maaaring sa pagitan ng mga


tauhan, tauhan laban sa kanyang paligid at
tauhan laban sa kanyang sarili; maaaring
magkaroon ng higit sa isa o patung-patong na
tunggalian ang isang dula.
KASUKDULAN / CLIMAX

Dito nasusubok ang katatagan ng tauhan; sa


sangkap na ito ng dula tunay na
pinakamatindi o pinakamabugso ang
damdamin o kaya’y sa pinaka-kasukdulan
ang tunggalian.
KAKALASAN

Ang unti-unting pagtukoy sa kalutasan sa


mga suliranin at pag-ayos sa mga tunggalian
KALUTASAN

Sa sangkap na ito nalulutas, nawawaksi at


natatapos ang mga suliranin at tunggalian
sa dula.
B. BASAHIN

Pygmalion
 George Bernard Shaw
Isinalin sa Filipino ni Morena
Moreno
-pahina 124 - 126
C. TALAKAYIN

Sagutin ang sumusunod na mga tanong:


Aytem 1 – 8, pahina 126 - 127
SUKATIN
Hanapin sa loob ng kahon ang sagot na
tinutukoy sa mga pahayag. Bilugan at isulat sa
inilaang patlang ang nakitang sagot. Maaaring
makita ang sagot sa pababa o pahalang na ayos.

Aytem 1 – 10, pahina 130


A. WIKA AT GRAMATIKA

Nagagamit nang wasto ang pokus ng pandiwa


(pinaglalaanan at kagamitan) sa pagsulat ng
sariling damdamin at saloobin tungkol sa
sariling kultura kung ihahambing sa kultura ng
ibang bansa (F10WG-Iia-b-67)
Nagiging malinaw ang paglalahad ng damdamin o
saloobin kung wasto ang paggamit ng mga pandiwa sa
ginawang pangungusap. Samakatuwid, kailangang
malinaw at maayos ang paggamit ng pokus ng
pandiwa partikular ang pokus sa pinaglalaanan at
pokus sa kagamitan.
POKUS SA PINAGLALAANAN

Tinatawag na pokus sa pinaglalaanan ang pandiwa


kapag ang pinaglalaanan ay ang paksa o simuno ng
pangungusap. Gumagamit ito ng mga panlaping
makadiwang i-, ipag-, ma+ipag-, at ipagpa.
Tinutukoy sa pokus na ito ang nakikinabang sa aksyon.
HALIMBAWA:

1. Ipagpapaliban ni Henry ang pagtuturo ng


palabigkasan kay Liza.

2. Ipagbibigay-alam nina Henry at Pickering sa


mga pulis ang pagkawala ni Liza.
POKUS SA KAGAMITAN
Tinatawag na pokus sa kagamitan kapag ang
instrumento o kasangkapan sa pagsasagawa ng kilos
sa isinasaad ng pandiwa ang gumaganap bilang
paksa o simuno ng pangungusap. Gumagamit ito ng
panlaping ipang-, at ma+ipang.

Ang simuno ay tumatayong kagamitan.


HALIMBAWA

1. Ipanlalaban ni Liza ang mga nasirang bulaklak sa


paghingi nito ng kabayaran kay Gng. Hill.

2. Ipinambayad ni Liza sa taksi ang natanggap niyang


halaga sa pagpayag niya sa gagawing pag-aaral sa
kanya ni Higgins.
Sagutan ang B. Pagsasanay
Aytem 1 – 5, pahina 131 - 132

You might also like