Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

Cohesive Device sa

Pagsulat ng Sariling
Halimbawa ng
Teksto
Gumagamit ng malinaw na pang-ugnay at cohesive
device upang ipakita ang pagkakasunod-sunod at
ugnayan ng mga bahagi ng teksto.
Kohesyong Gramatikal o
Cohesive Device
 Ang Kohesyong gramatikal ay mga salitang nagsisilbing
pananda upang hindi paulit-ulit ang mga salita.
 Panghalip
Hal:

Ito, dito doon iyon- bagay/lugar/hayop


Sila, Siya, Tayo, Kanila, Kaniya- tao/hayop
Mga Panandang Kohesyong Gramatikal
Pagpapatungkol
Elipsis
Pagpapalit o Substitution
Pang-ugnay
PAGPAPATUNGKOL
Paggamit ng mga panghalip upang humalili sa
pangngalan.
Dalawang Uri:
Anapora
Katapora
Anapora – panghalip na ginagamit sa hulihan
bilang pamalit sa pangngalang nasa unahan.
Hal:
Matulungin si Anna sa mahihirap kaya’t
siya ay pinagpapala ng ating Panginoon.
Katapora - mga panghalip na matatagpuan sa
unahan ng pangungusap bilang pamalit sa
pangngalang nasa hulihan.
Hal:
Siya ay hindi karapat-dapat sa aking apelido. Si Juan
ay kahiya-hiya.
ELIPSIS
pagtitipid sa pagpapahayag
Hal:
Pumunta si Erick sa tindahan at bumili si Erick ng
tinapay.
Pumunta si Erick sa tindahan at bumili ng tinapay.
Pamalit o Substitution
 mga salitang ipinapalit sa iba pang bahagi ng
pangungusap na nauna ng banggitin
Nominal
Berbal
Clausal
Nominal – pinapalitan ay ang pangngalan
Hal:
Ang wikang Filipino ay ang daan upang tayo ay
magkaunawaan, kailangan lang natin pagyamanin
ang ating wikang pambansa.
Berbal – pinapalitan ay ang pandiwa
Hal:
Inaayos ni Tatay ang mesa at
kinukumpuni naman ni kuya ang silya.
Clausal – pinapalitan ay sugnay
Hal:
Hindi mahabol ng mga tao ang
magnanakaw, nagawa ba ng mga pulis na
tugisin ito?
PANG-UGNAY
 paggamit ng mga pangatnig upang makabuo o pag-ugnayin ang
isang pangungusap.
Hal:
Hindi sila nagtatagumpay sa kanilang binabalak
sapagkat hindi lahat ay nagkakaisa.
• https://www.youtube.com/watch?v=RMUUVHU8mH8

You might also like