Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 17

Komunikasyon at

Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino
Phatic, Emotive
at Expressive na
Gamit ng Wika
Layunin:
• Nabibigyang-kahulugan ang mga komunikatibong
gamit ng wika na PHATIC, EMOTIVE at
EXPRESSIVE
• Natutukoy ang pagkakaiba-iba ng mga gamit ng
wika na PHATIC, EMOTIVE at EXPRESSIVE
• Nakapagbibigay ng mga halimbawang pangungusap
na nagpapakita ng gamit ng wika
• Nakakasulat ng naratibo ng sariling karanasan sa
gamit ng PHATIC, EMOTIVE, at EXPRESSIVE na
wika.
https://www.youtube.com/watch?v=hrTyBebuqvU

https://www.youtube.com/watch?v=HMiaLUZ4BOk
Thelma: Uy, napansin mo ba?
Bea: Ang ano?
Thelma: Si Sol. Kanina pa siya tahimilk. Parang malungkot siya.
Bea: Napansin ko rin nga. Baka may sakit siya o kaya may problema.
Halika, lapitan natin siya.
Thelma: Sol, kumusta ka? Masama baa ng pakiramdam mo?
Bea: May problem aka ba?
Sol: Naku, wala! Wala akong sakit at wala rin akong problema. Napuyat
lang ako kagabi sa pagsulat ng term paper natin.
Thelma: Hay… pare-pareho pala tayo. Kami rin ni Bea napuyat sa pagtapos
ng term paper.
Bea: Oo nga! Mabuti naman, Sol, at okey ka lang.
Sol: Oo, okey lang ako. Salamat sa inyong dalawa, ha.
Phatic
-
Nagpapakita ng pakikipagkapwa- tao o
pkikipag -ugnayan.

-
Karaniwang maikli ang mga usapang phatic.
Sa Ingles, tinatawag itong social talk o
small talk.
Myrna: Hindi pa rin natatapos ang giyera sa Mindanao.
Lito: Sinabi mo pa. Nalulungkot talaga ako sa
nangyayaring’ yan. Natatakot ako na baka lumala pa ang
giyera. Sana huwag naman. Maraming masasayang na
kabuhayan. Tiyak na laganap ang kahirapan sa
Mindanao.
Myrna: Hindi lang yan! Ako nga awing-awa sa mga
namamatayan ng mahal sa buhay. Lalo na’ yung mga batang
nawawalan ng magulang. Kawawa talaga sila.
Lito: Sana gawan ng paraan ng pamahalaan na mahinto na
ang giyera at nang magkaroon na ng tunay na
kapayapaan sa Mindanao.
Myrna: Ipagdasal natin yan.
Emotive
- Pandamdamin
- Pagpapahayagngmga
Saloobin, Damdamin at
Emosyon
Doris: Sayang talaga! Hindi ako nakapanood ng concert ng
One Direction. Sobrang mahal naman kasi ng tiket.
Paboritong-paborito ko pa naman sila.
Ester : Ako naman, kahit may pera akong pambili, hindi pa
rin ako manonood ng concert na 'yan.
Doris: Bakit naman.
Ester: Hindi ako mahilig sa foreign artists. Mas gusto
kong tangkilikin ang mga kanta at concert ng local artist
natin. Sila ang mas pinanonood ko.
Doris: Talaga? Palagay ko, kani-kaniya naman talagang
hilig 'yan. Basta ako, kahit foreign o local basta gusto
ko ang mga kanta, nagiging paborito ko.
Expressive
- Ang expressive na gamit ng wika ay nakakatulong sa
atin upang mas makilala at maunawaan tayo ng ibang
tao.
- Gayundin sa pagbuo ng isang kaaya- ayang relasyon
sa ating kapwa.
- Hindi maiiwasan sa pakikipag-usap na nababanggit
natin ang ilang bagay tugkol sa ating sariling
paniniwala, pangarap, mithiin, panuntunan sa buhay,
kagustuhan at marami pang iba.
PHATIC

EXPRESSIVE

EMOTIVE
Lambat-likha
Paano sila nagpapahayag? Pumili ng isa sa mga gawain
sa ibaba. Pakinggan at obserbahan ang sinasabi ng mga
hurado sa mga kontestant. Gumawa ng tala ng kanilang
mga pahayag na phatic, emotive, at expressive.

• Maghanap ng isang episode sa Internet ng isang contest sa


TV at panuorin.
• Manood ng isang contest sa TV na kasalukuyang ipinapalbas.
Salok-dunong
Punan ang speech bubble ng usapang phatic.
Salok-dunong
Punan ang speech bubble ng emotive na gamit ng wika.
Salok-dunong
Punan ang speech bubble ng expressive na pahayag.
Takdang Aralin
Sumulat ng isang naratibo ng karanasan sa
loob ng tahanan na may Phatic, Expressive
at Emotive.
https://www.youtube.com/watch?v=RXnoWI8xSo4

You might also like