Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 23

Panalangin sa

Karangalang ng
Mahal na Poong Sto.
Niño
O banal na
sanggol, Diyos na
makapangyarihan
at bukal ng mga
biyaya, kami ay
naninikluhod
sa Iyong harapan.
Buong puso
kaming
sumasamba,
Sumasampalataya
, at nagmamahal.
Lubos kaming
nagsisisi
sa aming mga
kasalanan.
Inaalay namin sa
Iyo ang aming
Itulot Mo na kami
ay matulad sa
Iyong kabanalan.
Gawin Mo
kaming maamo,
mababang-loob,
matiisin, malinis,
maunawain sa
kapwa, at
masunirin sa
kalooban Mo.
O Hesus, Ikaw
ang nagsabi na
anuman ang
aming hingin sa
Ama sa ngalan
Mo ay
ipagkakaloob
Mo sa amin,
buong
pagsusumamo na
na hinihiling
namin sa Ama sa
kabanal-banalan
Mong Pangalan at
sa pamamagitan
ni Santa Mariang
Birhen
na ipagkaloob sa
amin ang mga
biyayang
aming hinihiling
na pangalagaan
yaring kaluluwa
at bigyan ng
tapang na
mailalaban at
maipapanaig sa
mga tukso.
At pag-alabin Mo
yaring puso upang
ibigin Ka
nang walang
pagmamaliw; at
sa gayo’y maging
marapat kami sa
kaluwalhatian ng
langit.
Siya nawa.

You might also like