Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

Iniulat nina:

TEORYANG Ebenezer S.
Capua
EKSISTENSYALISMO Jonathan E.
Surait
EKSISTENSYALISMO
Ang terminong ito ay nagpapahayag ng
mahalagang paksain: ang konkretong buhay
at pakikihamok ng indibidwal gayundin, ang
usapan ng indibidwal sa kalayaan at pagpili.
Ang eksistensyalismo bilang isang pilosopikal
na kilusan o tendensiya ay nakainpluwensya
sa maraming mga manunulat noong ika-19 at
ika- 20 siglo.
EKSISTENSYALISMO
Ayon sa mga eksistensyalistiko, dahil sa
bawat isa ay may kalayaang pumili,
kailangangn niyang tanggapin ang mga
panganib at responsibilidad na pasunod sa
kaniyang naisin saan man ito patungo.
hal: Pag-aasawa
EKSISTENSYALISMO
Ayon sa ika-20 siglong pilosopo na si Jean-Paul Sartre,
nauuna ang eksistens bago ang esens. Ang pagpili,
kung gayon, ay kailangan sa eksistens ng bawat
nilalang at hindi ito matatakasan, maging ang hindi
pagpili ay isa pa ring pagpili.
Pinapakita rin dito ang Istilong ginamit ng manunulat o
may akda pati na rin ang pagpapakita ng Malayang
Kaisipan.
EKSISTENSYALISMO
Nababatay sa Kilos, Gawi, Paninindigan, at
Paniniwala ng mga tauhang nakapaloob sa
Akda.
Hinahanapan ng katibayan ang kahalagahan
ng personalidad ng tao at binibigyan halaga
ang kapangyarihan ng kapasyahan laban sa
katwiran
KATANGIAN NG EKSISTENSYALISMO
•walang sariling simulain
•maihahambing sa romantisismo:
-tunay na paraan ng pagpapahayag at
ekspresyon
•maihahalintulad sa modernismo:
-pinipilit kalimutan ang kasaysayan at nakaraan
•maikukumpara sa realismo:
-isinasantabi ang mga paksang ukol sa lipunan
KATANGIAN NG EKSISTENSYALISMO
• Hindi isang teoryang, kundi isang paniniwala
– hindi tunay ang buhay kung nakakulong sa
sistema ng paniniwala (Sabangan, L.B.)
– ang bawat tao ay isang indibidwal na malaya
at may pananagutan sa kanyang sarili
– Layunin lamang ng isang tao sa pakikipag-
uganayan nito sa mundo ay may kinalaman sa
pansariling kapakanan
KATANGIAN NG EKSISTENSYALISMO
•Nais kilalanin ng eksistensyalismo ang
kalayaan at hangaring awtentiko.
•Isinasaad ang katuturan ng pagiging isang
tunay na tao sa kabila ng impluwensya ng mga
socio- historical at socio-political na mga paksa.
EKSISTENSYALISMO
Sa tulang “Ako ang Daigdig” ni Alejandro G.
Abadilla ay matutuklasan ang kanyang pagka-
eksistensyalista gaya ng mababasa sa ilang
saknong sa tula:
AKO ANG DAIGDIG NI ALEJANDRO
ABADILLA
I ng tula II
ako ang tula ako
ang daigdig ng daigdig ang daigdig ng tula
ako
ako ako ang tula ng daigdig
ang tula ang walang maliw na
ako ako ang malayang
ako ang walang ako
ang daigdig kamatayang ako matapat sa sarili
ang tula ng daigdig
EKSISTENSYALISMO
Isa aking daigdig ako
ng tula ako
III ang buhay
ako ako na walang hanggan
ang tula ang damdaming
sa daidig malaya ako
ang damdamin
ako ako ang larawan
ang daigdig ang larawang
ng tula buhay
EKSISTENSYALISMO
ang buhay ako ang daigdig
ang daigdig
damdamin sa tula ako
larawan ang tula
buhay ako
tula ang tula daigdig
ako sa daigdig tula
ako....
IV ako
EKSISTENSYALISMO
Ang tulang ito ay nagpapahiwatig sa mga
Pilipino na bumangon at huwag magpapa-api sa
mga dayuhang sumakop sa bansa. Sa linyang
‘Ako ang tula ng daigdig’, sinasabi ni Abadilla na
bawat isa sa ating, bilang tao, ay may karapatan
sa sarili nating buhay, na tayo ang bumubuo sa
daigdig, tayo ang sariling nating mga boses.
EKSISTENSYALISMO
Sa pamagat pa lamang ay nagpapakita na ito ng
pagiging masigasig ng awtor na ipaglaban ang
kalayaan hindi lamang ng panitikan kundi ng
ating mga sarili. Bawat isa sa atin ay ang daigdig
na nagpapa-ikot nito. Kalian man ay hindi dapat
tayo matakot na isigaw ang dapat ay nararapat
sa atin.

You might also like