Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 20

KALAGAYAN NG FILIPINO SA PANITIKAN SA KASALUKUYANG PANAHON

ULAT NI: BB.KRISTELLE E. BIGAW


KALAGAYAN NG FILIPINO SA PANITIKAN

Ang kalagayan ng Filipino sa Panitikan ay madarama na


sa ilang mga TULA, AWITING PILIPINO, sa mga
PAHAYAGAN, sa mga SANAYSAY at TALUMPATI, at
maging sa mga PROGRAMA SA TELEBISYON.
Sa kasalukuyan ay umuunti na ang bilang ng mga panitikang Pilipino na tumatatak sa mga utak ng
mga Pilipino, lalo na sa ating kabataan. Madalas ay galing Amerika o iba pang bansa ang mga
panitikang nagagamit ngayon, kaya naman ay mas bumababa ang tingin ng mga tao sa mga likhain
ng mga dating kamay ng bansang ito. Nakakalimutan na ang halaga, pati na rin ang galing ng ating
mga manunulat, direktor at artistang nagbibigay karangalan sa wika at panitikang Pilipino.
Sa panahon ngayon ay mapapansin din ang mabilis na paglaki ng mga kabataan, kasama rin ito ang
mabilis na paglimot sa likhaing gawa ng Pilipino. Maaari din maging dahilan ng kanilang pagkalimot
at pagkawalan ng interes sa mga ito ay dahil hindi nila mai-ugnay ang sariling mga karanasan sa mga
tauhang makikita sa mga akdang pinapalabas.
Ngunit sa likod nito ay may mga grupo at mga tauhang nais ipagpatuloy ang paglilikha at
paggawa ng mga panibagong akda, at isa rito ang grupong gumawa at nagpalabas ng dulang
“William” ni Ron Caninding na ipinalabas ng Philippine Educational Theater Association.
Ang dulang “William” ay isang dula na galing sa inspirasyon ni William Shakespeare, isang
sikat na manunulat galing sa England na gumawa ng maraming dula, libro, kwento at sonete.
Kahit na mula ito sa inspirasyon ng foreno ay ginawa nilang maka-Pilipino ang dula, kaya
naman na kahit may salitang Ingles sa dula, ang karamihan ng salita na maririnig dito ay wikang
Pilipino. At kahit na luma na ang mga akdang naging inspirasyon ng palabas o dula na ito ay
ginawa rin nilang makabago, at sa kasalukuyang panahon ang tagpuan ng dulang “William”.
Umiikot ang dula sa isang grupo ng mga magaaral, at binubuo sila nina Estella, Erwin, Richard, Tj at Sophia. Makikita na pinapanggap nila ang mga papel ng mga kasulukuyang kabataan, kahit na
makaluma na ang mga dulang likha ni Shakespeare. Sa dula ay hinihikayat sila ng kanilang guro na aralin ang buhay ni Shakespeare, para sila’y magkaroon ng inspirasyon at sundin ang kanyang naiwang
tatak. Sa kabuoan ng dula ay makakaranas sila ng iba’t ibang mga problema. May mga suntukan, sigawan at mga relasyong masisira at mabubuo, at lahat ng mga ito ay may koneksyon sa mga akda ni
Shakespeare, at makikita natin ang pagkatulad ng mga sitwasyon ng dula sa mga mismong akda ni William Shakespeare.
Sa dula ng “William” ay makikita natin na isa sa mga temang pinagiikutan ng kwento ay ang pagtatagumpay sa mga problemang hinaharap ay mas madaling makamit sa tulong ng mga kasabihang mula sa
mga taong pumapaligid sa atin, at sa mga bagay tulad ng dula at libro. Sa kwento kasi ay konektado ang mga nangyayari sa bawat tauhan, at papel ng isang tauhan ay maaapektuhan ang buhay ng ibang
mga tauhan. Kaya naman ay hindi pangkaraniwan ang mga pagkakasunod ng mga pangyayari, at mas lalong nagbibigay sabik ito sa mga manonood.
Isa ring dahilan kung bakit nagiging nakakaiba at maganda ang dulang ito ay dahil sa kanyang magiging malikhain sa kanyang istorya at sa paraan ng pagbabahagi nila nito sa mga manonood. Sa simula
palang ay makukuha na agad ang atensyon ng mga manonood, at sa pagdaloy ng palabas ay wala isang bahagi kung saan mawawala ang interes ng mga tao. Kitang-kita talaga ang ngiti at ang malalakas na
tawa ng bawat manonood sa tuwing may nakakatawang pangyayari. Makikita rin ang pagiba ng reaksyon ng bawat manonood sa tuwing nagiiba ang emosyon ng pangyayari at ng mga tauhan. Ipinapakita
nito na kuhang-kuha ang isip at puso ng mga manonood sa kanilang pinapanood.
Kasama nito ay nagiging nakakaiba ang palabas dahil sa mga taong pumapanggap ng mga papel o tauhan sa dula. Makikita talaga na inisasabuhay nila ang papel ng kanilang mga tauhan sa kwento, kahit
na malayo ang kanilang tunay na katangian sa mga tauhang pinapanggap nila. Makikita rin na konsentrado at may kontrol sila sa kanilang mga sarili at emosyon. Nakakaya nilang ipakita sa mga tao na
nagmumukha silang masaya o malungkot, patawa o seryoso. Napipigil din nila ang kanilang pagtatawa, kahit na sobrang nakakatawa na ang kasama nilang aktor, at kahit na nakakatawa ang reaksyon ng
mga manonood.
Siguro naman ay sapat na ito para maiparating sa lahat na napakaganda at nakakaiba ang dulang “William”, at sa blog na ito ay hinihikayat ko ang mga taong Pilipino, lalo na ang mga kabataan, na
magbigay oras upang mapanood ang palabas na ito. Nais kong ipagmalaki na sa dulang ito ay makikita na ulit ng kabataang Pilipino ang galing at talento ng mga Pilipino sa paggawa ng mga palabas at iba
pang mga likha na magpapalakas sa wika at panitikang Pilipino. Sana ay mas lalo pang sumikat ang mga aktor, direktor at ang mga kasama nila sa paggawa ng produksyong ito, at sana rin ay mas dumami
pa ang bilang ng mga bagong akda ng Pilipino. Buhayin muli natin ang panitikang Pilipino!
SA KASALUKUYAN, SINASALIN ANG MGA PANITIKAN HINDI LAMANG SA MGA
PAHAYAGAN, MAGAZINE AT AKLAT, HINDI LAMANG SA ANYO NG PELIKULA,
PALABAS PANTELEBISYON O KAYA’Y PROGRAMANG PANRADYO; KUNDI SA
PAMAMAGITAN DIN NG HI-TECHNOLOGY – ANG INTERNET. DAHIL SA
INTERNET NAGKAROON NG BLOGGING, VIDEO CLIPPING AT AUDIO AIRING
NA PATULOY NA BUMUBUHAY SA PANITIKAN HINDI LANG NG FILIPINO KUNDI
NG IBANG LAHI MANDIN.
Patuloy na dumarami ang mga manunulat na Pilipino sa iba’t ibang
anyo at uri ng panitikan gamit ang iba’t ibang media dahil sa mga
inumpisahang kurso sa mga universidad at kolehiyo at
pangangasiwa ng gobyerno ng mga pagsasanay sa mga
kinakikitaang husay na mga mamamayan. Ngunit ang kasiglahan
ng panitikan ay hindi magiging buo kung aasahan lamang ang
pagdami at pag-usbong ng mga manunulat; kailangan din ang
pagpapahalaga at pagmamalasakit ng mga mambabasa na
katuwang sa pagtaguyod ng panitikan ng lahi.

You might also like