Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

DISKRIMINASYON

- ang Diskriminasyonay ay ang negatibo at hindi makatarungang pagtrato sa mga tao dahil sa
pagkakaiba ng kanilang katangian tulad ng halimbawa ng lahi , edad, kasarian , kapansanan o
paniniwala.
Maraming mga posibleng anyo ang diskriminasyon.
Marahil ay tayo ay nakaranas o nakasaksi ng
diskriminasyon tulad ng pagbabawal sa mga babae na
sumali sa laro ng mga lalaki, sa trabaho maaaring may
kompanyang hindi tumantanggap ng empleyadong
nabibilang sa ibang relihiyon o pangkat-etniko.Sa
pambansang antas maaring Makita ang diskriminasyon
sa mga batas at patakaran.
Mga paniniwalang nagtutulak sa
diskriminasyon
- May mga nabuong tribo, angkan, at iba pang pangkat ng mga tao batay sa kanilang tirahan, kultura, uri
ng pamumuhay, at pisikal na anyo, paniniwala at iba pang katangian
- Ang pagpapangkat na ito ay nagbunsod din ng mga alitan at labanan dahil namayani ang pag-iisip na
kami at sila.
- Halimbawa, kahit pa mapunta sa ibang bansa ang mga Pilipino, marami sa kanila ang pumipiling
sumama sa kapwa Pilipino kaysa sa ibang lahi.
- Sa kabilang dako, kung hindi naman natin kikilalanin ang ibang mga lahi at pangkat, mas madali para sa
atin ang husgahan sila batay sa kanilang kilos, Gawain, at kultura sapagkat hindi natin sila lubos na
nauunawaan.
- Kung hindi natin lubos na nauunawaan ang pagkakaiba ng mga kultura, lahi, at relihiyon, bumubuo tayo
ng sarili nating mga paniniwala tungkol sa kanila. Ang ganitong gawwain ay karaniwang nauuwi sa
pagkakaroon ng stereotype o pag-iisip na ang lahat ng mga miyembro ng pangkat ay magkakatulad.
Mga Anyo ng Diskriminasyon
◦ Hindi lahat ng diskriminasyon ay matuturing na pang-aapi o hindi makatarungan.
◦ Ang diskriminasyon ay maaaring maganap sa sumusunod na kadahilanan, pangkat, lugar, o larangan:
◦ Relihiyon/paniniwala
◦ pagkamamamayan
◦ kasarian at seksuwal na oryentasyon
◦ kapansanan
◦ pagtanggap ng banepisyo at serbisyo mula sa pamahalaan
◦ estado ng pamilya
◦ paggamit ng lupain
Mga Epekto ng Diskriminasyon
◦ Ibat iba ang maaaring maging epekto ng diskirminasyon sa ibat ibang tao. Ang mga epekto nito ay hindi
lamang makikita sa taong tuwirang nakaranas ng diskriminasyon. Nadarama rin ito ng kaniyang pamilya,
pangkat, o pamayanan.
◦ Ang mga posibleng epekto ng diskriminasyon ay maaaring pangkatin ayon sa mga kategoryang nasa
talaan sa ibaba:
◦ Pisikal- pamamayat o pananaba, kawalan ng enerhiya o gana, problema sa pagtulog, mga sakit na may
kinalaman sa stress, sakit ng ulo,kawalan ng interest sa pag-aayos at paglilinis ng sarili.
◦ Emosyonal- mababang pagtingin sa sarili,depresyon,stress,takot,galit,pagkapahiya,paninisi sa sarili,ibat-
ibang suliranin sa pag-uugali

You might also like