Professional Documents
Culture Documents
L2 Epektibong Guro
L2 Epektibong Guro
L2 Epektibong Guro
GURO AT
MALIKHAING
PAGTUTURO
•Ang GURO ay ang
pinakamahalagang baryabol sa loob
ng silid-aralan na nakapagsasagawa
ng matagumpay at epektibong
pagtuturo.
• Kailan ba natin masasabing epektibo at
matagumpay ang pagtuturo?
• Ano-ano ba ang mga katangiang dapat taglayin
ang guro para magkaroon ng epektibong
pagtuturo?
• Ano-ano ang mga dapat isaalang-alang upang
magkaroon ng isang epektibong pagtuturo?
AYON SA PAGSUSURI NINA
WAYNE AT YOUNGS NOONG
2003, MAY LABINDALAWANG
KATANGIANG DPAT TAGLAYIN
NG ISANG EPEKTIBONG GURO.
1. WALANG ITINATANGGI
•Marunong magpatawa at
ngumiti sa klase
6. MALIKHAIN
• MATALINO
- malawak ang kabatiran at kaalaman ng guro sa
kanyang itututro at paraan kung paano ito itututro ay
mahalagang katangian ng isang epektibong guro.
Magiging mahirap ang gagawing pagtuturo kung mismo
ang guro ay walang ganap na pag-unawa sa paksang
kanyang itinuturo
KATANGIAN NG ISANG GURO
• MAPAGMAHAL
-Kinakailangan sa isang guro ang mataas na
pagpapahalaga at pagmamahal sa kanyang gawain at
sa kanyang mga mag-aaral. Maging bukas ang isipan
sa mga pagbabago upang lalong mapahusay ang
gampanin at may magandang saloobin at pananaw sa
pagtuturo at sa kanyang pagiging guro.
KATANGIAN NG ISANG GURO
• MASAYAHIN
-Nag-uudyok ng kawili-wili at epektibong
pagkatuto ang kaaya-ayang katauhan ng isang guro.
Ang pagkakaroon ng masayang disposisyon o diwa ng
paluwag tawa ay nagdudulot ng masiglang kapaligiran
sa loob ng silid-aralan.
KATANGIAN NG ISANG GURO
•MALIKHAIN
–Ang kaalaman sa mga paraan at estratehiya sa
pagtuturo ay lalong nagiging epektibo kung
may malikhain at mayamang pag-iisip ang guro
sa pagbabalak o pagpaplano ng kanyang
aralin.
KATANGIAN NG ISANG GURO
• MAKABAGO
–Kasabay ng pag-unlad ng teknolohiya,nagiging mabilis
ang takbo ng pamumuhay ng tao. Kinakailangan ng
isang guro ang kakayahan niyang tumuklas ng mga
bagong paraan sa pagtuturo na naangkop sa
kasalukuyang kalakaran ng kanyang Gawain at
katangian ng mga mag-aaral.
MGA SALIK SA PAGTUTURO
• MAG-AARAL
–Laging isaisip na ang mag-aaral ay may kani-
kaniyang katangian. Lahat ay may karapatang
maturuan at matuto ng mga bagay na nararapat
niyang matutunan. Maaaring magkaiba ang mga mag-
aaral sa ibat –ibang aspekto ng kanilang katangian
ASPEKTO NG MGA MAG-AARAL
• EDAD
- May mga batang-batang mag-aaral,mayroon
ding may-edad na, may dalaga/binata, at mayroon
ding matandang mag-aaral. Bawat isa ay
nagtataglay ng ibat-ibang lebel ng dapat na
matutunan
ASPEKTO NG MGA MAG-AARAL
• KASARIAN
-ang interes ng lalaking mag-aaral ay iba sa
interes ng mga babaeng mag-aaral. Marapat
lamang na malaman ng guro ang kaibahang
ito lalong-lalo na sa pagbibigay-halimbawa sa
nga pagtatalakay.
ASPEKTO NG MGA MAG-AARAL
• UGALI
- nagmula sa ibat-ibang tahanan at kapaligiran ang
mga mag-aaral sa loob ng isang silid. Bawat isa ay
natuto ng magkakaibang paraan ng pakikisalamuha sa
kapwa. Mahalagang tungkulin ng guro ang pagiging
pangalawang magulang sa loob ng silid-aralan.
ASPEKTO NG MGA MAG-AARAL
• KULTURA
- Kinakailngan sa isang guro ang pagiging
sensitibo at mulat sa ibat-ibang kulturang
maaaring pinagmulan ng kanyang mga mag-
aaral
ASPEKTO NG MGA MAG-AARAL
• TALINO
-walang itinuturing na bobong mag-aaral.
Bawat isa ay may kani-kaniyang talinong taglay.
Kaiba man sa nakararami ngunit may sariling
kakayanan ang bawat mag-aaral sa maraming
bagay o aspekto
KATANGIANG
DAPAT IWASAN
NG GURO
1.Mahilig magkumpara sa kaniyang mga
istudyante
2.Hindi marunong magpatawad
3.Palaging siya lamang ang tama
4.Galit parati
5.May negatibong ugali
ANG PAGHAHANDA
NG KAGAMITANG
PANTURO
(ANG CONE OF
EXPERIENCE)
SIMBOLONG BERBAL
• ito ay mga kagamitang tumutukoy sa mga nalimbag
na kagamitang nagagamit sa pagtuturo ng guro.
• Rekording ng mga awitin, tula, talumpati o ano pa
mang kasangkapan sa paglinang ng pakikinig
kabilang na ang mga larawang ‘di gumagalaw na
naglalahad ng ano mang bahagi
KAGAMITANG BISWAL