Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 17

1

Ikalawang Markahan- Modyul


2
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng


mga edukador mula sa pambulikong paaralan upang gabayan ang
gurong tagapagdaloy na matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral


sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang
makamit ang mga kasanayan sa ika-21 siglo habang isinasaalang-alang ang
kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman
ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan
ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang
pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo
na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang
mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang
wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga
makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul
na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat.
2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
3. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga
gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba
pang pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul
na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o
tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa
nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas
nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka
ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa
sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

2
Alamin Natin

Sa Modyul na ito ay matututuhan mo kung paano ang


pagbasa ng isang mapa ng paaralan/silid-aralan at makilala ang
letrang Ww.
Ang Modyul na ito ay naglalaman ng aralin sa:
Mga Kasanayan sa Pag-aaral:
- Nakapagbibigay ng interpretasyon sa mapa ng silid-
aralan/paaralan
Palabigkasan at Pagkilala ng Salita:
- Pagkilala at pagbasa ng letrang Ww
- Pagsulat ng malaki at maliit na Letrang Ww
- Pagsasama ng mga tiyak na letra sa pagbuo ng mga
pantig at mga salita
- Pagtatambal ng mga salita at larawan
Pagkatapos ng Modyul na ito, ang mga mag- aaral ay
inaasahang:
 Makapagbibigay ng interpretasyon sa mapa ng silid-
aralan/paaralan
MT1SS-IIa-e-3.1
 Makapagbibigay ng pangalan at tunog ng
bawat letra
MT1PWR-IIa-i-1.1
 Makasusulat ng malaki at maliit na wasto letra ng
at malinaw na tamang
may
hagod(stroke)ayon sa pagkakasunod-sunod
MT1PWR-Ib-i-3.1
 Makapagtatambal ng mga salita sa
mga larawan at mga bagay
MT1PWR-ib-i-4.1
 Makapagsasama ng mga tiyak na letra
sa pagbuo ng mga pantig at mga salita
 MT1PWR-IIa-i-5.1
3
Subukin Natin
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ano ang tawag natin sa nasa larawan?
A. graph
B. globo
C. mapa
D. mundo
2. Pag-aralan ang mapa ng paaralan. Saang bahagi ng paaralan
matatagpuan ang palaruan?

A. ibaba
B. itaas
C. kaliwa
D. kanan
3. Pag-aralan ang mapa ng silid-aralan. Ano ang makikita
sa harapan ?
A. bintana
B. kabinet
C. pintuan
D. pisara
4. Sa anong tunog nagsisimula ang pangalan ng
larawan?
A. /w/
B. /v/
C. /m/
D. /n/
5. Ano-anong pantig ang bubuo sa pangalan ng
larawan?
A. wa-la

8
B. wa-lo
C. sam-pu
D. da-la-wa
4
Aralin -Nakapagbibigay ng Interpretasyon sa

2 Mapa ng Silid- Aralan / Paaralan


-Nakikilala ang letrang Ww

Balikan Natin
Natatandaan mo pa ba ang mga panghalip sa ating nagdaang
aralin?
Panuto: Piliin ang mga panghalip sa pangungusap at isulat sa
tamang kahon.
1. Ako ang maglilinis ng bahay.
2. Siya ang aking kaibigan.
3. Aalis kami bukas ng umaga.
4. Sa iyo ba ang lapis na ito?
5. Sa akin ang maliit na bag sa mesa.
Panghalip Panao Panghalip Paari

Tuklasin Natin

Ikaw ba ay mahilig mag-aral? Mahalaga ba ang pag-


aaral sa buhay ng isang bata?
Ano kaya ang pwedeng mangyari kung ikaw ay hindi
nakapag-aral?
5
Samahan mo ako sa pagbasa ng isang maikling
kuwento tungkol sa isang kuwagong mahilig mag-aral. Handa
ka na ba?

6
Sagutin natin:
1. Sino ang matalinong kuwago?
2. Ano-ano ang hilig niyang gawin?
3. Nagustuhan ba ng ibang kuwago ang
ginagawa ni Wako? Ano ang kanilang
binabalak?
4. Mahalaga ba ang matutong magbasa at magsulat?
Bakit?
5. Bakit naging modelo para sa mga kuwago si Wako?

Talakayin Natin

Gawain 1
Saan pumupunta ang mga bata para mag-aral?
Tama! Ang mga bata ay nagpupunta sa paaralan upang mag-
aral.
Pagmasdan ang larawan. Ito ay mapa ng paaralan.
Ang mapa ay ginagamit upang malaman ang kinalalagyan ng
isang tao, bagay o lugar. Ang mga ito ay maaaring nasa kaliwa,
kanan, itaas, ibaba, likuran o harapan ng isang lugar.

1.Saang bahagi ng paaralan makikita ang palaruan?


2. Saang bahagi ng paaralan makikita ang clinic?
3.Saang bahagi ng paaralan makikita ang
halamanan?
4. Ano ang makikita sa gawing kaliwa ng paaralan?
5. Anong istruktura ang makikita sa bahaging kanan ng
paaralan?
7
Gawain 2
Magaling. Ngayong alam mo na kung paano
magbigay ng interpretasyon sa mapa ng paaralan ay subukan
naman natin ang iyong galing sa mapa ng silid-aralan.

Sagutin ang mga tanong:


1. Ano ang nasa harapan ng silid-aralan?
2. Nasaan ang pintuan?
3. Nasaan ang bintana?
4. Ano ang mga nasa harapan ng pisara?
5. Ano ang nasa itaas ng pisara?

Gawain 3
Sino ang matalinong kuwago?

Wako

Anong masasabi mo kay Wako?


Sa anong letra nagsisimula ang pangalan ng kuwago? Ano ang
unahang tunog ng salitang Wako? /w/ Bigkasin nang paulit-ulit
ang tunog /w/.

8
Bigkasin ang ngalan ng mga larawan.

Wendy
8
walo walis watawat
Willy tunog ang narinig mo sa mga larawan?
Anong
/w/
Ganito ang wastong pagsulat ng malaki at maliit na letrang
Ww.

Gamit ang daliri, subukang isulat sa hangin, sa palad at


sa ibabaw ng mesa ang malaki at maliit na letrang Ww.
Sipiin ang modelo nang limang beses sa inyong
papel pagkatapos ihambing ang inyong gawa sa huwaran.
Subukan naman nating isama ang letrang Ww sa mga
napag-aralan na nating letra at tayo ay bumuo ng mga pantig at
salita.

ms a i o e b u t k l yw

ma mi mo me mu sa si so se su
ba bi bo be bu ta ti to te tu
ka ki ko ke ku la li lo le lu
ya yi yo ye yu wa wi wo we wu
wa – lo walo wa – la wala wi – ka wika

wa – lis walis We – na Wena Wo – wi Wowi


da-la-wa dalawa wa-ta-wat watawat
di-wa-ta diwata ka-wa-li kawali
9
Ngayon ay alam mo na kung paano basahin ang
letrang Ww ay subukan naman natin ang iyong
kaalaman sa ating pinag-aralan.
Panuto: Pagtambalin ang salita at larawan.

2
1. walo

2. walis
8
3. dalawa

4. kawali

5. watawat

Pagyamanin Natin
Gawain 1
Ngayong alam mo na kung paano gamitin ang
mapaay subukan natin ang iyong galing sa
pagbibigay interpretasyon sa mapa ng silid-aralan.

10
Panuto: Sagutin ang mga tanong sa tulong ng
mapa ng silid-aralan.
1. Saan makikita ang pisara?

2. Saan makikita ang mesa ng guro?

3. Ano ang makikita sa kanan ng silid?

4. Ano ang makikita sa kaliwa ng silid?

5. Saan makikita ang mga ilaw?

Gawain 2
1.
Buuin lo waang pangalan ng mga larawan sa
pamamagitan ng pagsasa-ayos ng mga pantig sa loob ng 8
kahon. Isulat ang tamang sagot sa patlang.
2. lis wa

3. li ka wa

4. ta wa wat

5. wa ta di

Tandaan Natin

Ano ang natutuhan natin


tungkol sa mapa?

Ano-ano ang natutuhan


natin sa titik Ww?
11
 Nakapagbibigay ng interpretasyon sa mapa ng silid-
aralan/paaralan
 Makapagbibigay ng pangalan at tunog ng
letrang Ww
 Nakasusulat ng malaki at maliit na letrang Ww nang
wasto at malinaw na may tamang
hagod(stroke)ayon sa pagkakasunod-sunod
 Nakapagtatambal ng mga salita sa mga larawan at
mga bagay
 Nakapagsasama ng mga tiyak na letra sa pagbuo
ng mga pantig at mga salita

Isabuhay Natin

Gawain 1
Mahusay! Ngayon naman ay nais kong makita ang
inyong husay sa pamamagitan ng paglikha ng isang mapa
ng silid-aralan sa pamamagitan ng pagsunod sa sinasabi ng
panuto.
1. Gumuhit ng pisara sa harapan o gawing itaas ng kahon.
2. Gumuhit ng mesa sa harap ng pisara.
3. Gumuhit ng bintana sa sa gawing kaliwa.
4. Gumuhit ng pintuan sa gawing kanan.
5. Gumuhit ng mga upuan/desk sa gitna.
Gawain 2
Gaano ka na kaya kahusay bumasa. Subukan natin ang
iyong galling sa pagbabasa ng mga natutunang aralin.

12
Panuto: Basahin ang mga pangungusap at sagutin ang
tanong. Isulat ang sagot sa patlang. ___
1.Matatag ang puno ng kawayan. Anong
puno ang matatag?

2. Dalawa ang walis.


Ilan ang walis?

3. Masaya ang diwata. Sino


ang masaya?

4.Malawak ang bakuran ng paaralan. Ano ang _


masasabi mo sa bakuran ng paaralan?

5. Ang watawat ay sagisag ng bansa. Ano


ang sagisag ng bansa?

Tayahin Natin
Ngayon naman ay nais ko namang alamin ang inyong
natutuhan sa ating mga nakaraang aralin sa pamamagitan ng
pagsagot sa inihandang pagsusulit.
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ano ang nagpapakita ng larawan ng isang lugar at
ginagamit upang malaman ang kinalalagyan ng isang tao, bagay o
lugar?
A. graph B. globo C. mapa D. mundo

13
2. Pag-aralan ang mapa ng paaralan. Saang bahagi ng paaralan
matatagpuan ang halamanan?
A. harapan
B. likuran
C. kaliwa
D. kanan
3. Pag-aralan ang mapa ng silid-aralan. Ano ang makikita
sa kanan ?
A. bintana
B. orasan
C. pintuan
D. pisara
4. Sa anong tunog nagsisimula ang pangalan ng mga larawan?
A. /v/

8
B. /w/
C. /m/
D. /n/
5. Ano-anong pantig ang bubuo sa pangalan ng
larawan?
A. wa-la

2
B. wa-lo
C. sam-pu
D. da-la-wa

Gawin Natin
A. Ngayong alam mo na ang mapa ng paaralan, iguhit ang
mapa ng iyong sariling paaralan. Ipakita kung nasaan ang
mga silid-aralan, ang kantina, ang palaruan, ang halamanan at
iba pa. Ipakita kung ano- anong istruktura ang makikita sa
kaliwa, kanan, harapan at likuran ng paaralan.

14
B.Basahin ang maikling talata at sagutin ang mga tanong.
Ang Watawat
Watawat ang isa sa sagisag ng ating bansa. Pula puti
at bughaw ang kulay nito.
May tatlong bituin ito.
May araw ito na may walong sinag.
Alagaan natin ang ating watawat.

Tanong:
1. Ano ang mga sumasagisag sa ating bansa?
2. Ano-ano ang kulay ng watawat?
3. Ilan ang sinag ng araw sa watawat?
4. Paano mo ipakikita ang paggalang sa ating
pambansang watawat?
5. Bakit dapat igalang ang watawat ng Pilipinas?

Repleksiyon
Ibahagi mo ang iyong natutuhan sa pagsagot sa mga
pagsasanay sa araling ito sa pamamagitan pagbuo ng
pahayag na nasa loob ng kahon. Masayang pagbabahagi!
Masaya ko pong ibinabahagi ang aralinng natutunan
ko tungkol sa . Marami akong natutuhan tulad ng _ na
maaari kong ibahagi sa aking mga
________. Isang kahanga-hanga ang mga ginawa ng mga
_________ sa kwento/tula tulad ng pagiging _________ na
nagsilbing sa akin.

15
Sanggunian

Curriculum Guide in Mother Tongue Code MT1SS-lia-e-3.1, MT1PWR-lb-i-


1.1 Mother Tongue Based Multi-Lingual Education , Kagamitan ng Mag-aaral
Sa Unang Baitang
MTB-MLE Teachers Guide Quarters 1 and 2, Grade 1
Big Book, “Si Wako, Ang Matalinong Kwago”, muling ikinuwento ni Maribel
B. Leysa
Google Images
https://i.dlpng.com/static/png/4002688-owl-standing-on-books-reading-owl
clipart-reading-clipart-owl-reading-png-302_424_preview.webp

https://i.pinimg.com/564x/63/42/62/63426252e3f80d4d24e35c7f37798176.
jpg

https://graphicriver.img.customer.envatousercontent.com/files/265028955/
preview.jpg?auto=compress
%2Cformat&q=80&fit=crop&crop=top&maxh=8000& max-
w=590&s=4daa30e585bf063672100b582a9071d8

https://previews.123rf.com/images/rasslava/rasslava1506/rasslava
150600091/41549852-modern-classroom-3d-interior-in-light-tones-3d-rendering.jpg

https://i.ytimg.com/vi/78_fQGRngYg/maxresdefault.jpg

16
Mga Bumuo ng Modyul para sa Kagamitan ng Mag-aaral

Mga Manunulat: MARIBEL B. LEYSA


Mga Editor:
Editor ng Wika:
MARY JANE E. CABACABA
MA. CARLITA P. AGCAOILI
Editor ng Nilalaman
GENALYN M. GESTUPA
MARIFE R. CASTILLO
Mga Taga-rebyu:
DR. JENNIFER G. RAMA

Tagaguhit:
Tagalapat:
Mga
Tagapanga
siwa:
DR. MARGARITO B. MATERUM, SDS
DR. GEORGE P. TIZON, SGOD-Chief
DR. ELLERY QUINTIA, CID Chief
DR. JENNIFER RAMA, EPS -FILIPINO
DR. DAISY L. MATAAC, EPS- LRMS/ALS

For inquiries, please write or call:

Schools Division of Taguig city and Pateros Upper Bicutan Taguig

City Telefax: 8384251

Email Address: sdo.tapat@deped.gov.ph

17

You might also like