Professional Documents
Culture Documents
Uri NG Panitikan
Uri NG Panitikan
Tuluyan at Di Tuluyan
TULUYAN
1. MAIKLING KUWENTO
isang akdang pampanitikang likha ng guniguni at
salagimsim na salig sa aktwal na nagaganap sa buhay.
Edgar Allan Poe – ama ng maikling kuwento.
Deogracias A. Rosario – ama ng maikling kuwentong
Tagalog.
ELEMENTO NG MAIKLING KUWENTO
Paksang Diwa – pinaka kaluluwa ng maikling kuwento sapagkat dito
nakapaloob ang kabuuan ng tema at kahulugan ng isang kuwento.
Banghay – tumutukoy sa pagkaka-sunod sunod ng mga pangyayari sa isang
kuwento.
• Panimula/Simula – bahagi ng banghay kung saan unang nangyayari
ang kuwento.
• Saglit na kasiglahan – panandaliang pagtatagpo ng mga tauhan sa
kuwento.
• Kasukdulan – pinakamataas na bahagi ng kuwento. Pinaka
kapanapanabik na tagpo.
• Kakalasan – ito ay bahagi ng banghay kung saan unti-unti ng naayos
ang problema.
• Wakas – bahagi ng banghay kung saan nabigyan na ng solusyon ang
problema o suliranin.
Tauhan – pinaka buhay ng isang maikling kuwento.
• Tauhang Bilog – uri ng tauhang nagbabago.
• Tauhang Lapad – tauhang di nagbabago.
Tagpuan – tumutukoy sa lugar o panahon kung saan nangyari ang kuwento.
Suliranin – tumutukoy sa problemang kinakaharap ng pangunahing tauhan sa
kuwento.
Kaisipan – mensaheng nais iparating ng may-akda sa mambabasa.
Tunggalian – pagharap o pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan sa kanyang
problema o suliranin.
• Tao laban sa tao
• Tao laban sa sarili
• Tao laban sa lipunan
• Tao laban sa kalikasan
2. ALAMAT
ang alamat o legend at folklore ay isang uri ng panitikan na
naglalaman ng mga pinagmulan ng mga bagay bagay sa
daigdig.