Filipino 9 Modyul 1

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 20

FILIPINO 9

MODYUL 1
UNANG LINGGO
PANALANGIN
• Panginoon, maraming salamat po sa ibinigay
ninyong panibagong pagkakataon upang kami ay
matuto. Gawaran mo kami ng isang bukas na isip
upang maipasok namin ang mga itinuturo sa amin at
maunawaan ang mga aralin na makatutulong sa
amin sa pagtatagumpay sa buhay na ito. Amen
Balikan Natin
• Ano ba ang ibig sabihin ng maikling kuwento?

• MAIKLING KWENTO
- Ayon sa palasak na pagpapakahulugan nito, ito ay isang
salaysay ng sunod-sunod na mga pangyayari at tumatalakay sa
madulang bahagi ng buhay
ALAMIN NATIN!
ANG MGA URI NG MAIKLING KWENTO
• 1. Kwento ng Tauhan
Inilalarawan dito ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga
tauhang nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa
sa kanila ng isang mambabasa
• 2. Kwento ng Katutubong Kulay
Binibigyang diin dito ang kapaligiran at mga pananamit ng mga
tauhan, ang uri ng kanilang pamumuhay, at hanapbuhay ng mga tao
sa nasabing lugar.
ALAMIN NATIN!
ANG MGA URI NG MAIKLING KWENTO

• 3. Kwentong Bayan
Inilalahad dito ang mga kwentong pinag-uusapan sa
kasalukuyan ng buong bayan
• 4. Kwento ng Kababalaghan
Dito pinag-uusapan ang mga salaysaying hindi kapanipaniwala.
ALAMIN NATIN!
ANG MGA URI NG MAIKLING KWENTO

• 5. Kwento ng Katatakutan
Naglalaman naman ito ng mga pangyayaring kasindak-sindak.
• 6. Kwento ng Madulang Pangyayari
Binibigyang diin ang kapanapanabik at mahahalagang
pangyayari na nakapagpapaiba o nakapagbago sa tauhan.
ALAMIN NATIN!
ANG MGA URI NG MAIKLING KWENTO

• 7. Kwento ng Sikolohiko
Ito ang uri ng maikling kuwentong bihirang isulat sapagkat may kahirapan
ang paglalarawan ng kaisipan. Ipinadarama dito sa mga mambabasa ang
damdamin ng isang tao sa harap ng isang pangyayari at kalagayan.
• 8. Kwento ng Pakikipagsapalaran
Nasa balangkas ng pangyayari ang interes ng kwento ng
pakikipagsapalaran.
ALAMIN NATIN!
ANG MGA URI NG MAIKLING KWENTO

• 9. Kwento ng Katatawanan
Ito ay nagbibigay-aliw at nagpapasaya sa mambabasa.
• 10. Kwento ng Pag-ibig
Ito naman ay tungkol sa pagiibigan ng dalawang tao.
SUBUKIN NATIN
1. EKONTW NG UNAATH-
- Inilalarawan dito ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga
tauhang nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa
kanila ng isang mambabasa

2. KNTOWE GN ANUTUTBKOG UYKLA-


Binibigyang diin dito ang kapaligiran at mga pananamit ng mga tauhan,
ang uri ng kanilang pamumuhay, at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing
lugar.
SUBUKIN NATIN

3. GOEKNWTN YBAAN-
Inilalahad dito ang mga kwentong pinag-uusapan sa
kasalukuyan ng buong bayan

4. WNTKEO NG KAAHBALNAABG
Dito pinag-uusapan ang mga salaysaying hindi
kapanipaniwala.
SUBUKIN NATIN

5. NKOETW GN
ANAKIAPLAIRKSPPAGA
-Nasa balangkas ng pangyayari ang
interes ng kwento ng
pakikipagsapalaran.
ANG AMA
Isinalin sa Filipino ni
Mauro R. Avena
ANG AMA
Isinalin sa Filipino ni IBIGAY ANG BUOD NG
Mauro R. Avena
MAIKLING KWENTO NA
“ ANG AMA”
ALAM MO BA? • Ang “Ang Ama” ay isang uri
ng kuwentong makabanghay.
Ang makabanghay na akda ay
naglalahad ng mga sunod-
sunod na pangyayari. Ito ay
mula sa simula hanggang sa
matapos ang kuwento
Sagutin Mo
• 4. Sa tangin mo ba ay tama ang ginawa ng ama sa akda
na pananakit sa kanyang mga anak at sa pagbabagong
kanyang ginawa? Pangatwiranan.
• 5. Kung ikaw ay isa sa mga anak sa kuwento, may
gagawin ka bang hakbang upang matigil ang pananakit
ng iyong ama sa inyong pamilya? Pangatwiranan.
TRANSITIONAL DEVICES
• Ang transitional devices ay ang mga salita o
parirala na makakatulong magdala ng kaisipan
mula sa isang pangungusap tungo sa isa pa,
mula sa isang ideya tungo sa iba, o mula sa
isang talata tungo sa isa pang talata.
TRANSITIONAL DEVICES

Ang tatlong uri ng transition ay:


 1. Pagbabago sa pagitan ng mga pangungusap.
 2. Ginagamit kapag ang pangungusap ay lamang
bahagyang may kaugnayan.
 3. At ang mga ideya na kailangan maging
konektado.
TRANSITIONAL DEVICES
Ilan sa halimbawa ng transitional devices sa Filipino ay
ang mga sumusunod
 pagkatapos, una, sa katunayan, sa negatibong panig, sa
positibong panig, sa kabilang banda, gayunpaman, sa
wakas, bago, bukod sa, bilang karagdagan, bagaman,
lalo na at partikular sa.
TRANSITIONAL DEVICES
Gamitin sa pangungusap ang mga sumusunod na
transitional devices
1. pagkatapos
2. una
3. sa katunayan
4. gayunpaman
5. sa wakas

You might also like