Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

Paano Gumawa ng

Brownies
By: Athena De Leon
Ang brownies ay kadalasang hinahanda
tuwing may okasiyon. Kadalasan kinakain ito
gamit lang ang kamay, hindi na kailangan ng
kutsara o tinidor. Madalas nitong kasamang
pagkain ay ang gatas o kaya’t mainit na kape.
Masarap din itong kainin kapag mainit pa, mas
lalo na kapag sinamahan pa ito ng sorbetes. Ito
rin ay kilala sa mga restaurant kung saan hindi
nawawala sa mga nakahilerang panghimagas sa
Menu.
Mga Sangkap:
½ Tasa ng Butter o mantikilya
1 tasa ng asukal
1 kutsarita ng vanilla extract
2 itlog
½ tasa ng arina
1/3 tasa ng cocoa
¼ kutsarita ng baking powder
¼ kutsarita ng asin
½ tasa ng tinadtad na mani
Paghahanda:
1. Kumuha ng isang malaking mangkok at
haluin ang butter, asukal at vanilla.
2. Idagdag ang itlog at haluin ng mabuti.
3. Sa hiwalay na mangkok, haluing mabuti
ang arina, cocoa at asin. Pagkatapos mahalo,
ilagay ito sa butter mixture at haluin ng
mabuti.
4. Ilagay ang mani.
5. Ilagay sa oven.
Paraan ng Pag-bake:
1. Painitin ang oven ng 350 degrees
Fahrenheit.
2. I-bake ng 20-25 minutes o
hanggang maging kulay brown ito.
3. Pagkatapos maluto, ilabas sa oven.
4. Hiwain ng parisukat.
5. Enjoy!
Tekstong
PROSIDYURAL
INIHANDA NI: BB. ROXANNE R. GRANADA
DEPENISYON:
 uri ng paglalahad na kadalasang
nagbibigay ng impormasyon at
instruksyon kung paano isinasagawa
ang isang tiyak na bagay.
LAYUNIN:
•Makapagbigay ng sunod-sunod
na direksyon at impormasyon sa
mga tao upang matagumpay na
maisagawa ang mga gawain ng
ligtas, episyente at angkop sa
paraan.
HALIMBAWA:
• recipe sa pagluluto sa Home Economics
• Paggawa ng eksperimento sa agham at medisina
• Pagbuo ng aparato at pagkumpuni ng mga
kagamitan sa teknolohiya.
• Pagsunod sa mga patakaran sa paglalaro ng isang
bagay
• Mga paalala sa kaligtasan sa kalsada
• Manwal na nagpapakita ng hakbang-hakbang na
pagsasagawa ng iba’t ibang bagay.
APAT NA BAHAGI NG
TEKSTONG PROSIDYURAL
•Inaasahan o Target na Awput
•Mga Kagamitan
•Metodo
•Ebalwasyon
MGA TIYAK NA KATANGIAN NG
WIKANG MADALAS GAMITIN SA
TEKSTONG PROSIDYURAL
•Nasusulat sa kasalukuyang panahunan.
• Nakapokus sa pangkalahatang
mambabasa at hindi sa iisang tao lamang.
•Gumamit ng tiyak na pandiwa para sa
instruksyon.
•Gumamit ng malinaw na pang-
ugnay at cohesive device upang
ipakita ang pagkasunod-sunod at
ugnayan ng mga bahagi ng teksto.
•Mahalaga ang detalyado at tiyak na
deskripsyon (hugis, laki, kulay, dami
atbp

You might also like