Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

MGA RELIHIYON NA UMUSBONG

SA ASYA
GRADE 8
ANIMISMO
• Mula sa salitang Latin na anima ang terminong
animismo na ang ibig sabihin ay “espiritu ng
mga kaluluwa” o soul spirit.
• Ayon sa mga tagasunod nito, pinananahanan
ng mga makapangyarihang puwersa o espiritu
ang daigdig.
• Ang mga espiritung ito ay nasa mga bato,
puno, ilog, bundok, talon at iba pa.
• Sa Pilipinas, tinatawag na anito o diwata ang
mga espiritong ito.
• Ayon sa paniniwala ng mga tagasunod ng
animismo, ang iba’t ibang kalamidad tulad ng
lindol, bagyo at pagputok ng bulkan ay bunga
ng galit ng mga espiritong nabanggit.
SHAMANISMO
• Nagsimula ang shamanismo sa Hilagang Asya
at naging relihiyon ng sinaunag Mongolia.
• Mayroon silang shaman na isang tao na
nagsisilbing tagapamagitan ng diyos at tao.
• Habang nakikinig ang shaman sa diyos ay
nawawala siya sa sarili at sumasailalim sa
isang trabce o pagsanib ng espiritu na
maihahalintulad sa hipnosis.
HINDUISMO
• Itinuturing na pinakamatandang organisadong
relihiyon ang Hinduismo.
• Ilan sa mga pundasyon ng Hinduismo ay ang
vedas na isinulat ng mga nomadikong Aryan
na nagtungo sa India noong 1500BCE at ang
Brahmanismo na siya namang paniniwala ng
mga Dravidian, ang mga unang tao na
ninirahan sa Lambak Indus.
• Ang Vedas ay itinuturing ng mga Hindu na
banal na kasulatan na may apat na aklat: Ang
Rig-veda, Sama-veda, Yajur-veda at Atharva-
veda.
• Ang tatlong pangunahing diyos ng mga Hindu
ay sina Brahma (tagapaglikha),
Vishnu(tagapanatili) at Shiva (tagasira).
Ilan sa mga pangunahing paniniwalang
Hindu:
• Kasta (Caste)- Isa itong sistema ng pag-uuri ng
tao sa India sa iba’t ibang pangkat o kasta gaya
ng Brahmin, Kshatriya, Vaishya at Sudra.
• Dharma- ang mga Hindu ay may nakatakdang
gawain sa dapat nilang gampanan batay sa
sistemang kasta sapagkat ito ang isinasaad ng
kanilang dharma.
• Karma- Ang tawag sa kabuuang kilos ng isang
tao mula nang siya ay ipinanganak hanggang
sa siya ay mamatay ay karma.
• Reinkarnasyon- Ang bawat Hindu ay may
atman o espiritung hindi namamatay at
kayang mabuhay na makailang beses.
• Moksha-Layunin ng bawat tao na makawala sa
reinkarnasyon. Makakamit lamang ng moksha
o ang kalayaan sa reinkarnasyon kung
magiging mabuti ang karma ng tao.
• Nirvana- Ito ay ang lugar o estado kung saan
may ganap na kapayapaan, katiwasayan at
kasiyahan ang malilinis na kaluluwa.\

• Pagkamatay ng isang Hindu, siya ay susunugin


bago pa lumubog ang araw.
• Ang abo ay yumao ay iipunin ng kaniyang
pinakamalapit na kamag-anak at itatapon sa
ilog.

You might also like