Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 54

Edukasyon sa

Pagpapakatao 5
Ikalawang Markahan, Ikalimang Linggo
Paksa:

Para sa Kapakanan
Mo, Handa Ako
MELC:

Nakapagpapaubaya ng
pansariling kapakanan para
sa kabutihan ng kapwa
(EsP5P –IIf – 26)
Layunin:

Makapagpapaubaya ng
pansariling kapakanan para
sa kabutihan ng kapwa
Balikan:
Isulat sa patlang kung ang
isinasaad ay TAMA at
MALI kung ito ay nagsasaad
ng hindi tamang gawain.
Balikan:
1. Ang opinyon ng mahirap na
kasamahan ay hindi dapat
pakinggan.

TAMA MALI
Gawain
Balikan:1:
2. Opinyon lamang ng lider ang dapat
pakinggan ng mga kasapi.

TAMA MALI
Balikan:

3. Mas marami ang karapatan ng


mayayaman.

TAMA MALI
Balikan:

4. Huwag mahihiyang sabihin ang


sariling opinyon.

TAMA MALI
Balikan:
5. Awayin ang mga kasamahan kapag
hindi napili ang inyong mungkahi.

TAMA MALI
Patnubay na Tanong:

Bakit mahalaga ang pagpapaubaya


ng sariling kapanakan para sa
kabutihan ng iba?
Handa Akong
Magpaubaya
Sina Ana at Marie ay magkapatid
na parehong nag-aaral sa isang paaralan sa
bayan ng Candon. Si Ana ay nasa ikalimang
baitang habang si Marie naman ay nasa unang
baitang pa lamang. Ang kanilanng mga
magulang ay parehong nagtitinda sa palengke
ng mga isda araw-araw at gabi na kung umuwi.
Ang nakakasama nila ay ang kanilang
Lola na may katandaan na rin. Dahil dito, si
Ana ang nagbabantay sa kanyang kapatid.
Dahil sa Covid-19 pandemic, pinili ng
kanilang magulang ang Printed Modular
Distance Learning upang masiguro ang
kaligtasan ng mga bata.
Parehong may module na dapat
pag-aralan ang magkapatid. Lubos na
nahihirapan si Marie sa kanyang mga modules
dahil hindi siya maturuan ng kanilang mga
magulang na parehong wala araw-araw.
Napansin ito ni Ana. Kung kaya’t nagdesisyon
siyang tulungan muna ito sa kanyang module
bago simulan ang kanyang sariling modules.
Nahihirapan si Ana sa kanyang ginagawa
dahil para sa dalawang baiting ang kanyang
dapat pag-aralan.Ngunit, dahil siya ay may
malasakit sa kanyang kapatid, siya ay
nagsasakripsiyo at nagpapaubaya.
Pagsagot sa tanong:
1. Sino ang pangunahing tauhan sa kwento?

Ana at Marie
Pagsagot sa tanong:
2. Ano ang naging suliranin ng pangunahing
tauhan sa kwento?

Sagot:Ang pag-aaral sa
modules nilang magkapatid
Pagsagot sa tanong:
3. Ano ang ginawa ni Ana upang
matulungan ang kanyang kapatid?
Sagot:Tinuturuan niya ang
kanyang kapatid sa kanyang
modules bago simulan ang kanya.
Sino sa inyo ang may
nakababatang kapatid?
Gagawin niyo ba ang
ginawa ni Ana? BAkit?
Ano ang gagawin mo sa mga
sumusunod na sitwasyong para
maipakita ang pagmamalasakit
mo sa iyong kapwa. Ilahad ang
iyong magiging damdamin.
Pagsasanay:
1. Araw ng Sabado at wala kang pasok. Naisipan
mong maligo na. Nakita mo na halos isang timba na
lang ang natitirang tubig na inyong inipon kagabi.
Hapon pa ibabalik ang serbisyo ng tubig sa inyong
pamayanan. Naghahanda na ring maligo ang inyong
ate para pumasok sa kanyang trabaho. Ano ang
gagawin mo?
Sagot: Magpapaubaya ako, pauunahin ko
ang aking ate sa pagligo dahil mas
kailangan niya ito upang makapasok sa
trabaho. Hihintayin ko na lamang bumalik
ang serbisyo ng tubig bago ako maligo.
Pagsasanay:
2. Oras ng recess at nakapila ka sa kantina.
Gutom na gutom ka na. Mahaba ang pila.
Nang ikaw na ang susunod na bibili ng
pagkain, nakita mo isang bata na may saklay
sa likuran mo. Ano ang gagawin mo?
Sagot: Pauunahin ko ang batang
nakasaklay. Tutulungan ko rin siya sa
pagbuhat ng kanyang bibilhin uang
hindi siya mahirapan.
Pagsasanay:
Mahilig kang magbasa ng mga kwentong pambata.
Mayroon kang matagal nang inaabangang kwento na
isunulat ng paborito mong manunulat. Laking tuwa mo
nang malaman mong mayroon nito sa inyong silid-aklatan.
Nang kinakausap mo na ang librarian, narinig mo na
nagtatanong ang isa pang bata tungkol sa aklat na
hinihiram mo. Narinig mo rin na ang aklat ay kailangang
basahin ng bata para sa kanyang ulat kinabukasan.
Sagot: Ipagpapaliban ko na lamang
muna ang panghihiram sa libro dahil
mas higit na kailangan ng batang
basahin ito upang makagawa ng ulat.
Marami pang pagkakataon na mabasa
ko ang libro.
Paglalahat:
Ipaubaya ang pansariling layunin para sa
kapakanan ng iyong kapwa kung
kinakailangan
Sa pamamagitan ng pagpapaubaya ay
naipahahayag ang pagmamahal at
pagmamalasakit sa kapwa
Gawain 1:

Isulat ang tsek (/) kung ang


isinasaad ng pangungusap
ay tama ay ekis (x) naman
kung hindi.
Gawain 1:

1. Ang pagtulong sa kapwa ay


nagpapakita ng malasakit sa kanya.
Gawain 1:
2. May nakita kang may kapansanan sa daan
na nahihirapan sa paglalakad, dahil
nagmamadali ka sa trabaho kaya hindi mo
siya tinulungan.
Gawain 1:
3. Hayaan nalang ang gobyerno ang
tumulong sa mga nangangailangan.
Gawain 1:

4. May magawa ka kahit mahirap ka


lamang upang makatulong sa kapwa.
Gawain 1:

5. Tumulong nang hindi humihingi ng


kapalit.
Gawain 2:
1. Bumili si Rose ng burger dahil siya ay
nagugutom. Kakainin na dapat niya ito nang may
pulubing lumapit at humihingi ng pagkain. Hindi
nagdalawang isip si Rose na bigyan ito ng pagkain.
Gawain 2:
2. Pangarap ni Alfred na magkaroon ng sariling bike kaya
nagpursige itong makaipon. Isang araw, nagkasakit ang
kanyang nakababatang kapatid at naospital ito. Agad
ibinigay ni Afred ang kanyang ipon ssa kanyang mga
magulang ang pera upang may panggastos ito sa ospital.
Gawain 2:
3. Isang araw, may iniuwing pagkain ang iyong
nanay para sa inyong tatlong magkakapatid. Dahil
ikaw lamang ang nasa inyong bahay sa oras na
iyon, agad mo itong kinain lahat.
Gawain 2:
4. Hindi nakapasok ang kapitbahay at kaklase mong si
Celso noong Martes dahil siya ay nagkasakit. Tinanong ka
niya kung may ibinigay na takdang aralin ang inyong guro
sa araw na iyon. Sinabi mong wala kahit na alam mong
mayroon.
Gawain 2:
5. Tinulungan ni Carlo ang matanda sa
pagtawid dahil hirap na itong
maglakad.
Matutong magpaubaya
ng sariling kapakanan
para sa ikabubuti
ng kapuwa!
Talasanggunian:

Ylarde, Zenaida R. 2016. Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon 5.


Quezon City: Vibal Publishing Incorporated.

K to 12 Most Essential Learning Competencies with Corressponding CG


Codes page 81.

https://ph.lovepik.com/image-401233807/couple-quarrel.html
https://rabiesalliance.org/resource/want-friend-be-friend-filipino
https://ph.lovepik.com/image-401489797/mother-tutoring-sister-to-learn.h
t
ml

You might also like