Aralin 2.2 Mitolohiya NG Iceland (Repaired)

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 34

Aralin 2.

S in a T ho r a t
L ok i s a Lu pa i n
n g m ga
Hi ga n te
Mitolohiya mula sa Iceland ni Snorri Sturluson
Isinalin sa Filipino ni Shiela C. Molina
Panimula
 Nagsasaad ang Edda ng mga pinaniniwalaan ng mga sinaun
ang tao sa hilagang Europa kabilang dito ang kanilang
pinaniniwalaang mga diyos at diyosa na matutunghayan s
a kanilang mitolohiya.
 Tinatawag na mitolohiyang Norse o mitolohiyang Eskandi
naba ang mitolohiyang muka sa hilagang Europa kung saa
n ang mga tao ay nagsasalita ng Germanic languages. Ka
bilang dito ang Scandinavia, Sweden, Norway, Denmark a
t Iceland.
Mitolohiya
 Ang Mitolohiya ay hinango sa salitang “mito” na nagmula sa salitang
Griyegong “mythos” na unang nangahulugang “talumpati” subalit sa
katagalan ay nangahulugang “pabula” o “alamat”.
 Ang Mitolohiya ay mga sinaunang kuwento na may kaugnayan sa
paniniwala o pananampalataya at nagtataglay ng tauhang karaniwang
diyos o diyosa na may kapangyahirang hindi taglay ng pangkaraniwang
mortal.
 Ang Mitolohiya ay naglalayong magbigay paliwanag sa mga bagay na
mahirap ipaliwanag dahil hindi pangkawaniwang nangyayari sa mundo at
lipunan.
Mitolohiya ng Icela
n d o mitolohiyang Eskandinaba ang
 Tinatawag na mitolohiyang Norse
mitolohiyang mula sa hilagang Europa kung saan ang mga tao ay
nagsasalita ng Germanic languages. Kabilang dito ang bansang
Iceland.
 Ang mga mitolohiyang Norse ay binubuo ng mga kuwento ng iba’t-
ibang mga diyos, mga kilalang, at mga bayani na nag mula sa
maraming pinagkukunan muka kapwa bago at pagkatapos ng
paganong panahon, kabilang ang mga manuskrito ng Edad
Medya, mga arkeolohikal na representasyon at katutubong
tradisyon.
Bakit Mahalaga ang Mitolohiya?
 Mahalaga ang Mitolohiya upang maipaliwanag ang pagkakalikha ng
mundo at mga natural na pangyayari.
 Sa Mitolohiya rin mababasa ang mga sinaunang paniniwalang
panrelihiyon.
 Nagtuturo rin ito ng mga aral at nag papaliwanag ng kasaysayan.
 Mahalaga rin ito upang maipahayag ang takot at pagasa ng
sangkatauhan.
Elemento ng Mitolohiya
1. Tauhan
– ang mga tauhan sa mitolohiya ay
mga diyos at diyosa na may taglay ng
kakaibang kapangyahiran.

2. Tagpuan
– may kaugnayan ang tagpuan sa
kulturang kinabibilangan at sinaunang
panahon.
Elemento ng Mitolohiya
3. Banghay –
a. maraming kapanapanabik na aksyon at tunggalian.
b. maaaring tumatalakay sa pagkakalikha ng mundo at mga natural na
pangyayari.
c. nakatuon sa mga suliranin at paano ito malulutas.
d. ipinapakita ang ugnayan ng tao at ng mga diyos at diyosa
e. tumatalakay sa pagkakalikha ng mundo, pagbabago ng panahon at
interaksyong naghahanap sa araw, buwa, at daigdig.
Elemento ng Mitolohiya
4.Tema –
Maaaring ang tema ng mitolohiya ay nakatuon sa sumusunod:
a. Magpaliwanag sa natural na pangyayari.
b. Pinagmulan ng buhay sa daigdig
c. Paguugali ng tao
d. Mga paniniwalang panrelihiyon
e. Katangian at kahinaan ng tauhan
f. Mga-aral sa buhay
Sina Thor
at Loki sa
Lupain ng
mga
Higante
Sina Thor at Loki sa Lupain ng m
ga Higante
ni Snorri Sturluson
isinalin sa Filipino ni Shiela C
. Molina
Nagpasiyang maglakbay sina Thor at Loki papuntang Utgaro, Kaharian ng
mga Higante. Sakay sila ng karwaheng hila ng dalawang kambing. Nang
sila ay gabihin nagpahinga sila sa bahay ng magsasaka. Thjalfti ang ngalan
ng lalaking anak ng magsasaka at Rosvka naman ang babae. Niluto ni Thor
ang dalang kambing at inanyayahan ni Thor ang mag-anak na kumain.
Iniutos ni Thor na paghiwalayin ang buto ng kambing sa balat nito ngunit
hindi sumunod si Thjalfti sa halip ay kinuha nito ang bahaging pige.
Kinabukasan itinayo ni Thor ang kambing gamit ang kanyang maso at
napansin niyang bali ang paa ng isa sa likod. Natakot ang buong pamilya
ng magalit si Thor halos magmakaawa ang mga ito at sinabing handa
nilang ibigay ang lahat. Nahabag ang kalooban ni Thor at hininging
kapalit ang mga anak nito. Kaya't sina Thjalfti at Rosvka ay naging
kanyang alipin pagkatapos.
Nagpatuloy ang kanilang paglalakbay patungo sa silangang bahagi
ng lupain ng mga higante nang sila ay gabihin nakakita sila ng pasilyo at
nagpasiyang manatili doon. Hating gabi ng gulatin sila ng malakas na
lindol, nang siyasatin ang paligid nakakita sila ng isang silid. Natakot ang
mga kasama ni Thor kaya binunot niya ang kanyang maso at naghanda sa
pakikipaglaban.
Kinaumagahan, nakita ni Thor ang Higante sa labas, tulog at umuungol ng
malakas. Akmang pupokpukin ito ni Thor nang bigla itong magising. Skrymir
ang ngalan ng Higante. Tinanong nito kung inalis ba ni Thor ang kanyang
guwantes. Doon nalaman ni Thor na higante pala ang kanilang tinutuluyan at
hintuturo nito ang inaakalang silid. Pumayag si Thor na sumama si Skrymir sa
kanilang paglalakbay. Nawala ang baong pagkain nila Thor at napagkasunduang
pagsamahin ang kanilang mga baon. Nilagay ni Skrymir ang kanilang baon sa
isang bag at ibinuhol ito.
Nagpatuloy ang paglalakbay, nagpahinga sila sa puno. Habang tulog ang
Higante at humihilik sinubok ni Thor na alisin ang buhol ng bag ngunit hindi ito
nagtagumpay, uminit ang ulo ni Thor at pinukpok niya ng maso ang ulo ng
higante.
Nagising si Skrymir sa pagaakalang may nahulog na dahon sa kanya.
Tinanong nito si Thor kung sila ba ay kumain na, sumagot naman itong
tapos na. Nang handa nang matulog lumipat sila sa ibang puno, hatinggabi
at narinig nanaman ni Thor ang hilik ng higante. Muli niyang pinukpok ng
kanyang maso ang higante. Nagising ito at tinanong kung may nahulog
bang acorn sa kanya. "Anong nangyayari sa iyo Thor" sabi niya,sinabi
nitong naalimpungatan lamang siya at mahaba pa ang oras upang matulog.
Naisip ni Thor na kung pupokpukin niyang muli si Skrymir ay hindi na
nito makakayanan kaya hinintay niyang muling makatulog ang higante.
Kinabukasan habang tulog pa ang higante ay pinukpok ito ni Thor gamit
ang kanyang maso.
Napatayo ang Higante sabay kamot sa pisngi, nagwikang kung may mga ibon
ba sa taas ng puno. Nung siya daw ay magising tila may nahulog na dahon sa
kanyang ulo. "Gising ka na ba Thor?" wika niya. "Oras na upang bumangon ay
magbihis malapit na kayo sa Utgaro. Narinig ko kayong nagbubulungan na
wala akong kwentang Higante. Kung makakarating kayo kay Utgaro makikita
niyo ang isang malaking tao roon. Bibigyan ko kayo ng payo, Huwag kayong
magpakita ng pagmamataas kay Utgaro-Loki." sinabi pa nito.
Nagpatuloy ang paglalakbay, sa sumunod na araw nakaharap na nila ang hari
na si Utgaro-Loki. Nakilala niya si Thor ang mahusay na mandirigma.
"Ikaw ay malakas kaysa tingin ko lamang. Anong kakayahan na mahusay
kayo ng iyong kasama? Hindi namin hinahayaang manatili rito ang taong
walang maipagmamalaki" wika nito. Sumagot si Loki
"Mayroon akong kakayahan na nais kung subukin. Walang sinoman na
naririto ang bibibilis pa sakin sa pagkain" Nakipaglaban ang pambato ni
Utgaro-Loki na si Logi. Mabilis nilang kinain ang karne. Buto nalamang
ang natira kay Loki ngunit kahit isang buto ay walang tira si Logi, malinaw
na si Loki ay natalo. Sumunod na laban ay ang pabilisan sa pagtakbo na
nilahukan ni Thjalfti at ni Hugi. Hanggang sa pangatlong beses ay hindi
nagwagi si Thjalfti. Sa sumunod na laban sinabi ni Thor na gusto niyang
subukin ang labanan sa pabilisan ng paginom.
"Isang mahusay na manginginom ang makakaubos nito sa isang lagukan.
Ang iba ay kaya ito ng dalawa ngunit kadalasan ay nauubos ito ng tatlong
lagukan." wika ng pinuno ng mga higante. Noong pangalawang lagok ni
Thor tila wala parin itong bawas. "Kailangan mong lagukin ito lahat sa
pangatlong pagkakataon. Tingin ko ay hindi ka kasing lakas ng inaasahan
ko." Nagalit si Thor at ininom ang tambuli gamit ang kanyang lahat na lakas
ngunit wala paring nabawas kanya itong binitawan hanggang sa matapon
ang lahat ng laman nito. "Ipinakikita lamang na ang lakas mong taglay ay
hindi kasing tindi katulad ng aming iniisip. Gusto mo pa bang subukan ang
iba pang uri ng pakikipaglaban?" wika ni Utgaro-Loki. "Anong labanan ang
maimumungkahi mo?" sagot ni Thor.
"Isang laro na paborito ng mga kabataan dito buhatin ang aking pusa mula
sa lupa". Isang abuhing pusa ang lumundag sa lupa, sinubok itong buhatin
ni Thor ngunit paa lamang nito ang kanyang naiangat
"Tapos na ang labang ito tulad ng aking inaasahan walang laban si Thor sa
aking alagang pusa, ano pa kaya sa malalaking tao rito" wika ni Utgaro-
Loki. "Tawagin mo na kong maliit kung gusto mo pero tumawag ka ng
sinomang makikipagbuno sa akin, galit na ako ngayon" wika ni Thor. "Wala
akong alam na gustong makipagbuno sa iyo ngayon pero hayaan mong
tawagin ko ang kinalakihan kung ina, ang matandang si Elli. Siya ang
labanan mo ng wrestling, marami na siyang pinatumbang lalaki na kagaya
mong malakas."
Habang gamit ni Thor ang kanyang buong lakas lalo lamang matatag ang
matandang babae, hanggang sa nawalan ng balanse si Thor. Pumagitna si
Utgaro-Loki at sinabing itigil na ang laban. Hindi na kailangang
makipagbuno pa si Thor sa kaninoman sa tagapaglingkod. Malalim na noon
ang gabi kaya inasikaso sila ni Utgaro-Loki kung saan sila magpapahinga.
Kinabukasan naghanda na sila Thor upang maglakbay. Sa kanilang
paghihiwalay tinanong si Thor ni Utgaro-Loki kung ano ang naiisip nito sa
kinalabasan ng kanilang paglalakbay at kung may nakilala ba itong lalaki na
higit na mas malakas kay Utgaro-Loki. Sumagot si Thor na hindi niya
maikakaila na nalagay siya sa kahihiyan sa kanilang pagtatagpo at marahil
naiisip nito na siya ay walang halaga at hindi niya ito gusto.
Sinabi ni Utgaro-Loki, “Ngayong palabas ka na sa aking kuta ay ipagtatapat
ko sa iyo ang katotohanan, kung ako ay mabuhay at may kontrol sa mga
mangyayari, hindi mo na kailangang bumalik pa ritong muli. Sa aking salita,
ni hindi ka makakapasok dito kung alam ko lang kung gaano ka kalakas,
muntik ka nang magdulot ng kapahamakan sa aming lahat. Ngunit nilinlang
kita gamit ang aking mahika. Noong una tayong magkita sa kakahuyan agad
kitang nilapitan at nang tangkain mong alisin ang pagkakatali ng bag hindi
mo ito nagawa dahil binuhol ko ito ng alambre. Pagkatapos
noon hinampas mo ako ng iyong maso nang tatlong ulit. Ang una ay mahina
pero kung umabot ito sa akin ay patay na ako.
Nang makita mo ang burol na tila upuan ng kabayo malapit sa aking kuta
kung saan naroon ang tatlong kuwadradong lambak, ang isa ay napakalalim,
ito ang marka ng iyong maso. Inilagay ko talaga ang burol na hugis kabayo
sa harap ng iyong mga hampas pero hindi mo ito nakita. Gayun din ang
nangyari nang magkaroon ng paligsahan laban sa aking mga tagapaglingkod.
Ang una, nang kainin nang mabilis ni Loki ang mga hiniwang karne sa
sobrang kagutuman pero ano ang laban niya kay Logi na tulad ng
mapaminsalang apoy na kayang sunugin ang kakahuyan. At si Thjalfi na
lumaban ng takbuhan sa tinatawag naming Hugi, siya ay lumaban sa aking
kaisipan. Walang makatatalo sa bilis ng aking kaisipan. At noong ikaw
naman ay uminom mula sa tambuli inakala mo na ikaw ay mabagal.
Sa aking salita, anong himala na ang dulo ng tambuli ay nakakabit sa dagat pero
hindi mo ito nakita pero tingnan mo ang dagat halos masaid ang tubig nito.
Hindi rin kamangha-
mangha sa akin nang maiangat mo ang paa ng pusa sa lupa, pero para sabihin ko
sa iyo ang totoo ang lahat ng nakasaksi nito ay nahintakutan. Ang pusang iyon
ay hindi totoong pusa kundi isang Miogaro, isang ahas na ang haba ay sapat na
upang yakapin ang daigdig ng kaniyang ulo at buntot.Iniangat mo ito nang
mataas halos abot hanggang langit. Kamangha-mangha rin nang makipagbuno
ka nang matagal at napaluhod ng isang tuhod lamang sa iyong pakikipaglaban
kay Elli na wala kahit sino mang makagagawa niyon. At ngayon tayo ay
maghihiwalay mas makabubuti para sa ating dalawa na tayo’y di na muling
magkita.
Ipagpapatuloy ko ang pagtatanggol sa aking kuta gamit ang aking
mahika o anumang paraan upang hindi manaig ang iyong
kapangyarihan sa akin."
Nang marinig ito ni Thor kinuha niya ang kaniyang maso upang
ipukol ngunit wala na si Utgaro-Loki. Sa kaniyang paglingon wala na
rin ang kuta kundi isang malawak lamang na kapatagan. Muli siyang
lumisan at ipinagpatuloy ang kaniyang paglalakbay hanggang sa
makabalik sa Thruovangar, ang mundo ng mga diyos.
Sina Thor at loki sa Lupain ng m
ga Higante
Mga Tauhan :
Diyos:
Thor – diyos ng kulog at kidlat;
pinakamalakas sa mga diyos ng
Aesir
Loki – kasama ni Thor sa
paglalakbay, may kapilyuhan
Sina Thor at Loki sa Lupain ng
mga Higante
Tagpuan :
 Sa bahay ng magsasaka
 Sa inaakalang pasilyo na
isa palang Higante
 Lupain ng mga Higante
Sina Thor at Loki sa Lupain ng m
ga Higante
Banghay :
 Naglakbay sina Thor papuntang Utgaro at nang gabihin ay nanatili sa
bahay ng magsasaka kung saan hindi nasunod ang kanyang utos kaya
naging alipin nito ang anak ng magsasaka.
 Nagpatuloy ang kanilang paglalakbay at nang sila ay gabihin nanatili
sila sa isang pasilyo na isa palang higante. Naging kasama nila sa
paglalakbay ang Higante ngunit ito'y humiwalay bago pa sila
makarating sa Lupain ng mga Higante.
Sina Thor at Loki sa Lupain ng mg
a Higante
Banghay :
 Nang makarating sa Lupain ng mga Higante nasubok ang kanilang
kakayahan, nakipaglaban sila sa mga Higante ngunit hindi sila nagwagi.
 Sa huli inamim ng hari na si Utgaro-Loki na gumamit siya ng mahika
upang kalabanin sila Thor. Sa huling pagkakataon hindi na nais ni Utgaro-
Loki na muli pa silang magkita ni Thor.
 Naglakbay muli si Thor pabalik sa mundo ng mga Diyos.
Sina Thor at Loki sa Lupain ng m
ga Higante
T e m a :
 Kapangyarihan, katangian at kahinaan ng pangunahing tauhan ang
pangunahing paksa ng mitolohiyang ito. Naglakbay sila patungo sa kaharian
ng mga higante at nang sila ay makarating roon nagpakita sila ng
pagmamataas kung saan sa hindi inaakala higit na malalakas pala ang mga
higante kaya sa huli nakaramdam lamang ng kahihiyan ang bida.
Mabuting aral ng kwento

 Pagpapakumbaba. Gaano man kataas ang estado


natin sa buhay dapat tayong matutong
magpakumbaba sa lahat ng bagay at tanggapin na
mayroong mga tao o nilalang na maaaring hihigit
pa sa atin. Lagi nating tatandaan na walang silbi
ang kapangyarihan kung hindi ito gagamitin sa
kabutihan.
Ang Mitolohiya ay naiiba sa
iba pang akdang tuluyan
sapagkat ito ay tumatalakay sa
kultura, mga diyos at ang
kanilang mga karanansang
Paano naiiba ang nagpapakita ng ugnayan sa
Mitolohiya sa iba pang tao. Ito ay nagsimula ng
akdang tuluyan? magkaroon ang tao ng interes
sa paglikha at ang kanilang
papel na ginagampanan dito.
MITOLOHIYA EPIKO
 Madalas ito ay kwentong mito  Madalas ay isang kwento ng
ng mga diyos. magiting na bayani
 Karaniwang paksa ay tungkol  Karaniwang paksa ay tungkol
sa mga likas na kaganapan sa kabayanihan ng
kung saan o paano nagkaroon pangunahing tauhan
ng mga ito.  Ipinapakita dito ang
 Mga diyos at bayani ang paglalakbay at pakikidigma
pangunahing tauhan na may ng pangunahing tauhan
kakaibang kapangyahiran  May kakaibang lakas ang
tauhan
Kultura ng taga Iceland
 Ang Kultura ng Iceland ay nag-ugat o nagmula sa mga tradisyon ng
mga Norse. Maraming mga tao sa Iceland na malakas na naniniwala
sa duwende. Ang esports ay mahalaga rin sa kultura ng Iceland at
ang Glima, isang anyo ng wresling na siyang pinakasikat doon.
Naniniwala din ang mga taga Iceland sa gender equality ibig sabihin
payag silang magkaroon ng isang lider na babae katulad din sa mga
lalaki at pati narin sa trabaho.
THANK YOU

You might also like