1st Quiz Grade 12

You might also like

Download as ppt, pdf, or txt
Download as ppt, pdf, or txt
You are on page 1of 23

Pagsulat sa Filipino sa

Piling Larangan

Quiz #1
Panuto:

Ang pagsusulit ay parang pag-ibig,


minsan hinahayaan lang nating
walang sagot ang bilang at hindi
napapahalagahan pero sa huli pala,
malaking kawalan ang siya’y
iwanan!
Ang masakit, huli na ang
lahat at hindi na natin
puwedeng balikan.


Ngunit sabi nga nila, mas mainam
nang masaktan sa katotohanan …
Kaysa pagsikapan mong gawing
tama ang lahat sa isang malaking …

KASINUNGALINGAN!
Hangad ko ang pagkamit mo
ng mataas na marka !
1. Ito ay isang akdang pampanitikan na
nakasulat sa karanasan ng isang sanay sa
pagsasalaysay.
2. Akademikong sulatin na madalas
inuumpisahan sa simpleng paglalarawan
hanggang marating ang mas malalim na
diskurso. Ito’y nilalapatan ng iba’t ibang
lente ng pagdidiskurso.
3. Siya ang tinuturing na “Ama ng
Makabagong Panulaang Tagalog.”
4. Ito’y isang sanaysay na maituturing na
natatangi dahil sa taglay nitong personal
na realisasyon sa mga bagay na natutunan
o napagbulay-bulayan.
5. Tumutukoy sa detalyadong
pagsasalaysay ng mga karanasan na
kadalasang may kasamang mga larawan
bilang patunay sa paglalakbay.
6. Gamit ng isang akademikong sulatin sa
sining at disenyo na nagbibigay-
pagkakataon sa mga mambabasa na
magpasya para sa pagpapahalaga ng
likha.
7-10. Ibigay ang apat na prinsipyong
kailangan sa isang masining at mabisang
pagpapahayag ng isang akademikong
sulatin sa sining at disenyo.
11. Proseso ng pagpapayaman,
pagpapayabong, at pagpapaunlad sa
sining at disenyo.
12. Sa anong diskurso ng pagpapahayag
sinasaad ang pagkakasunod-sunod ng
buhay ng isang manlilikha mula sa
pagsisimula o pagkakalinang ng tao sa
sining hanggang sa kasalukuyang
tinatamasang tagumpay nito?
13. Diskurso ng pagpapahayag na
kinapapalooban ng malinaw na
paghihimay-himay ng mga impormasyon
mula sa pagtalakay ng pangkalahatan
hanggang sa mga tiyak na batayan.
14. Sa diskursong ito, bukod sa opinyon at
reaksiyon, litaw ang paninindigan at
paggiit ng panig.
15. Ito’y isang anyong nakalimbag na
kadalasang ginagamit sa pag-eendorso ng
produkto at serbisyo.
16. Sa kalikasang ito ng akademikong
sulatin sa sining at disenyo pinapalutang
ang konteksto ng paksa at pinapakita ang
kahalagahan ng ideya.
17. Ito’y isang paraan ng mga manunulat
upang isakonteksto ang pagpapaliwanag.
Nangyayari ito sa mga pagkakataon ng
pagsasanib ng pormal at hindi pormal na
paraan ng pagsusulat.
18. Itinuturing na esensiyal na elemento
ng sulatin dahil ito ang iniikutan ng mga
pagdidiskurso.
19. Anong elemento ng isang likha ang
sumasalamin ng pagbubusisi at
pagpipino sa isang sining upang
lubusang umusbong ang ganda at anyo
nito?
20. Sa anong bahagi ng sulatin
itinatampok ang masinop na pagtalakay o
paghihimay-himay sa paksa?
Pagtatapos ng unang bahagi ng
pagsusulit na ito!

You might also like