sustenableng trabaho, malaya at pantay na oportunidad sa paggawa, at maayos na workplace para sa mga manggawa. Worker’s Rights Pillar
Naglalayong palakasin at siguruhin ang
paglikha ng mga batas para sa paggawa at matapat na pagpapatupad ng mga karapatan ng mga manggagawa. Social Protection Pillar Hikayatin ang mga kompanya, pamahalaan, at mga sangkot sa paggawa na lumikha ng mga mekanismo para sa proteksyon ng manggagawa, katanggap-tanggap na pasahod, at oportunidad. Social Dialogue Pillar Palakasin ang laging bukas na pagpupulong sa pagitan ng pamahalaan, mga manggagawa, at kompanya sa pamamagitan ng paglikha ng mga collective bargaining agreement. Ang ISKEMANG SUBCONTRACTING ay tumutukoy sa kaayusan sa paggawa kung saan ang kompanya (principal) ay komukontrata ng isang ahensiya o indibidwal na subcontractor upang gawin ang isang trabaho o serbisyo sa isang takdang panahon. Ang Labor-only Contracting na kung saan ang subcontractor ay walang sapat na puhunan upang gawin ang trabaho o serbisyo at ang pinasok niyang manggagawa ay may direktang kinalaman sa mga gawain ng kompaya. Ang job-contracting naman ang subcontrator ay may sapat na puhunan para maisagawa ang trabaho at mga gawain ng mga manggagawang ipinasok ng subcontractor. Wala silang direktang kinalaman sa mga gawain ng kompanya. Hindi pinapayagan sa batas ang job-contracting dahil naaapektuhan nito ang seguridad ng mga manggagawa sa trabaho. Unemployment and Underemployment
Sa kasaluyang datos ayon sa ulat ng Philippine
Statistics Authority (PSA, 2016), ipinakikita ang lumalaking puwersa sa paggawa na umabot na sa 63.4 milyon, umaabot sa 2.7 milyon ang walang trabaho, samantalang nasa 7.4 milyon ang underemployed. Unemployment and Underemployment
Ayon sa pagtataya umaabot na sa 8 milyon ang
kabuoang OFW. Dahil sa kawalan ng oportunidad at marangal na trabaho, naging patakaran na ng gobyerno ang pagluluwas ng paggawa (labor) simula dekada 70. Unemployment and Underemployment Ang trabahong nalilikha lamang sa loob ng bansa taon- taon ay nasa 687,000 ayon sa Philippine Labor Employment Plan (PLEP 2016). Hindi makasasapat kahit ikumpara sa mga bagong pasok na puwersa sa paggawa na umaabot mula sa 1.3 milyon hanggang 1.5 milyon.
Ang patuloy na paglaki ng bilang ng job-skills mismatch sa bansa
ay maituturing ng krisis batay na rin sa ulat ng DOLE (2016). Unemployment and Underemployment Self employed without any paid employee ang tumutukoy sa trabahong para-paraan o sa sinasabing vulnerable employment ng Labor Force Survey (2016 .
Unpaid family labor
Ang mga full-time mother ang gumaganap sa halos lahat ng mga gawaing-bahay tulad ng paglalaba, pamamalantsa, pagluluto at paglilinis ng bahay. Sa kasalukuyan, binago ang katawagan sa mga ganitong uri ng manggagawa upang maging katanggap-tangap sila gayundin sa mamamayan, tinatawag ito ngayong homebase enterpreneurship, small business, project contract, business outsourcing, business networking sa mga ahente ng seguro, real estate, pagtitingi ng mga sapatos na de signature, damit, food supplements, organic products, load sa cell phone. Mura at Flexible Labor
isang paraan ng mga kapitalista o
mamumuhunan upang palakihin ang kanilang kinikita at tinutubo sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mababang pagpapasahod at paglimita sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa. Pinagtibay ang Presidential Decree (PD) 442 o Labor Code bilang patakarang pinaghanguan ng flexible labor. Omnibus Investment Act of 1987 at Foreign Investment Act of 1991 na batas na nagpapatibay sa mga patakarang neo-liberal. Ang mga batas na ito na nagbigay ng buong laya sa daloy ng puhunan at kalakal sa bansa ay nagsilbing malawak na impluwensiya ng mga kapitalista upang ilipat lipat ang kanilang produksyon sa mga itinayong branch companies sa panahong may labor dispute sa kanilang itinayong kompanya. noong Marso 2, 1989 isinulong ang Labor Code - (PD 442) ni dating Pangulong Marcos na kilala ngayong RA 6715 (Herrera Law) na isinulong ni dating Senator Ernesto Herrera. Department Order No. 10 ng Department of Labor and Employment (DOLE), sa panahon ng Adminitrasyong Ramos at Department Order 18-02 ng DOLE sa panahon naman ng Administrasyong Arroyo. Department Order 10 ng DOLE
ang probisyong maaaring ipakontrata ang mga
trabahong hindi kayang gampanan ng mga regular na manggagawa; pamalit sa mga absent sa trabaho, mga gawaing nangangailangan ng espesyal na kasanayan o makinarya – ang mga ito ay gawaing ginagampanan ng mga manggagawang regular. Department Order 18-02, isinaad dito ang pagbabawal ng pagpapakontrata ng mga trabaho at gawaing makakaapekto sa mga manggagawang regular na magreresulta sa pagbabawas sa kanila at ng kanilang oras o araw ng paggawa; o kung ang pagpapakontrata ay makakaapekto sa unyon gaya ng pagbabawas ng kasapi, pagpapahina ng bargaining leverage o pagkahati ng bargaining unit. Epekto ng Kontraktuwalisasyon sa mga Manggagawa Hindi sila binabayaran ng karampatang sahod at mga benepisyong ayon sa batas na tinatamasa ng mga manggagawang regular. Naiiwasan ng mga kapitalista maging ang pagbabayad ng separation pay, SSS, PhilHealth at iba pa. Hindi nila natatamasa ang mga benepisyo ayon sa Collective Bargaining Agreement (CBA) dahil hindi sila kasama sa bargaining unit. Hindi rin sila maaaring magbuo o sumapi sa unyon dahil walang katiyakan o pansamantala lang ang kanilang security of tenure. Hindi kinikilala ng contracting company ang relasyong employee- employer sa mga manggagawang nasa empleyo ng isang ahensya. Ang Department Order 18-A ng DOLE taong 2011 ay naghayag ng patakaran ng pamahalaan laban sa pagpapakontrata. Hinigpitan ang probisyon ng pagpapakontrata, pinatingkad (highlighted) ang usapin ng karapatan ng mga manggagawang kontraktuwal (partikular na ang seguridad sa trabaho o pagka-regular), at iba pang karapatang tinatamasa ng mga regular na manggagawa.