Aral 2 (Fil-Akad)

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 20

Mapanuring

Pagbasa sa
Akademiya:
Pagbuo ng Tala-
Basa o Reader-
Response Journal
Mapanuring Pagbasa, Mapanuring Pag-iisip,
Mapanuring Mambabasa
– Isa sa hindi maiiwasang gawain sa loob ng akademiya ang pagbasa. Sa
bawat asignaturang kinukuha at pinapasukan ng mag-aaral, may mga
libro, manwal, artikulo, report, at iba ‘t ibang anyo ng sulatin at gawain
na kailangang basahin at gawin upang mapalawak at mapalalim ang
kaalaman nila sa mga konsepto, ideya, at impormasyon. Ito rin ay
upang mapunlad ang kakayahan nila sa mapanuring pag-iisip.
– Hindi ito nangangahulugang hindi nagbabasa ang mga taong nasa labas
ng akademiya. Iba-iba lamang ang mga binabasa, layunin sa pagbasa,
at paraan ng pag-alam at pag-unawa sa binabasa.
– Lilinawin dito na ang tekstong binabanggit at hindi
lamang yaong nababasa gaya ng libro, artikulo,manwal,
pamanahong papel, mapa, report, polyeto at iba pa.
– Teksto rin ang mapapanood na pangyayari, sitwasyon,
programa sa telebisyon, pelikula at pintura. Teksto rin
ang napapakinggang talumpati ng isang politiko, debate
sa telebisyon at eskuwelahan, diskusyon sa loob ng
paaralan at iba pa.
– Maraming tekstong binabasa pagdating sa kolehiyo. Ang uri,
anyo, estruktura, layunin, at pinal na output nito, gayunman,
ay nakabatay sa kurso. Narito ang ilang halimbawa:
Panitikan
– Tekstong pampanitikan (tula, dula, nobela, sanaysay,
maikling kuwento, telenobela, pelikula at iba pa)
– Artikulo ng panunuring pampanitikan
-Pamamahayag o Komunikasyong Pang-broadcast
Pamamahayag o Komunikasyong Pang-broadcast
- Artikulo sa diyaryo
- Balita, report sa radio, telebisyon, internet, tabloid
- Interbyu
- Programa
- Editoryal
- Datos sa social media
- Programa sa radyo at telebisyon
Pisika
- Resulta ng eksperimento
- Siyentipikong report
Sining
- Akdang pangsining
- Rebyu ng akdang pangsining
Antropolohiya
- Case study ng isang komunidad
- Artikulo/libro ng pag-aaral sa isang pangkat-etniko
- Interbyu sa isang komunidad
Sikolohiya
- Eksperimento sa laboratory
- Case study
- Siyentipikong report
Lingguwistika
- Analisis ng grammar ng isang wika
- Pag-aaral ng diksiyonaryo at bokabularyo ng isang wika
Estruktura sa Tekstong Akademiko
Pangkalahatang estruktura ng mga tekstong akademiko ang makikita sa mga
artikulo at sanaysay na karaniwang binabasa sa kolehiyo. Narito ang mga
elementong estruktural ng akademikong teksto.
1. Deskripsyon ng Paksa
- Kasama rito ang depinisyon, paglilinaw, at pagpapaliwanag. Karaniwan itong
makikita sa simula ng teksto.
2. Problema at Solusyon
- Dito itinutukoy sa pamamagitan ng paksang pangungusap ang pinakatema ng
teksto at ang punto ng layunin ng paksa, ang gustong patunayan, ipaggiitan,
isangguni, ilahad, at paano ito maunawaan. Dito umiikot ang pagtalakay sa
buong teksto, at iba pa.
3. Pagkakasunod-sunod o Sekwensiya ng mga Ideya
Maaari itong kronolohikal (paahhon) o heirarkikal (ideya)
4. Sanhi at Bunga
Nagagamit ito para pagbatayan ang mga ebidensiya at katuwiran sa
teksto.
5.Pagkokompara
Kaugnay ito ng pagkakapareho at/o pagkakaiba ng mga datos upang
patibayan ang katuwiran.
6. Aplikasyon
Iniuugnay nito ang paksa at ang ideya sa tunay na nagaganap sa buhay.
May mga partikular namang estruktura ang tekstong akademiko,
depende sa layunin nito. Narito ang tatlo:
1. Estruktura ng Tesis:
2. Kaugnay ito ng mga tekstong nangangatuwiran o may pinapatunayan.
Narito ang dayagram:
Introduksiyon
Paksang Pangungusap

Katawan
Paksang Talata
Mga Detalye
Argumento
Katuwiran
Paksang Pangungusap
Mga Detalyeng
Pangungusap
Kongklusyon
Argumentong Kongklusyon

2. Estrukturang Problema-Solusyon
Tinatalakay nito ang mgaproblema o isyu at posibleng solusyon
Introduksiyon
Pahayag ng Problema
at/o Solusyon

Katawan
Mga Detalye
Mga Ebidensiya
Mga Katuwiran
Mga Posibleng Solusyon
Kongklusyon
Resolusyon/Mungkahi
ng Solusyon o Kawalan
ng Solusyon
3. Estrukturang Factual Report
Walang pinapanigang isyu o katuwiran ito. Isa lang itong ulat.

Introduksiyon
Pangunahing Paksa

Katawan
Mga Detalye
Mga Paliwanag

Kongklusyon
Pangkalahatang Buod
Mapanuring Pagbasa: Mga Estratehiya
Ang tekstong akademiko ay nangangailangan ng maingat, aktibo, replektibo,
mapamaraang pagbasa.
1. Maingay dahil kailangang ususain , busisiin ang mga ebidensiya, at suriin
kung gaano kalohikal ang teksto at hindi batay sa haka-haka lamang.
2. Aktibo dahil habang nagbabasa ay may pagtatala at anotasyong ginagawa
ang mambabasa upang maging malinaw ang ipinahahayag ng teksto.
3. Replektibo dahil nabibigyang katibayan o patunay ang nabasa kaugnay ng
mga kaalaman at sariling karanasan ng mambabasa.
4. Maparaan dahil maaaring gumamit ng ilang estratehiya upang
maunawaang Mabuti ang teksto.
Ilan sa mga ito ang pre-viewing o pre-reading , skimming, at brainstorming.
Pre-viewing o Pre-reading (Bago Bumasa)
-Bubusisiin muna ang isinulat at huling bahagi ng artikulo. Kung libro, puwedeng
tingnan ang pabalat, ang likod ng pabalat na kung minsa’y may paliwanag ang may-
akda tungkol sa libro o kaya’y mga pahayag ng ilang personalidad tungkol dito.
Skimming
-Hindi babasahin ang kabuuan ng teksto sa prosesong ito ngunit titingnan ang mga
pangunahing bahagi upang magkaroon ng pangkalahatang kaalaman sa tekstong
binasa.
Brainstorming
- Ito ang talakayan ng grupo upang makapagbigay ng input ang bawat miyembro at
magkaroon ng pangkalahatang kaalaman sa tekstong binasa.
Metakognitibong Pagbasa Tungo sa Mapanuring Pagbasa at
Mambabasa

Tatlong teorya, pananaw, o kalakaran ang umiiral sa larangan ng literasi o pagkatuto


kaugnay ng pagbasa.
Ang una ay ang tradisyunal na pananaw, kung saan matatagpuan na sa teksto ang
lahat ng ideya,impormasyon, at kahulugan para sa mambabasa.
Ang pangalawa ay ang pananaw na kognitibo, kung saan may interaksiyon ang
mambabasa sa teksto. Bumubuo rin siya ng hipotesis o haka-haka, tinatanggap o hindi
tinatanggap ang mga ideya o pahayag sa teksto, nagbibigay-interpretasyon sa mga
datos at iba pa.
Ang pangatlo ay ang metakognitibong pananaw (Klein et.al. 2004). Pangunahing
katangian nito ang pag-iisip kung ano ang ginagawa habang nagbabasa.
Proseso ng Metakognitibong Pagbasa
Bago basahin ang teksto:
1. Estratehiya- Tiyakin ang layunin o dahilan kung bakit mo binabasa o gusting
basahin ng teksto.
2. Hanapin o tukuyin ang paksang pangungusap- Ito ang pangungusap sa loob
ng teksto—kadalasa’y nasa unang talata o introduksiyon-na tinutukoy sa
paksa o gusting patunayan kaugnayn ng paksa.
3. Linawin, bigyang-tuon, at balik-balikan ang layunin ng may-akda habang
binabasa ang teksto.
4. Piliin, busisiin, at basahing mabuti ang detalye at ebidensiya.
5. Suriin ang paraan ng pagkakasulat.
6. Alamin ang gamit ng wika
7. Gumawa ng tuloy-tuloy na mga prediksiyon kung ano
ang susunod na mangyayari batay sa integrasyon ng mga
datos, teksto, salitang alam mo bilang mambabasa.
8. Pagsikapang gawan ng buod ang binasang teksto.
9. Gumawa ng ebalwasyon o kongklusyon batay sa mga
tinukoy sa teksto, sariling opinyon, karanasan, datos,
impormasyon mula sa labas ng teksto. (halimbawa: media,
pamilya, komunidad, bansa, daigdig, libro, at iba pa.)
Mapanuring Mambabasa
– Sa kabuuan, anomang uri ng teksto at tinatalakay nito, ang
mambabasa pa rin ang gagawa ng pagsusuri at pagdedesisyon
kung ito ay mahalaga, makabuluhan, may ibubuga, kapani-
paniwala, kasiya-siya, , dapat basahin at balik-balikan, dapat pag-
aralan nang malaliman, o ang kabaligtaran nito. Gayunman,
mahalagang basahin ang teksto sa sarili nitong merito. Ang mga
dating kaalaman, karanasan, nabsa, napanood, napakinggan,at
iba pa ay gamiting gabay lang upang unawain ang teksto.
Tandaan, hindi kinakailangan at huwag ipilit ang sariling opinyon
at paniniwala sa teksto.
Thank you and
God bless!

You might also like