Modyul 3 Maka-Pilipinong Pananaliksik

You might also like

Download as ppt, pdf, or txt
Download as ppt, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Mga Batayang Konsepto

ng Maka-Pilipinong
Pananaliksik
FIL 1: MODYUL 3
MAKA-PILIPINONG
PANANALIKSIK
• Ang pananaliksik ay isang unibersal na
gawain.
• Hindi ito nasasagkaan ng wika at mga
heograpikal at pisikal na hangganan ng mga
kultura at mga bansa.
MAKA-PILIPINONG
PANANALIKSIK
• Ito ay isang uri ng pananaliksik na kumikiling
sa konteksto ng kulturang Pilipino.

• Paggamit ng mga instrumento ng


pananaliksik na hindi kinopya mula sa mga
dayuhan at ilapat sa mga Pilipino na tanging
binibigyan ng pansin ang natatanging
katangian ng mga Pilipino.
MGA BATAYAN SA MAKA-
PILIPINONG
PANANALIKSIK
1. PAKSA
•Ito ay dapat na mauugnay sa tiyak na
suliranin ng bayan.
•Mahalagang paksain ang mga konsepto na
magbubunga ng ambag sa mas malalim na
pag-unawa sa kalagayan at patutunguhan ng
mga Pilipino.
MGA BATAYAN SA MAKA-
PILIPINONG
PANANALIKSIK
2. PAMAMARAAN
•Ito ay natatanging paraan ng pananaliksik na
nakabatay sa ating kultura at kasaysayan.
•Ayon sa Sikolohiyang Pilipino, mahalagang
tingnan ang konsepto ng “kapwa” sa
pagtitimbang ng mga datos.
nayan

MGA BATAYAN SA MAKA-


PILIPINONG
PANANALIKSIK
• Pagkilala at paggalang sa paraan ng
komunikasyon ng mga Pilipino upang
matiyak ang palagayang-loob sa pagitan ng
mananaliksik at metodo.
• Sinusuri kung ang mga metodo ay angkop sa
kilos at gawi ng mga Pilipino (maka-kapwang
ugnayan).
MGA BATAYAN SA MAKA-
PILIPINONG
PANANALIKSIK
3. PANANAW
•Kailangang isaalang-alang ang kultura ng
bayan at kanyang kasaysayan sa pagsusuri ng
mga impormasyon at sa pagbibigay ng
rekomendasyon.
•Maka-Pilipino ang pananaliksik kung may
matalas na pag-unawa sa kulturang Pilipino.
MGA BATAYAN SA MAKA-
PILIPINONG
PANANALIKSIK
4. MANANALIKSIK
•Tungkulin ng isang Pilipinong mananaliksik na
makapag-ambag sa pagtugon sa mga suliranin
ng kapwa Pilipino.
•Kailangan niyang pag-aralan nang mabuti ang
kasaysayan, kultura, at wikang Filipino.
MGA BATAYAN SA MAKA-
PILIPINONG
PANANALIKSIK
5. TAGATANGGAP NG PANANALIKSIK
•Nagiging makabuluhan ang pananaliksik kung
tumutugon sa pangangailangan ng bayan.
•Kaya, kailangang maunawaan ng
mananaliksik ang kalagayan ng higit na
nakararaming mamamayan upang matiyak na
sila ay makikinabang sa isang pag-aaral.
MGA BATAYAN SA MAKA-
PILIPINONG
PANANALIKSIK
6. WIKA NG PANANALIKSIK
•Ang wika ay nagdadala ng kultura at ang
kultura ay ipinahahayag ng wika.
•Tulad ng tinalakay sa pantayong pananaw,
ang wikang Filipino ang wikang higit na
nauunawaan ng nakararami.

You might also like