Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

URI NG TULA

APAT NA URI NG TULA


• TULANG LIRIKO O PANDAMDAMIN
• TULANG PASALAYSAY
• TULANG DULA
• TULANG PATNIGAN
1. TULANG LIRIKO O PANDAMDAMIN
Ang Tulang Pandamdamin o Liriko ay mga tulang
nagpapahayag ng damdaming pansarili o ng kaya ng
ibang tao. Maaari rin itong likha ng imahinasyon ng
makata at karaniwan itong maikli at madaling
maunawaan.

Mga Uri ng Tulang Padamdamin o Liriko:


• Awit - Ito ay madamdamin, na ang karaniwang
paksa ay tungkol sa pag-ibig, pangamba,
kalungkutan, pag-asa, at iba pa.
• Oda - Nagpapahayag ito ng isang papuri, ng isang
panaghoy o iba pang masiglang damdamin.
• Soneto - Ito ay tulang may 14 na taludtod. Nagtataglay
ito ng damdamin at kaisipan at may malinaw na
kabatiran sa likas na pagkatao na naghahatid ng aral sa
mambabasa.
• Pastoral - Naglalarawan ito ng buhay sa bukid.
• Elehiya
- Nagpapahayag ito ng damdamin tungkol sa
kamatayan o tula ng pananangis sa paggunita ng isang
yumao.
• Dalit
- Ito ay awit na pumupuri sa Diyos o sa Mahal na
Birhen.
2. TULANG PASALAYSAY

• Ito naman ay nakatuon sa pagkukuwento o


pagpapakita ng balangkas ng isang pangyayari.
Walang bilang ng taludtod, saknong, o pantig
ang tulang pasalaysay.
• Maaari itong mga akdang mahaba o maikli na
nagbibigay ng simple o komplikadong mga
pangyayari tulad ng daloy ng buhay pag-ibig o
pakikipagsapalaran ng isang tao o bayani.
• Mayroong dalawang uri ng tulang pasalaysay: ito
ang epiko at awit o korido.
• Epiko
• Ito ay isang napakahabang tula, isang uri ng kuwento
tulad ng mga nobela, na nakasulat nang patula.
Karaniwang ang bida o pangunahing tauhan sa epiko ay
isang bayani o mahalagang tao sa isang lipunan.
Mahalagang bahagi ng isang bansa, pangkat etniko, o
lipunan ang epiko. Binibigyang halaga rin ng mga tao sa
isang lipunan o pangkat ang pangunahing tauhan sa
isang epiko.
• Awit o korido
• Ito naman ay karaniwang may walong sukat o kung
minsan ay hindi sinusunod. Ito ay karaniwang ginagawa
sa ibang bansa tulad ng Europa, Espanya, Gresya, at
Pransya.
Ang ballad ay tulang inaawit habang may nagsasayaw.
Ginawa ito noong matagal nang panahon. Mayroon itong anim
hanggang walong pantig. Isang halimbawa nito ay balitaw.
Ang balitaw ay debateng awit at sayaw tungkol sa
pagmamahalan ng isang babae at isang lalaki.
3.Tulang Patnigan (Joustic Poetry)
Ito naman ay isang uri ng tula na nakatuon sa
pagbibigay ng damdamin habang mayroong
kapalitan ng opinyon o kuro-kuro. Karaniwang
tinitignan ito bilang isang tulang nasa anyong
padebate o pagtatalo. Ang kaibahan lamang nito sa
karaniwang debate ay gumagamit pa rin ito ng
tugma, ritmo, at taludturan.

Mayroong apat na uri ng tulang patnigan ang


kinikilala: ang Balagtasan, Karagatan, Duplo, at ang
kontemporaryong FlipTop Battle o Battle Rap.3
• Balagtasan
• Ito ay ipinangalan kay Franciso ‘Balagtas’
Baltazar. Ito ay isang uri ng pagtatalo ng
dalawa o tatlong manunula sa iisang paksa.
Magsasalitan ng pagsagot ang bawat panig na
pinagigitnaan ng isang lakandula o lakambini.
• Karagatan
• Ito ay isang uri naman ng paligsahan sa
pagtutula. Kilala rin ito sa tawag na libangang
tanghalan. Nagmumula sa isang alamat ang
paksa ng tula.
Duplo
Ito ay isa namang paligsahan sa pangangatwiran sa anyong
patula. Hango ito sa Bibliya na binubuo ng mga mahahalagang
salita at kasabihan.

Fliptop o Battle Rap


Isang modernong uri ng Balagtasan ang FlipTop kung saan
nagsasagutan din ang dalawang panig patungkol sa isang paksa.
Kailangan din itong may tugma na binibigkas lamang nang mas
mabilis.
4.Ang tulang dula o pantanghalan 
1. Komedya – ang layunin nito ay gawing kawili-wili ang panonood
sa pamamagitan ng mga ginagawa ng pangunahing tauhan. Ang
wakas nito ay masaya. Ang kaguluhan sa bandang simula ay
naaayos. Angpagkakasundosundo ng mga tauhan ang
nakapagpapasaya sa mgananonood. Isang halimbawa ng komedya
na isinulat ni Juan Crisostomo Soto (o Crissot), na tinaguriang
“Ama ng Panitikang Kapampangan” ay ang komedyang Kiki-Riki,
isang komedyang nakasulat sa Kapampangan at may isang yugto.

2. Melodrama – ginagamit ang tulang ito sa mga dulang musikal.


Isang halimbawa nito ang Sarimanok na isinulat ni Steven Prince
“Patrick” C. Fernandez.
3. Trahedya – nauuwi ang dulang ito sa malagim o malungkot
na wakas. Isang halimbawa ng trahedya ay Ang Trahedya sa
Balay ni Kadil na isinulat ni Don Pagusara.

4. Parsa – ang parsa ay nakapagpapasiya sa mga nanonood


dahil sa mga dugtong-dugtong na mga pangyayaring
nakatatawa.

5. Saynete – ang dulang ito ay tungkol sa mga lugar o pag-


uugali ng mga tao.
MARAMING
SALAMAT!

You might also like