Professional Documents
Culture Documents
Aralin 6 Pagsulat NG Replektibong Sanaysay
Aralin 6 Pagsulat NG Replektibong Sanaysay
Aralin 6 Pagsulat NG Replektibong Sanaysay
Pagsulat ng replektibong
sanaysay
(Sining ng paglalahad)
Ang Sining ng Paglalahad
1. Nagsasalaysay
2. Naglalarawan
3. Mapag-isip o di Praktikal
4. Kritikal o Mapanuri
5. Didaktiko o Nangangaral
6. Nagpapaalala
7. Editoryal
8. Makasiyentipiko
9. Sosyopolitikal
10. Sanaysay na Pangkalikasan
11. Sanaysay na Bumabanglas sa isang tauhan
12. Mapagdili-dili o Replektibo
REPLEKTIBONG
SANAYSAY
Ang replektibong sanaysay, ayon kay Michael Startford, isang
guro at manunulat, ay isa sa mga tiyak, na uri ng sanaysay na
may kinalaman sa introspeksyon na pagsasanay.
Kinapapalooban ito ng mga pagbabahagi ng mga bagay na
naiisip, nararmdaman, pananaw, damdamin hinggil sa isang
paksa at kung paano ito nakalkha ng epekto sa taong
sumusulat nito. Maihahalintulad ito sa pagsulat ng isang
journal kung saan nangangailangan ito ng pagtalata ng mga
kaisipan at nraramdaman tungkol sa isang tiyak na paksa o
pangyayari
Maiuugnay rin ito sa pagsulat ng maga academic
portfolio kung saan nagkakaroon ng malalim na
pagsusuri ang may akda kung paano sya uunlad
bilang tao kaugnay ng paksao pangyayaring
binibigyamn ng pansin sa pagsusulat. Ang
replektibong sanaysay ay kadalasang nakabataysa
karanasan kay mula sa nilalaman nito ay
masasalamin ang pagkatao ng sumulat.
Ayon kay Kori Morgan, guro mula mula sa West
Virginai University at University of Akron, ang
replektibong sanaysay ay nagpapakita ng personal na
paglago ng isang tao mula sa isang mahalagang
karanasan o pangyayari. Ibinabahagi nito sa mga
mambabasa ang kalakasan at kahinaan ng sumulat
batay sa mga karanasang natutunan o nakuha
Madalas ibinabahagi rin ng sumulat ang kanyang mga
natutunan o kung paano ito gagamitinsa buhay ang
hinaharap o kaya naman ay kung paano paunlarin ang
mga kahinaan hinggil sa isang tiyak na aspekto ng buhay.
Dahil ito ay kadalasang nakabatay sa personal na
karanasan, malayang makapipili ng paksa o pangyayaring
bibigyang pansin sa pagsulat ang manunulat. Narito ang
mga halimbawa ng mga paksang maaring gawan ng
replektibong sanaysay:
–Librong kakatapos lang basahin
–Katatapos na poryekto hinggil sa
pananaliksik
–Pagsali sa isang pansibikong gawain
–Praktikum tungkol sa isang kurso
–Paglalakbay sa isang tiyak na lugar
– Isyu tungkol sa pagkagumon sa ipinagbabawal
na gamut
– Isyu tungkol sa mga mga pinag-aawayang sa
West Philippines Sea
– Paglulutas sa isang mabigat na suliranin
– Isang natatanging karanasan bilang mag-aaral
– At marami pang iba
Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat
ng Replektibong Sanaysay
1) Magkaroon ng isang tiyak na paksa o tesis na iikutan ng
nilalaman ng sanaysay.
introduksiyon,katawan, at kongklusyon
Introduksyon
Katawan at Wakas o kongklusyon
Sa pagsulat ng simula, maaring mag-umpisa sa pagsagot
sa sumusunod na mga tanong: Ano ang aking
nararamdaman o pananaw tungkol sa paksa? Paano ito
makakaapekto sa aking buhay? Bakit hindi ito
makaaapekto sa aking pagkatao? Matapos na maisagot
ang mga tanong na ito, lagumin ang iyong mg sagot sa
loob ng isang pangungusap. Ito ang iyong magsisilbing
tesis o pangunahing kaisipang syang magiging gabay o
batayan sa pagsulat ng iyong replektibong sanaysay.
PAGSULAT NG SIMULA
tandaang ito ay dapat na makapupukaw sa atensyon ng mga
mambabasa. Maaaring gumamit ng iba’t ibang paraan ng pagsulat ng
mahusay na panimula. Maaaring gumamit ng kilalang pahayag mulas
sa isang tao o quotation, tanong, anecdata, karanasan at iba pa.
PAGSULAT NG KATAWAN
dito inilalahad ang mga pantulong o kaugnay na kaisipan tungkol sa
paksa o tesis na inilalahad sa panimula.
PAGSULAT NG WAKAS O KONGKLUSYON
muling banggitin ang tesis o ang pangunahing paksa ng sanaysay.
Lagumin ito sa pamamagitan ng pagbanggit kung paano mo magagmit ng
iyong mga natutuhan sa buhay sa hinaharap. Bilang pag wawakas
maaaring mag bigay ng hamon sa mga mambabasa na sila man ay mag
nilay sa kanilang buhay hinggil sa iyong natutuhan o kaya naman ay mag
iwan ng tanong na maari nilang pagisipan. Tandaang ang Replektibong
sanaysay ay isang personal na pagtataya tungkol sa isang paksang
maaaring makapag dulot ng epekto o hindi sa iyong buhay o sa mga
taong makakabasa nito.