ESP6

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

SASABIHIN KO ANG

TAMA AT KUNG ANO


ANG TOTOO:
PAGMAMAHAL SA
KATOTOHANAN
ANG
KATOTOHANAN
ANG MAGPAPALAYA
SA IYO.
Ayon sa Merriam-Webster, ang
katotohanan ay katapatan sa
gawa, sa pagkatao at sa sinasabi.
Kapag matapat ka sa iyong
ginagawa o sinasabi, nakakamit
mo ang tiwala ng tao.
Kung naniniwala sila sa iyo,
pakikinggan nila ang sasabihin mo.
Sa kabilang banda, kung
nagsisinungaling ka at itinatago mo
ang katotohanan pagdududahan at
paghihinalaan ka.
Halimbawa: May nasaksihan kang isang insedente ng
pambubulyaw o pananakot, at nagdalawang isip ka
kung isusuplong mo ito sa mga awtoridad. Alam mo sa
puso mo na masama at nakasasakit ang pambubulyaw o
pananakot, ngunit nag-alangan kang sabihin ang totoo.
Sa pagsasabi ng totoo, may nadarama kang pangamba.
Maaari kang itakwil ng mga kaibigan mo. Ang
pagsasabi ng totoo ay hindi madali ngunit ito ang
nararapat na gawin. Kapag hindi ka nagsabi ng totoo,
masasaktan mo ang iba, masisira ang kanilang
reputasyon, at maaapektuhan ang kanilang kalooban.
May mga pagkakataong nabibilanggo
ang walang kasalanan dahil hindi
nagsabi ng totoo ang testigo.
 Nasasaktan ang mga mag-aaral na

nagiging biktima ng
 kasinungalingan ng
 kanilang mga
 kamag-aral.
Nagkakahiwalay ang
mag-asawa sapagkat
hindi tapat ang isa sa
kanila.
Natatanggal sa trabaho ang
mga matatapat at masisipag na
tao dahil sa inggit at
kasakiman ng mga taong
nagmamaniobra ng
katotohanan.
Mga halimbawa ng pagsasabi ng tama at
totoo:
1. Nakita mo na inaaway ng kaibigan mo na
si Elsa ang isa mong kaklase. Nagalit ang
ina ng iyong kaklase at tinanong ka kung
ano ang nangyari. Napaisip ka, at sinabi mo
ito. Nagawa mo na sabihin ang totoo at sa
paraang ito naging matapat ka. Ang
pagsasabi ng totoo ay isang magandang asal
na kailangan mong pahalagahan.
2. Kumuha ka ng pagkain na
hindi sa iyo. Pero
nakonsensiya ka at sinabi mo
din ito sa may-ari dahil alam
mo na may pagkakamali ka
at nagawa mong itama ang
iyong pagkakamali.
Mahalin ang pamilya, kamag-aral,mga
kaibigan, katrabaho, at kapwa.

You might also like