Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

P

PANAHON NG
IKAAPAT NA
REPUBLIKA
(1986
HANGGANG SA
K A S A L U K U YA N
K A L I G I R A N G P A N G K A S AY S A Y A N
• Ang tagumpay ng tinatawag ngayong EDSA Revolution
ay hindi lamang nakapagpatalsik sa dating diktaturya ngunit
nakapaghandog pa diumano ng panibagong pag-asa sa
bansang nakabaon sa utang at naging tampulan din ito ng
mga kilusang makabayan sa iba’t ibang dako ng daigdig.
Nakilala ang unang babaeng president ng bansa at
tinagurian ng mga titulong nakapagpatanghal sa pangalan
ng Pilipinas sa buong mundo sa interes ng pandaigdigang
relasyong pandiplomatiko.
• Bagamat umani ng parangal ang administrasyong Aquino sa
mata ng mundo habang sunud-sunod ang pagpapatibay nito
sa pamamagitan ng pagratipika ng Konstitusyon noong
Pebrero, 1987, halalang Kongreso sa Mayo, pagsasaayos ng
Gabinete sa Hunyo ng nasabing taon, hindi nakaiwas ang
bagong tatag na Republika sa manaka-nakang kudeta ng mga
sundalo, korapsyon, katiwalian ng mga opisyal ng gobyerno,
dumami ang mga suliraning panlipunan.
Bagamat maraming mga pagsubok na kinaharap ang
administrasyon, isang nakalulugod na kaganapan ang pagtamo ng
karangalan ng ilang kababayan sa larangan ng sining at kultura
mula sa mga malawakang patimpalak sa labas ng bansa. Ang
pagwawagi ni Lea Salonga ng tig-isang tropeo sa Lawrence
Olivier Awards sa London at sa Tony Awards sa Hollywood.
Pinanabikan ng buong bansa ang anumang balita tungkol sa
Pilipinang bida ng “Miss Saigon.”At dahil maraming kapwa Pilipino
ang bumubuo ng cast ng dulang musical, nagsilbing pumukaw
interes ito sa teatro sa bansa.
• Sa pagpapatibay ng Filipino bilang wikang pambansa na
nakaukit sa bagong Konstitusyon ng ikaapat na Republika, mas
nabigyang halaga ang sariling wika. Lumitaw ang mga pahayagan,
magasin, balita at palabas sa telebisyon na nasa wikang Filipino.
Mataas ang ratings ng mga palabas na gumagamit ng wikang
pambansa tulad ng TV Patrol, Tele-Aralan, Batibot at Mel and Jay.
Patunay ito na higit na nauunawaan at naihahatid ang mga
nagbabagang isyu ng kasalukuyan at mga mayayamang palaisipan
sa mas maraming manonood na karaniwa’y mga karaniwang
kawani, manggagawa o simpleng taong bahay lamang.
• Nagsulputan ang maraming publikasyon, organisasyon, palabas
at pelikula.Ito ay pagpapatunay ng kalayaan sa pamamahayag (ng
magkakasalungat man na saloobin) ay manipestasyon ng
democratic space ng administrasyon. Kasabay ng pagpapaunlad
ng isang demokratikong kairalan ang manaka-nakang insidenteng
pagpaslang sa mga alagad ng pamamahayag – manunulat,
komentarista sa radio, reporter sa telebisyon at pahayagan,
manggagawang pangkultura.
PA N I T I K A N - PA N U L A A N
Pinakapayak man sa anyo ng pahayag ang mga tulang
naisulat mula 1986 hanggang sa kasalukuyan ay
nakapaglalarawan ng kabuuang siste ng panahong
kinapapalooban. Ang tula ni Teo Antonio na may pamagat
na “Panahon ng Pagpuksa Atbp. Pakikidigma” ay
pagbibigay-pugay sa ilang mamamahayag na pinaslang sa
panunungkulang demokratiko.
• Nagwagi ng unang gantimpala sa Palanca noong 1986 ang tulang ito at
naging kasama sa kalipunan ng kanyang mga tula, “Taga sa Bato: Mga
Piling Tula” (1973-1988) na inilunsad ng Ateneo Press ng taong 1981.
Ang mga tula nina Ruth Elynia Mabanglo at Joi Barrios, pawang mga
nanalong lahok sa taunang patimpalak ng Palanca at Talaang Ginto ay
pagpapahalaga sa katayuan ng babae sa lipunan at pag-aaral sa usapin
ng kababaihan.
Sa “Mga Liham ni Pinay at Iba Pang Tula” ni Mabanglo (unang
gantimpala sa Palanca, 1987), kinuwestiyon ng makata ang
magkaibang mundo ng mag-asawa tuwing umaga.
Iyon at iyon din ang lalaking umuupo sa kabisera
Nagbabasa ng diyaryo uma-umaga,
Naghihintay siya ng kape at naninigarilyo
Habang kagkag ako sa pagitan ng kuna at libro
Nagpapahid ng lipstick at nagpapatulo ng gripo.
Aklatan ng Carlos Palanca,
Legaspi Village, Makati
Si Ariel Valerio ang itinanghal na makata ng taong 1990 sa kanyang
tulang “Babaylan,” isang matalas na pagpuna at pagtatasa ng mga
panlipunang pangyayari sa ilalim ng pamamahala sa ilalim ng isang
babaeng pangulo.
May lumabas na kalipunan ng mga tula noong 1990 na pinamatnugutan
ng isa sa mga beteranong makata na si Rio Alma, pinamagatang
“Parikala: Mga Bagong Tula, Mga Bagong Makata.” Inilimbag ito ng
Kalikasan Press na kilala na sa pagsuporta sa mga bagong manunulat.
MAIKLING KUWENTO
• Nasa antas pa lamang ng panibagong pagpapakilala at pagpapaunlad ang wikang
Filipino noong mga unang taon ng 1980. Kaakibat ng pagpapayaman at
pagpapalawak ng talasalitaan ng ngayo’y isinabatas na wikang pambansa ang pag-
aangkat ng salitang banyaga bagamat pinanatili ang tradisyunal na pagbabaybay. Ang
“Syeyring” (mula sa Ingles na sharing) ni Jun Cruz Reyes na nagwagi ng unang
gantimpala sa Palanca ng taong 1986 ay hindi lamang sumasalamin sa pag-aangkop
ng salitang Ingles sa konteksto ng paggamit ng wikang Filipino kundi kuwento rin ng
pag-aangkop ng isang aktibista sa kanyang pakikipamuhay sa mga sundalong
rebolusyonaryo sa isang bundok sa Kabisayaan.
• Obhetibong nailarawan ng “Sugat sa Dagat” ni Cyrus Borja (unang gantimpala sa
Palanca, 1988) ang marahas at mapanganib na kondisyon ng mga busero sa gitna ng
dagat. Nabigyang pansin ni Borja ang salat at mapang-abusong katayuan ng isang
marhinalisadong sector ng mga manggagawa.
Tulad sa “Sugat sa Dagat” ni Borja, ang “Minero” ni Noel Salonga na unang gantimpala
sa Palanca sa sumunod na taon ay nagbibigay-halaga rin sa isang uri ng gawaing
mapanganib. Ang ganitong tema ay nakakapagpalawak ng kaalaman ng mambabasa
tungkol sa mga naiibang hanapbuhay ng mga manggagawa’t mangingisda.
Taong 1991, isa sa mga hinalal na mahusay na kuwento ng Palanca ang “Isang Hindi
Malilimutang Tanghali sa Buhay ng mga Ginoo’t Ginang ng Bitukang Manok” ni Fernando
Cao na tumalakay sa magkaibang pananaw ukol sa dalawang matingkad na element ng
EDSA – relihiyon at pulitika.
D U L A AT D U L A A N
• Ang dula marahil ang pinakamasigla nang panahon na yaon. Patunay rito ang
mga kabi-kabila at sunud-sunod na pagtatanghal sa mga unibersidad, Tanghalang
CCP, Rajah Sulayman, Metropolitan Theater at sa iba pang bulwagan. Bagamat
mabili pa rin ang mga datihan na pagsasadula muli ng “Moises, Moises” ni Rogelio
Sicat at ang isang pelikulang isinadula, ang “Minsa’y Isang Gamu-Gamo ni Nora
Aunor, walang patid ang pagsusulat ng mga bagong dula. Balon diumano ng
inspirasyon ang maipagmamalaking kakayahan ng mga Pilipinong artista ng
entablado sa “Miss Saigon” na tinampukan naman ni Lea Salonga.
Maraming dula ang naipalabas na tumatalakay sa iba’t
ibang paksa at larawan ng buhay. Nakapaglabas si Ruth
Elynia Mabanglo ng kanyang koleksyon ng mga dula, may
pamagat na “Mga Abong Pangarap at Iba Pang Dula.”
Inilimbag ng Kalikasan Press ng 1991. Ang “Tatlo sa
Tanghalan” nina Rogelio Sikat, Nikolas Pichay at Chris
Martinez ay inilimbag din ng 1991.
S A N AY S AY
• Marami sa mga nagwaging sanaysay mula 1986 hanggang sa kasalukuyan ay
pagsusuri sa mga akda ng mga kilala kundi man higanteng persona sa larangan ng
panitikan. Halimbawa nito ay ang sanaysay ni Rogelio Mangahas, pinamagatang “Si
Edgardo M. Reyes: Ang Manunulat, Kanyang Akda at Panahon” (unang gantimpala sa
Palanca, 1986).
• Marami sa mga sanaysay nitong mga huling taon (nagwagi man at hindi) ay
kapuna-punang naisulat ng mga batang manunuri. Nakalulugod itong pangyayari
upang higit na maipabatid sa madla sa pamamagitan ng magkakaibang pananaw
ng mga beterano at bagong dugong mga manunuri.
• Pinagkunan:
• Casanova, A.P., Rubin, L.T., Lagrada, H.D. & Vidanes, A.B.
(2001).Panitikang Pilipino. Manila: Rex Printing Company

You might also like