Garcia at Diosdado

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 28

ANG

PAMAMAHALA NI
CARLOS P.
GARCIA
C I A
A R
P. G
O S
R L
CA
PAMAHALALAANG CARLOS P GARCIA

Inilunsad ni Garcia ang patakarang “Pilipino Muna” at ang


programa sa pagtitipid ng mga mamamayan. Ipinaliwanag niya
na ang ibig sabihin ng pagtitipid ay katamtamang paggasta.
Nangangailangan ito ng ibayong paggawa, higit na pagtitipid,
kapaki-pakinabang na pamumuhunan, at katapatan sa tungkulin.
Sa pagpapatupad ni Garcia ng kanyang patakarang “Pilipino
Muna,” binigyang-diin ang pagbibigay sa mga Pilipino ng
karapatan at pagkakataong unahing mapaunlad ang kanilang
kabuhayan bago ang ibang bansa. Karapatan ng mga Pilipino na
makinabang sa ating likas na kayamanan bago ang mga dayuhan
Hindi nagustuhan ng mga mangangalakal na banyaga tulad ng
mga Amerikano at Tsino ang patakarang “Pilipino Muna.” Subalit ito
ang kailangan upang mabigyan ng katiwasayan sa pangangalakal ang
mga Pilipino
Tinutulan ni Garcia ang malayang pangangalakal sa bansa dahil sa
mangangahulugan ito ng pagkontrol ng mga dayuhan sa kabuhayan
ng bansa. Tinutulan niya ang mga bagay na panluho na nagbubuhat
sa ibang bansa. Labag ito sa pagtitipid bukod sa uubos pa ng
pananalapi ng bayan na dapat iukol sa mga bagay na makadragdag
sa kita ng pamahalaan.
Ang patakaran ni Garcia na “Pilipino
Muna” at “Asya para sa mga Asyano” ang
naging simula ng pagiging di- gaanong
palaasa ng mga Pilipino sa Estados Unidos.
Binigyang-halaga niya ang pakiki-isa sa
mga kalapit-bansa sa larangan ng
kabuhayan at kultura.
MGA LAYUNIN NI CARLOS GARCIA

• Maiangat ang kalagayang pangkabuhayan ng


Pilipinas sa pamamagitan ng Filipino First Policy o
Pilipino Muna.
• Maitaguyod ang dignidad ng mga Pilipino sa
pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga dayuhan
hinggil sa usapin ng pagkakapantay-pantay.
• Matamo ang pagkakapantay-pantay ng
kabuhayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng
patas na pagpapahalaga sa agrikultura at
industriya.

• Maitaguyod ang pangkatarungang panlipunan at


kagalingang panlahat. Mapigil, at kung maaari,
ay mawakasan ang katiwalian sa pamahalaan.
• Ipinatupad ang pagtitipid sa pag-aangkat upang maiwasan ang
paglaki ng kakulangan sa reserbang dolyar ng bansa.

• Ipinatupad ang Batas Republika Blg. 1700 o Batas Laban sa


Subersyon, na nagsasaad na illegal ang mga pangkat na
komunista tulad ng Hukbong Mapagpalayang Bayan (HMB) at
Partido Komunista ng Pilipinas (PKP).

• Ipinatupad ang mga programang pampamayanan ni Pangulong


Magsaysay sa mga baryo.
• Ipinaayos ang Sistema ng transportasyon upang
mabawasan ang pag-aangkat ng gasoline at mga
bahagi ng sasakyan.

• Pagsasaayos ng Sistema ng pagbubuwis.

• Nilagdaaan ang kasunduang Bohlen-Serrano na


nagpapaikli ng pag-upa ng Amerikano sa mga
base military mula 99 taon sa 25 taon.
Binuhay rin ni Pangulong Garcia ang kulturang
Pilipino sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga
gantimpala at parangal sa mga mahuhusay na Pilipino sa
larangan ng sining, agham, at panitikan.
Bagaman mahusay at maayos ang programa ng
pangasiwaan ni Pangulong Garcia, nagpatuloy naman ang
mga suliraning dala ng pagsilang ng Ikatlong Republika.
Ang mga ito ay ang patuloy na pagtaas ng halaga ng mga
bilihin at mga katiwalian sa pamahalaan.
MGA
PROGRAMANG
NABUO
AUSTERITY PROGRAM

Ito ang pangunahing layunin ng


kanayng panunungkulan, ang
magkaroon ng maayos at matipid
na pamumuhay ang mga Pilipino.
FILIPINO FIRST POLICY

Ito ay nagbibigay ng
priyoridad sa mga Pilipino
upang paunlarin ang
kayamanan ng bansa.
FILIPINO RETAILER’S
ACT
Isang patakarang
naglalayong magpautang sa
mga Pilipino.
Panuto: Sagutan ang mahalagang tanong. Isulat ito sa inyong kwaderno.
 
Ipaliwanag ang kahalagahan ng programang “PILIPINO MUNA” ni Pangulong
Garcia. Sa iyong pagkaunawa, makatutulong bai to sa pagbibigay solusyon
sa suliraning pangkabuhayan sa kasalukuyan?
________________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
______________________________________________________________
________________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
______________________________________________________________
 
 
 
 
Kung ikaw ay magiging pangulo ng ating bansa, anong suliranin ang iyong
bibigyang pansin?
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
 
 
 
 
DIOSDADO
MACAPAGAL
“POOR BOY FROM LUBAO”
MGA LAYUNIN NI DIOSDADO MACAPAGAL

 Bigyang solusyon ang lumalalang suliranin ng kawalan


ng hanapbuhay.
 Magkaroon ng sapat na pagkain para sa mamamayan
tulad ng palay at mais.
 Magkaroon ng higit na pagkakakitaan para sa mga
mamamayan.
 Mapataas ang antas na pamumuhay ng bawat
mamamayang Pilipino.
PAMAHALAANG DIOSDADO MACAPAGAL
Kasama sa mga unang binigyang pansin ni Pangulong Diosdado
Macapagal sa kanyang panunungkulan ang suliranin tungkol sa mga lupang
sakahan. Pinagtibay ito ng kongreso ang Agricultural Land Reform o
Reporma sa Lupang Pansakahan na naglalayong mapabuti ang katayuan
ng mga magsasaka. Ito ay inaprubahan at ipinatupad kaagad ni Pangulong
Macapagal.
Siya rin ang naglipat ng petsa ng Araw ng Kalayaan ng bansa sa Hunyo
12 sa halip na Hunyo 4. Kung ating gugunitain, ang pagpapahayag ng
pagsasarili ng Pilipinas noong Hunyo 4, 1946 ay ginawa ni Pangulong
Roosevelt. Noong Hunyo 12 naman ay ang petsa kung saan inihayag ni
Hen. Emilio Aguinaldo sa Kawit, Cavite ang kasarinlan ng Pilipinas. Para
kay Pangulong Macapagal, marapat lamang na ang Pilipino ang
magdeklara ng kanilang Kalayaan.
Pinaunlad din ni Pangulong Macapagal ang Filipino bilang
Wikang Pambansa. Ipinag-utos niya ang paggamit ng Wikang
Filipino sa mga selyo, pasaporte, alituntunin sa trapiko at mga
memo at kasulatan pang diplomatiko.
Sa administrasyon ni Pangulong Macapagal, pormal na
naghain ng pag-aangkin ang Pilipinas sa Sabah. Sagana sa likas
na yaman ang Sabah at maraming Pilipinong Muslim ang
nakatira doon. Pinamunuan din ni Pangulong Macapagal ang
pagtatatag ng MAPHILINDO o samahan ng Malaysia, Pilipinas at
Indonesia upang mapanatili ang mapayapang pag-uugnayan sa
pagitan ng tatlong bansa.
Sa administrasyon ni Pangulong Macapagal, tinanggal ang
regulasyon na kumokontrol sa palitang piso sa dolyar, o ang
Decontrol Program. Para kay Pangulong Macapagal,
magbibigay daan ang programang ito sa panunumbalik ng sigla
ng kumpetisyon at Negosyo sa Pilipinas hindi lamang sa pagitan
ng mga Pilipinong negosyante kundi maging sa mga dayuhan
din. Ngunit sa halip na makatulong sa krisis pang-ekonomiya ng
bansa hindi nakayanan ng mga Pilipinong negosyante ang
kumpetisyon. Minabuti ng maraming Pilipinong negosyante na
magsara na lamang ng kanilang pagawaan. Dito nagsimula ang
unti-unting paghina ng industriyang Pilipino.
PANGKATANG GAWAIN

kayo ay nabigyan ng pagkakataon na bumuo ng Partido


para sa darating na halalan. Bumuo ng sariling pangalan
ng inyong Partido at listahan ng inyong mga plataporma.
Gawin ito sa MSWORD at ipapasa ng lider sa google
classroom.

You might also like