Ang pelikula ay isang kuwento – may simula, gitna, at
wakas. Isulat sa rebyu ang sa tingin mong pinakamahalagang eksena sa iyo. Maaari ring ibuod ang buong kwento. Huwag lamang ibibigay ang kapana-panabik na mga eksena lalo na ang wakas ng kuwento. II. Karakter (Bida/Kontrabida)
Magkomento kung naging epektibo ba ang
karakter ng aktor/artista sa pelikula. Ihambing din ang dating pinagbidahang pelikula ng bida/artista. Naging mas maayos ba ang pagganap? Banggitin din ang ibang natatanging pagganap ng ibang karakter/artista sa pelikula. III. Lunan at Panahon (Setting)
Bigyang pansin din ang lugar na pinagdausan ng
pelikula. Angkop ba sa kuwento? Naging matipid ba o magastos sa produksyon? Naging makatotohanan ba ang depiksyon sa panahon? IV. Sinematograpiya
Ito ang sining ng pagkuha o pagrekord ng eksena gamit
ang kamera na isinasaalang-alang ang mahusay na pagpili ng lokasyon at paggamit ng ilaw. Ang magagandang lokasyon o ang mga angkop na lugar para sa mga eksena ang siya ring nagpapatingkad sa imortalidad ng pelikula. Subukang magkomento tungkol sa sinematograpiya ng pelikula. Ano-anong eksena ang tumatak sa isip mo dahil sa mahusay na paggamit ng kamera, ilaw at lokasyon? V. Iskoring ng Musika
Ang iskoring ang nilalapat na musika, instrumental man o
may liriko sa pelikula. Instrumental kung walang liriko o titik ng awitin, ginagamit ang gitara, piano o isang buong orkestra. Samantala, uso naman ngayon ang paggamit ng mga sikat na awitin bilang musika rin ng pelikula. Kadalasan ito na rin ang titulo ng pelikula o ang mang-aawit ang siya ring bida sa pelikula, tulad ni Sarah Geronimo. VI. Editing
Nangyayari ito kapag tapos na ang syuting o aktuwal na
rekording ng pelikula. Ang editor ang nagtatahi ng pagkakasunod-sunod ng eksena, kuwento at kabuuan ng pelikula. Kapag ginagawa kasi ang pelikula hindi batay sa pagkakasunod-sunod sa iskrip kundi sa maraming aspekto – badyet ng pelikula, oras ng nagsisiganap, mahihirap- madadaling eksena, at marami pang iba. VII. Kabuuang Direksyon / Kahusayan ng Direktor
Hinuhusgahan ang kabuuan ng pelikula dahil sa husay ng direktor.
Siya ang kapitan sa produksyon ng pelikula, ang utos at kumpas niya ang nasusunod sa syuting at maski sa usapin ng teknikal, iskoring, sinematograpiya at editing. Ngunit hindi niya pag-aari ang buong pelikula. Ang scriptwriter pa rin ang maestro ng naratibo at ang prodyuser ang nagmamay-ari ng buong produksyon at komersyal na aspekto ng pelikula. Ang direktor ang dakilang interpreter ng script at artistikong tagapamahala ng prodyuser. VIII. Tema
Tumutukoy ito sa pangkalahatang konsepto ng palabas at
ang inaasahang epekto nito sa manonood. Halimbawa kung ang tema ng pelikula ay tungkol sa karahasan sa kababaihan, layunin nito na pukawin ang atensyon ng madla tungkol sa isyung ito at magsilbing tulay upang makapagnilay o kumilos ang manonood. IX. Rekomendasyon
Sa kahuli-hulihan, banggitin ng tagasuri kung papasa ba
ito sa panlasa ng nakararami. Irerekomenda ba itong panoorin ng lahat? Kung hindi lahat, sino kaya ang magkakainteres sa pelikulang ito? Banggitin din ang pinakamalakas na puntos ng pelikula at ang kahinaan nito. Ano ngayon ang magiging rating mo sa pelikula? X. Repleksyon
Ilahad dito ang naging epekto sa iyo ng pelikula. Paano
makakatulong sa iyo ang pelikula? Anong damdamin ang nangibabaw sa iyo habang pinapanood ang pelikula. Ano ang iniwang marka o mensahe sa iyo ng pelikula? Anong aral sa buhay ang iyong nakita sa pelikula? Ilahad pa ang iyong personal na opinyon hinggil sa pelikula.