Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

Wastong Gamit ng

Salita
May at Mayroon

Gamitin ang may  kapag susundan ng


pangngalan ( mapaisahan o maramihan ),
pandiwa, pang-uri o pang-abay.
Halimbawa:
1. May anay sa dingding na ito.
2. May kumakatok sa pinto.
3. May dalawang araw na siyang hindi
umuuwi.
Gamitin ang mayroon kapag susundan ng
kataga, panghalip na panao o pamatlig o
pang-abay na panlunan.
Halimbawa:
1. Mayroon kaming binabalak sa sayawan.
2. Mayroon iyang malaking suliranin.
3. Mayroon kayang mangga sa palengke
ngayon?
Kapag at Kung

Ipinakikilala ng kung ang


di-katiyakan ng isang
kalagayan.
Ipinakikilala ng kapag ang
isang kalagayang tiyak.
Halimbawa:

Umuuwi siya sa probinsiya kapag araw ng


Sabado.
Hindi niya masabi kung Sabado o Linggo
ang pag-uwi niya sa probinsiya.
Mag-ingat ka naman kapag nagmamaneho
ka.
Mag-ingat ka kung ikaw ang magmamaneho
ng kotse.
Pahirin at Pahiran

Pahiran - paglalagay
Pahirin - pag-aalis
Halimbawa:
Pahirin mo ang sipon sa ilong ng iyong kapatid.
Huwag mo nang pahirin ang natirang langis sa
makina.
Pahiran mo ng mantikilya ang aking tinapay.
Aking papahiran ng pampakintab ang aking mesa.
Pinto at Pintuan

Pinto - ang inilalapat sa puwang upang hindi ito


mapagdaanan at kung ang tinutukoy ay ang
kongkretong bagay.
Pintuan - ang ginagamit kung ang tinutukoy ay
isang lugar. Ito ay ang lagusan o pasukan o ang lugar
kung saan nakalagay ang pinto kung meron man.
Halimbawa:
Sa malapit sa pintuan mo ilagay ang paso ng rosas.
Pininturahan ni Ama ang bagong gawang pinto.
Subukin at Subukan
Subukan - pagtingin nang palihim
Subukin - pagtikim at pagkilatis

Halimbawa:
Ibig kong subukan kung ano ang ginagawa
nila tuwing umaalis ako sa bahay
Subukin mo kung gaano kabilis siyang
magmakinlya.
Taga at Tiga

Walang unlaping tiga-. Taga- ang dapat


gamtin. Gumagamit lamang ng gitling kapag
sinusundan ito ng pangngalang pantangi.
Halimbawa:
Taga-Negros ang napangasawa ni Norma.
Ako ang palaging tagahugas ng pinggan sa
gabi.
Walisan at Walisin
Walisin ang isang bagay na maaring
tangayin ng walis
Walisan ang pook o lugar
Halimbawa:
Walisin mo ang mga tuyong dahon sa
bakuran.
Walisan mo ang ating bakuran. Tambak
ito ng mga tuyong dahon
Operahin at Operahan

Operahin - tiyak na bahagi ng


katawan na titistisin
Operahan - tumutukoy sa tao
Halimbawa:
Ang tumor sa dibdib ng may sakit ay
ooperahin mamaya.
Si Luis ay ooperahan sa Martes.
Kung di at Kundi

Ang kung di ay galing sa salitang “


kung hindi” o if not sa Ingles; ang
kundi naman ay except.
Halimbawa:
Aalis na sana kami kung di ka
dumating.
Walang sinuman ang pwedeng
manood kundi iyong mga may tiket
lamang.
Napatay at Namatay
Napatay -may tiyak na tao o hayop na pumaslang
ng kusa/sinasadya
Namatay -kung ang isang tao ay binawian ng
buhay sanhi ng sakit, katandaan o anumang
dahilang hindi sinasadya; ginagamit din sa
patalinghagang paraan doon sa mga bagay na
walang buhay.
Halimbawa:
Namatay ang kanyang lolo dahil sa sakit sa atay.
Napatay ang aking alagang aso
Pagsusulit:
Panuto: Tukuyin ang wastong salita upang mabuo ang
pangungusap.
1. Tayo nang (walisin,walisan) ang dumi sa sahig.
2. Bukas (walisan,walisin)mo ang hardin dahil may
panauhing darating.
3. Si Lea ang laging (taga,tiga) saing tuwing gabi.
4. (subukin,subukan) mo ang bagong labas na
mantikilyang ito.
5. Si Maria ay hahara-hara sa (pinto,pintuan) kung
kaya nabangga si Darlyn.
6. Gawa sa narra ang kanilang (pintuan,pinto).
7. Ang kanyang mata ay (ooperahin,ooperahan) bukas.
8. Nais ng doktor ni Rodora na (operahin,operahan)siya
sa lalong madaling panahon.
9. Huwag mong (pahiran,pahirin) ang dumi sa iyong
pisngi.
10. Tayo nang (pahirin,pahiran) ng floorwax ang sahig.
11. (may,mayroon)kumakanta sa labas.
12. (mayroon,may)kaming lakad mamayang hapon.
13. Pumupunta siya sa simbahan (kung,kapag) Linggo.
14. (namatay, napatay) ang aking pusa dahil nalason.
15. Pupunta na sana ako sa inyo (kung di,kundi) ka
tumawag.

You might also like