mga nakatatanda sa atin ay para sa ating ikabubuti, kaya naman ang kanilang paalala ay dapat nating isaalang – alang. Ikaw, sinusunod mob a ang mga tagubilin ng iyong mga magulang? Ikaw ba ay isang batang masunurin? Pag – aaralan mo ngayon kung ano ang kahalagahan ng pagiging masunurin sa magulang. Ano ang makikita sa larawan? Isa sa mga dahilan kung bakit nananatiling maayos ang samahan sa pamilya ay ang pagiging masunurin ng mga anak sa kanilang magulang. Ikaw, sinusunod mo ba ang mga tagubilin ng inyong mga magulang? Basahin ang maikling kuwento
David, iwasan mo Opo!
munang maglaro ngayon dahil kailangan mong mag – aral. Kailangan mong tapusin ang mga pagsasanay sa iyong Maglalaro modyul. ako pagkaalis ni Mama. Sagutin ang mga tanong nang pasalita. 1. Ano ang sinabi ng ina ni David sa kanya? 2. Sinunod kaya ni David ang bilin ng kanyang ina? 3. Ano kaya ang mangyayari kay David kung hindi nya susundin ang bilin ng kanyang ina? 4. Bakit dapat nating sundin ang bilin ng ating mga magulang?
Sagutin ang Halina’t Subukin sa pahina 186 ng iyong aklat. TANDAAN: Ang mga kaugaliang Pilipino ay hindi natin dapat kaligtaan at kalimutan bagkus dapat ito ay panatilihin. Isa sa mga magagandang kaugaliang ito ay ang pagsunod sa tagubilin ng mga nakatatanda. Ang mga tagubilin nila ay nakatutulong upang lumaki kang maayos at nang may mabuting pagkatao. Ang mga batang sumusunod sa magulang ay nagkakaroon ng magandang kinabukasan at maayos na buhay.