• Sinasabing ang panitikan ay tagapaglarawan ng realidad. Hindi ba’t ang kuwentong
isinulat ng isang kuwentista ay kumakatawan sa katotohanang kaniyang nakikita o nararanasan? Bagama’t ang kuwento ay kathang-isip lamang o bunga ng imahinasyon, lumilikha ito ng sariling daigdig na ang mga tauhan at mga pangyayari ay repleksiyon ng realidad. Nabibigyang-representasyon ang totoong buhay sa pamamagitan ng mga tauhang nag-iisip, kumikilos, at nagsasalitang gaya ng tunay na mga tao; nagaganap ang akda sa isang panahon o lugar na makikita rin sa realidad; at ang mga pangyayari sa akda ay mga pangyayaring hindi malayong maranasan din sa araw-araw. Tinatawag na verisimilitude ang katangian ng isang akda na magpamalas ng malarealidad na representasyon ng buhay. Panitikan ay tagapaglarawan ng realidad. • Ibig sabihin, ito ang kakayahan ng isang akda na ipakita o iparanas ang katotohanan sa kabila ng hindi nito pagiging totoo. Ayon kay Willian Harmon (1986) sa kaniyang aklat na A Handbook to Literature, ang verisimilitude ay ang katangian ng isang akda na magtaglay ng mga katangiang katulad ng sa tunay na buhay. • Maraming kaparaanan ang isang manunulat upang ipakita ang verisimilitude sa isang akda. Sa mga genre ng panitikan, madalas makita ang verisimilitude sa mga maikling kuwento, dula, nobela, personal na sanaysay, at iba pang akdang tuluyan dahil ang mas marami nitong salita ay nagbibigay ng higit na latitud upang makabuo ng karakterisasyon, makapaglarawan ng mga tagpuan, at makapaglahad ng mga pangyayaring may katangian ng pagiging totoo. Verisimilitude sa Tagpuan
• Sa maikling kuwentong Mabangis na Lungsod ni Efren Abueg,
detalyado niyang inilarawan ang Quiapo bilang tagpuan ng kuwento. Isa raw itong lugar na malupit para sa mga batang-yagit tulad ni Adong. Ang Quiapo bilang tagpuan ay totoo na sapagkat may ganito talagang lugar sa Maynila. Kapag din pinuntahan ang Quiapo, makikita nang aktuwal ang karamihan sa mga detalye ng pisikal nitong anyo at mga gawain dito, gaya ng inilarawan sa maikling kuwento. Pansinin ang sumusunod na bahagi ng nasabing maikling kuwento: • Ang gabi ay mabilis na lumatag sa mga gusali, lumagom sa malalaki’t maliliit na lansangan, dumantay sa mukha ng mga taong pagal, sa mga taong sa araw-araw ay may bagong lunas na walang bisa. Ngunit ang gabi ay waring 189 maninipis na sutla lamang ng dilim na walang lawak mula sa lupa hanggang sa mga unang palapag ng mga gusali. Ang gabi ay ukol làmang sa dilim sa kalangitan sapagkat ang gabi sa kalupaan ay hinahamig lamang ng mabangis na liwanag ng mga ilaw- dagitab. • Bagama’t masining ang pagkakalahad ni Abueg sa bahaging ito ng kuwento, masasabing kakikitaan pa rin ito ng verisimilitude dahil nakuha niya ang natural na anyo at ang malungkot na damdamin ng ilang sulok sa Quiapo kapag naggagabi na. Mabangis na Lungsod ni Efren Abueg Verisimilitude sa Paglalarawan ng Tauhan • Makikita rin ang verisimilitude sa paglalarawan ng mga tauhan. Sa pagbibigay ng tiyak na mga katangian ng tauhan mula sa pisikal (panlabas) hanggang sa pag-iisip at damdamin (panloob), lumulutang ang pagkataong parang makikita talaga sa tunay na buhay. Mas nagiging madali para sa mga mambabasa na makaugnay sa kaniya sapagkat naaalala nila ang isang kakilalang maaaring ang hitsura, personalidad, o karanasan ay tulad ng sa tauhan; o naiisip nila ang tauhan kapag ito ay naging tunay na tao; o maaaring silá mismo ang may detalyeng katulad ng sa tauhan. • Pansinin ang paglalarawan ni Ogor kay Impen sa maikling kuwentong Impeng Negro ni Rogelio Sicat. Mataas ang verisimilitude ng deskripsiyon sapagkat hindi lamang ito tapat sa hitsura ng isang katutubong Aeta, totoo rin ang ipinakikita nitong pagtrato sa mga taong di-kaputian sa ilang bahagi ng ating lipunan: nilalait sila at nakararanas ng diskriminasyon. • “Negrung-negro ka nga, Negro,” tila nandidiring sasabihin ni Ogor. Magsusunuran nang manukso ang iba pang agwador. Pati ang mga batang naroon: Tingnan mo ang buhok. Kulot na kulot! Tingnan mo ang ilong. Sarat na sarat! Naku po, ang nguso... Namamalirong!” Verisimilitude sa Pagsasalita ng Tauhan
• Maaari ring makita ang verisimilitude kung
paanong nagsasalita ang mga tauhan. Sa pamamagitan ng mga diyalogo, makikita ang damdaming namamayani sa isang sitwasyon. • Tunghayan ang tauhan mula sa sanaysay ni Ferdinand Pisigan Jarin na Anim na Sabado ng Beybleyd. Dito niya inilarawan ang isang amang umaasang gagaling ang kaniyang anak na si Rebo sa sakit na acute lymphocytic leukemia. Mahihinuha sa pahayag na ibinibigay ng isang ama ang lahat-lahat mapaligaya lamang ang kaniyang anak na dumaranas ng matinding sakit, na totoo sa tunay na buhay: • “Anong gusto mo, Anak? Bertdey mo na bukas? Limang buwan pa, a! Pero sige, gusto mo, e! Yellow Balloons? Lahat Yellow? Sige, magpapagawa ako. Maghahanda tayo dahil bertdey mo na bukas! Yipee!” • Ganito rin ang makikita sa dulang Sinag sa Karimlan ni Dionisio Salazar. Malinaw sa mga diyalogo kung saan nagmula ang mga tauhan batay lamang sa paraan nila ng pagsasalita. • DOMING: Kelan pa kaya lalabas dito ‘yan, a, Mang Ernan? Traga malas hang. • BABAYING: Ba, sino ‘yan? (Ingunguso si Tony.) E • RNAN: Ewan, Hatinggabi kagabi nang ipasok ‘yan dito. Kawawa naman. Dugu-dugun siyá. • DOMING: OXO seguro ‘yan. O kaya Sigue-Sigue. Nagbakbakan naman seguro. (Mamasdang mabuti si Tony.) Mukhang bata pa. • ERNAN: At may hitsura, ang sabihin mo. (Mapapalakas ang hilik ni Bok.) • DOMING: Tipaning-parang kombo! (Matatawa si Mang Ernan.) • BOK: (Biglang mag-aalis ng kulubong; pasigaw) Saylens! Magapatulog man kayo! Yawa.... • ERNAN: Si Bok naman. Konting lamig, ‘bigan. • Ipinapakita ng maikling usapan na iba-iba ang pinanggagalingan ng mga tauhan dahil sa varayti ng mga wikang gamit nila sa pakikipag-usap. Dahil ang tagpuan ng dula ay isang bilangguan, natural ang paggamit ng iba’t ibang varayti ng wika gaya ng balbal at lalawiganin dahil iba-iba ang pinagmulan ng mga bilanggo. Verisimilitude sa Tula
• Mahirap makita ang verisimilitude sa panulaan dahil sa masining
nitong gamit ng mga salita (haraya) at talinghaga. Hindi agad makita ang paralelismo sa realidad dahil bukas sa iba’t ibang interpretasyon ang mga taludtod at kahit ang naisip na pagpapakahulugan ay maaaring pagtalunan. • Gayumpaman, may ilang pagkakataon na madaling makita ang verisimilitude lalo na sa mga tulang kongkreto o tulang naglalarawan ng sitwasyon. Pansinin ang tula ni Michael Coroza na pinamagatang • “Putol.” May kanang paang Putol Kumatas ang dugo Sa tambakan ng basura Umiling-iling ang basurero’t bumulong. Naka-Nike. “Sayang, Wala namang kapares.” Dinampot ng basurero • Mahihinuha ang verisimilitude sa tula kung tatalakayin ang nilalaman nito. Pansinin ang persona ng tula, isang basurero na nakakita ng putol na paa na nakasuot ng Nike. Sa halip na matakot o malungkot sa bangkay, panghihinayang ang naramdaman ng persona. Ano ang saysay nito? • Ang sumusunod ay mga katotohanang makikita sa tula: (1) Ipinakita sa tula ang kahirapan ng tao. May mga Pilipinong kailangang mangalahig ng basura upang mabuhay. Hindi rin nila kayang bumili ng mamahaling sapin sa paa gaya ng branded na sapatos kaya sa basura na lamang aasa na may mapupulot na gayong kalakal. (2) Ipinapakita sa tula ang dehumanisasyon ng tao. Sa panahon ngayon, parang napakadali na lang pumatay ng kapuwa dahil sa iba’t ibang dahilan. Ni hindi na nabibigyan ng desenteng libing gaya ng nakita sa tula na bukod sa hinati-hati ang katawan ay itinapon pa ang isang bahagi sa basurahan. (3) Ipinapakita sa tula ang kultura ng kaisipang kolonyal at neokolonyal. Nawiwili sa mga bagay na branded ang karamihan sa atin. (4) Mababakas sa tula ang pagkamanhid ng tao sa kalagayan ng kaniyang kapuwa. Dahil hindi pinapansin ang mga nasa laylayan ng lipunan, nasanay na rin silang huwag magmalasakit sa iba. Sa kaso ng tula, minahalaga pa ng persona ang sapatos kaysa sa krimen o sa kalagayan ng bangkay na nasa basurahan. Bisa ng Verisimilitude
• Dahil sa verisimilitude, nagiging mas madali para sa tao na tanggapin ang
mga detalyeng inilalahad ng panitikan. Ang nakikita na lamang niya ay ang realidad at nababawasan ang kaniyang pagdududa kung mangyayari ba ang panitikan sa totoong buhay. Nagiging tuwiran ang ugnayan niya sa akda. Sa Ingles, tinatawag din itong suspension of disbelief o ang pag- iisantabi muna ng tao sa pagiging kathang-isip ng panitikan. Sa halip, pinaniniwalaan muna niyang ang lahat ng ito ay totoo. Sa huli, nagkakaroon ang mambabasa ng mas matibay na ugnayan sa panitikan. • Para sa inyong gawain sa Filipino na ipapasa sa Biyernes.