Joseph Ejercito Estrada - Presentation

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

JOSEPH EJERCITO ESTRADA

ANG IKALABING-TATLONG
PANGULO NG BANSANG
PILIPINAS
Presentation ni
Julia Caitlyn Lagarteja
Ang dating Pangulong Joseph Ejercito Estrada ay kilala rin sa
pangalang “Erap”. Siya ay dating aktor na naging politiko. Siya
ay n ag in g may o r n g S an J u an , n ag in g sen ad o r, b i s e- p r es i d en t e at
napagtagumpayang maging ika-labingtatlong pinuno ng bansa
mula 1998 hanggang 2001.
Si Josep Estrada ay galing sa isang mayamang pamilya. Siya ay pang-walo sa sampung
anak nina Emilio Ejercito Sr., isang inhinyero at Maria Marcelo na kilala rin sa tawag na
Dona Mary. Ang iba pang anak ng mag-asawa ay sina Emilio Jr., Paulino, Patrocinio,
Antonio, Connie, Marita, Jorge at Jesus.
Si Joseph ay nag-aral sa Ateneo De Manila University mula elementarya hanggang high school, ngunit
siya ay tinanggal sa nasabing paaralan noong siya ay nasa ikalawang taon ng high school dahil sa
disciplinary conduct. Ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Mapua University at kumuha ng
kursong Engineering upang mapasaya ang kanyang ama ngunit hindi niya natapos ang kurso sa Mapua
at lumipat siya ng CCP o Central Colleges of the Philippines. Sa kasamaang palad ay hindi rin niya
natapos ang kanyang pag-aaral dito at nagsimula nang gumawa ng pangalan bilang isang artista.
Ang dating Pangulong Estrada ay Jose Marcelo Ejercito sa tunay na buhay. Siya ay
ipinanganak noong Abril 19, 1937 sa Tondo, Manila. Ang pangalang Joseph Estrada ay
ang kanyang pagkakakilanlan bilang isang artista. Sinasabing ayaw ng kanyang ina na
ipagamit sa kanya ang apelyidong Ejercito dahil tutol sila sa kanyang desisyon na
maging isang artista.
Ang Pangulong Estrada ay pinasinayaan bilang pangulo noong
Hunyo 30, 1998 sa Barasoain, Church sa makasaysayang lugar ng
Malolos, Bulacan bilang pag-alala sa unang republika ng Pilipinas.
Ilan sa mga naging programa ng Pangulong Estrada ay ang “PAOCTF o Presidential Anti-Organized
Crime Task Force. “ Layunin nito na tuluyang mawala ang mga lumalaganap na krimen sa bansa gaya ng
kidnapping, carnapping at marami pang iba. Inilunsad din niya ang proyektong “ERAP para sa
Mahirap”, ito naman ay programa ng pangulo upang tulungan ang mga mahihirap nating kababayan.
Ang ilan sa iba pang mga kontribusyon ni Estrada bilang pangulo ay ang sumusunod: Philippine Clean
Air Act noong 1999; Electric Commerce Act noong 2000 at ang pakikidigma sa mga MILF o Moro
International Liberation Front.
Si Pangulong Estrada ay naging pangulo sa loob lamang ng dalawa at kalahating taon. Dahil
sa kanyang kinasangkutang isyu hinggil sa pagtanggap ng pera mula sa illegal na
pamamaran, siya ay napatalsik sa pwesto. Sa ikalawang pagkakataon napatunayan ng mga
Filipino ang kapangyarihan ng pagkakaisa.
Si Pangulong Estrada ang kauna-unahang pinuno ng bansa na nahatulan ng habang
buhay na pagkakakulong sa salang “plunder” o pandarambong. Noong Oktubre 25,
2007, binigyan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ng “executive clemency” si
Estrada ayon na rin sa rekomendasyon ng DOJ.
Click icon to add picture

Muling tumakbo sa pagkapangulo noong eleksyon 2010 si Estrada, ngunit sa


kasamaang palad ay hindi niya napagtagumpayan ito. Si Pangulong Benigno
“Noynoy” Aquino ang nagwagi sa nasabing halalan.
Taong 2013 ng tumakbo bilang alkalde ng Maynila si Estrada, si Isko
Moreno ang naging “running mate” niya noon. Kapwa sila nanalo
bilang mayor at vice-mayor sa nasabing lungsod.
Taong 2016 ng tangkain muli ni Estrada na tumakbo bilang mayor ng Maynila sa ikalawang
pagkakataon. Sa eleksyon na iyon ay katunggali na niya ang kanyang dating running mate
na si Isko Moreno. Nanalo si Isko Moreno bilang alkalde ng Maynila. Ang taong 2016 ay
sinasabi ring ang taon kung kailan natapos ang political career ng pamilya Estrada.
Sa ngayon ay masayang namumuhay kasama ng kanyang pamilya
ang dating Pangulong Joseph Estrada. Malayo sa magulong mundo
ng pag-aartista at politika.

You might also like