Panitikan Sa Pilipinas NOTES 1

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 72

Mr. Rey Q.

Mendoza
• rayblue206@gmail.com
• Vincent Go
• Pagpapakilala
• Mga inaasahan sa klase
• Mga alituntunin sa klase
Oryentasyon
• maging magalang sa opinyon ng
iba
• makibahagi sa talakayan
• Maging responsible sa pagliban
ng klase.
• Katapatan
Grading System
Class Schedule
• TTHS 5:00 PM TO 8:00 PM
Aug 18 to Sept 25
• SECTION - C12 AND P12

• MWF 5:00 PM TO 8:00 PM


Aug 17 to Sept 25
SECTION -PH01
Mga Layunin
• Naipakikilala ang iba’t ibang uri ng panitikan
mula sa panahon bago dumating ang mga
Kastila hanggang sa kasalukuyan.
• Napalalim ang pag-unawa sa mga paraan ng
pagbibigay-buhay sa mga saloobin, pagnanasa
at paniniwalang Pilipino sa pamamagitan ng
panitikan bilang produkto ng lipunan at
kasaysayan.
• Nakabubuo ng kamalayan na tumitingin
sa panitikan bilang mayamang bukal ng
mga saloobin at paniniwala tungkol sa
makatuwirang ugnayan ng tao sa
sarili,tao sa kapwa,sa kanyang
pamayanan at tao sa kanyang lumikha.
Panitikang
Filipino
FILPAN030
PANIMULANG PAGTATAYA
Iba’t ibang Panahon ng Panitikan sa
Pilipinas
• Panahon ng Katutubo
• Panahon ng Espanyol
• Panahon ng Amerikano
• Panhon ng Hapon
• Panahon ng Kasarinlan
• Panahon ng Kontemporaryo
• Kasalukuyan
Mahalagang Tanong

Sa kasaluyan,bakit
kailangang maunawaan at
mapahalagahan ng mga
kabataan ang ating panitikan?
Ano ang Panitikan?
• Ang salitang Tagalog na “ panitikan “ ay
galing sa unlaping PANG- ( na nagiging
PAN- kapag ang kasunod na ugat na TITIK
(letra) na nawawalan ng simulang T; sa
pagkakasunod sa PAN-; at sa hulaping –
AN, samakatwid: pang *titik* an. Ang
salitang ito ay panumbas ng Tagalog sa
“lieratura” o literature na kapuwa batay sa
ugat na Lating “letra” na ang kahulugan
ay “letra” o “titik”
Ayon kay Azakarias, ang panitikan ay
pagpapahayag ng mga damdamin ng tao
hinggil sa mga bagay-bagay sa daigdig,sa
pamumuhay,lipunan at pamamahalan, at sa
kaugnayan ng kaluluwa sa Bathalang
lumikha.
Kahalagahan ng Pag-aaral ng
Panitikang Pilipino
• Upang makilala natin ang sariling
kalinangan, ang minanang yamang ng
isip, at henyo ng ating lahi na iba kaysa
ibang lahi.
• Upang matalos na , katulad ng ibang
lahi tayo ay mayroon ding kilala at
marangal na tradisyong ginagamit na
puhunang salaysayan sa panghihiram
ng mga bagong kalinangang ito.
• Upang matanto ang mga kapintasan sa
ating panitikan at nakapagsanay upang
mailagan at mapawi ang mga ito.
• Upang makilala ang ating mga
kagalingang pampanitikan at lalong
madalisay ,mapayabong ,at
mapagningning ang mga kagalingan.
• Ito’y higit sa lahat ,sapagakat tayo’y mga
Pilipino at dapat maging katutubo sa
atin ang magkaroon ng
pagmamalasakit sa ating sariling
Panitikang Pilipino.
Anyo ng Panitikan
1.Tuluyan / Prosa -Ito ay maluwag na pagsasama-
sama ng mga salita sa katutubong takbo ng
pangungusap.

Hal. Anekdota ,balita,alamat, maikling-


katha,kathambuhay,ulat,sanaysay,pangulong
tudling,talambuhay,dula atbp.
• 2. Ang patula ay pagbubuo ng pahayag sa
pamamagitan ng salitang binilang sa pantig
( 6,8,12,16 o 18 sa taludtod) at pinapagtugma –
tugma sa mga dulo ng mga taludtod sa loob ng
isang taludtod.

Hal.tula, awit,oda, pastoral, korido,soneto,atbp.


Panitikan
Bago
Dumating ang
mga Kastila
Baybayin
• Ang ating mga ninuno ay may
baybayin o alpabeto na binubuo ng
17 titik na ang tatlo’y patinig at ang
14 ay katinig
• Alibata- Luzon at Visayas
• Sanskrito-Mindanao at Sulu
Ang ritwal ay isang
uri ng seremonyang
ginagamitan ng tula,
sayaw at awit.Ito’y
karaniwang
pinangungunahan ng
isang baybaylan o
sinaunang pari na
naglalayong
mamagitan sa mga
Diyos at mga taong
hinggil sa lahat ng nasa
kalooban ng mga ito.
Ang mga sayaw na ginagamitan ng
mga instrumentong pantugtog ay
ginagamit na pamumuwestra o senyas;
nailalahad ang damdamin o salaysay
ng mga nagsasayaw.Halimbawa ay mga
sayaw hinggil sa tagumpay ng
pangangaso, kagitingan sa pakikidigma
o pakikipaglaban sa kaaway o kaya’y
nagpapahiwatig ng pag-ibig sa
nasapupusuang dalaga.
Ang laro at libangan kagaya ng
pagtataguan,paghahabulan at patintero at
bahay-bahayan ay may ibig ipahiwatig na
saysay.Nang maglaon ang karagatan,tagayan
at ,pananapatan ay naging laro na rin ng mga
kabinataan at kadalagahan.
Embayoka o Sayatan
Ito buhat sa Muslim ng Lanao at Jolo.Ito ay
isang pagtatalong patula na katulad ng
“Balagtasan” ng mga Tagalog.Karaniwan
isang babae at isang lalaki ang binabayaran ng
salapi upang gumanap sa pagtatalo.
Wayang Orang at Wayang
Purwa
Ito ay ang mga unang dula sa
Pilipinas na matatagpuan sa
pulo ng Panay,Cebu, at
Dumaguete.Ito’y katulad ng
puppet show na binubuo ng
tugtog sa agong ng
tanso,sayaw sa galaw ng
kamay,leeg,ng mga mata at
bigla-biglang hakbang.
Ang mga Akdang
Lumaganap Bago Dumating
Ang Mga Kastila
Mga Karunungang-bayan
 
• Salawikain/Sawikain
• Idyoma
• Kasabihan
• Bugtong
• Palaisipan
• Tugmang de gulong
• Bulong
Ano ang ibig sabihin ng Karunungang Bayan?

Ang karunungang bayan ay


tinatawag ding kaalamang –bayan na
binubuo ng mga salawikain/sawikain,
Idyoma, at tugmang- pambata.
Salawikain/Sawikain
• Ito ay nakaugalian nang sabihin at
sundin bilang tuntunin ng
kagandahang asal ng ating mga
ninuno na naglalayong mangaral at
akayin ang mga kabataan tungo sa
kabutihang-asal.
Halimbawa
• Ang hindi lumingon sa
pinanggalingan
Ay hindi makakarating sa
paroroonan
Idyoma
• Ang mga idyoma ay mga salita o
pahayag na nagtataglay ng
talinghaga.Hindi tiyak ang kahulugang
ibinibigay nito sapagkat may natatago
pa itong kahulugan patungkol sa iba’t
ibang bagay.
• Bagong tao-binata
bulang-gugo-gastador
Tugmang Pambata
Ang mga tugmang pambata noong
unang panahon ay yaong mga
tugmang sinasambit ng mga bata at
matatanda na katumbas ng mga
tinatawag na Mother Goose
Rhymes.
Halimbawa
Tawa nang tawa,
Ibig mag-asawa
Halimbawa
• Putak,putak
Batang duwag
Matapang ka’t
Nasa pugad
Kuwentong-Bayan
• Ito ay isang tuluyang kuwentog
nagsasalaysay ng mga tradisyong
Pilipino. Karamihan ng mga
kuwentong-bayan ng mga Pilipino ay
tungkol sa kanilang mga diyos at mga
espiritu na siyang nagtatakda ng
kapalaran ng tao.
Mga Halimbawa
• Mariang Makiling
• Si Malakas at Maganda
• Sinukuan
• Ang Bundok Kanlao
• Si Bernado Carpio
Bugtong
• Ito ay tugmang naghahamon sa
tao na mag-isip nang madalian
nang walang pagbabatayan kundi
ang inilalarawan ng mga salita.
Awiting -bayan
1.suliranin-awit sa paggaod
2.talindaw-awit sa pamamangka
3.diona-awit sa panliligaw at pagpapakasal
4.oyayi-awit sa paghehele
5.kumintang-awit sa pakikipagdigma
6.sambotani-awit ng pagtatagumpay
7.kundiman- awit ng pag-ibig
8.dalit-himno
• Ang Karagatan at Tibaw
ay ipinalalagay na kauna-
unahang dula sa katagalugan.
Kasaysayan ng Sampung Datu
• Si Marikudo
• Si Datu Puti
• Si Sumakwel at si Kapinangan
• Si Sumakwel at si Alayon
• Epilogo
• Bantugan
Ang mga Unang Salaysay
• Ang Pinagmulan ng Mundo at ng Unang Tao
• Si Malakas at Maganda
• Ang Pinagmulan ng Araw at Gabi
• Biag ni Lam-ang ( Ilokano)
• Maragtas (Hiligaynon)
Katangian ng Panitikan

• Palipat-dila
• Nagtataglay n
impluwensya ng
Malayo-Indonesia
Bago Dumating ang mga Kastila
• Ita
• Indonesyo
• Manggusi ( Fukien)
• Mai-i ( Mindoro)
• Bumbay
• Arabe at Persa
Mga Epiko Bago Dumating ang
mga Kastila
1. Epiko ng mga Ifugao
Hudhod
Alim
2. Darangan ng mga Moro
Bantugan
Indarapatra at Sulayman
3. Bidasari
4. Ang Epiko ng mga Tagalog
Kumintang
5.Epiko ng mga Ilokano
Lam-ang
6. Epiko ng mga Bisaya
Maragtas
Haraya
Lagda
Hari ng Bukid
Maragtas
• Ito ay hinggil sa sampung datong Malay na
tumakas sa kalupitan ng Sultang Makatunaw
ng Borneo at sama-samang nakarating sa
Panay. Ang pulong ito’y binili nila sa haring
Agtang si Marikudo.Tatlo sa sampung dato
ang nagpatuloy hanggang Mindoro,Batangas,
at Laguna.
Haraya
• Ito ay katipunan ng mga tuntunin
ng kabutihang-asal at ng mga
salaysay na panghalimbawa sa
mga nasabing tuntunin.
Ang Hari sa Bukid
• Ito ay salaysay na hinggil sa
kapangyarihan ng isang haring hindi
nakikita ngunit alam na nakatira sa
taluktok ng bundok ng Kanlaon sa
Negros. Ang haring ito’y parang bathala
sa pagbibigay-biyaya at pagpaparusa.
• Bakit mahalaga ang mga
akdang gaya ng kuwentong-
bayan at mga karunungang-
bayan sa pag-aaral ng
kulturang Pilipino?
Bugtong
1.Binili ko nang di
kagustuhan,
Ginamit ko nang di
nalalaman. 
2.May puno walang bunga
may dahon walang sanga.
3.Hinila ko ang baging
nag-iingay ang matsing.
4. Isang reynang maraming
mata
nasa gitna ang mga espada.
5.Mataas kung nakaupo
mababa kung nakatayo.
6.Dalawang batong itim,
malayo ang nararating.
7. Araw-araw nabubuhay
 taon-taon namamatay
8.Hayan na si kaka
bubuka-bukaka
9.Pinatay ko na binaril ko
pa
10.Hindi hayop, hindi
tao, pumupulupot sa
tiyan mo.
11.Isang butil ng
palay, sakot ang
buong buhay.
12.Nang sumipot sa
maliwanag, kulubot
na ang balat.
ampalaya
13.Sa maling kalabit,
may buhay na kapalit
 
14.Sa araw ay bungbong,
sa gabi ay dahon.
15.Maliit na bahay,
puno ng mga patay.
16.Dumaan ang hari,
nagkagatan ang mga pari.
16.Tumatanda na
ang nuno, hindi pa rin
naliligo. 
17. Baka ko sa Palupandan,
inga’y nakakarating kahit
saan.
18. Nang aking mapatay,
lalong humaba ang buhay. 
19. Isang senyora,
nakaupo sa tasa 

kasoy
20.Limang magkakapatid,
tig-iisa ng silid. 

kuko

You might also like