Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

Tumbang

Preso ay isang
laro na
kinawiwilihan
ng mga batang
Mga Gamit
Lata - ang lata ang siyang
nagsisilbing sentro ng laro.
Maaring ito ay galing sa mga
pinaglumaan o mga ginamit
nang mga lata ng sardinas,
gatas at iba pa. Kailangang
hindi gaanong malaki ang lata
para hindi ito madaling
Tsinelas - mahalaga ang
tsinelas sa laro. Ito ang
ginagamit na panira sa
lata.
Bato - maari ring gamitin
ang bato sa pagtama sa
lata ngunit karamihan ng
mga bata ngayon mas
Ang Pagsisimula
Karaniwang nilalaro ang
tumbang preso ng lima
hanggang sampung bata. Ang
mga bata ay namimili ng taya sa
pamamagitan ng kamay.
Tinatawag nila itong "maiba taya
." Una, tatayo ang mga bata ng
pabilog at ilalapat nila ang
kanilang mga kamay sa gitna ng
Babanggitin nila ang
katagang "maiba taya" at
isa-isang itataas nila ang
kanilang mga kamay at
sabay bagsak sa gitna pa
din. Ang mga kamay ay
pwedeng paharap sa lupa
o patalikod. Kung sino
Iba iba rin kung minsan
ang pagpili ng taya.
Merong tinatawag ng
"maiba alis" na kung
saan kung sino ung
naiiba ang siyang aalis
hanggang sa isa nalang
Layunin
Kailangan nilang
patumbahin ang lata
at kunin ang inihagis
na tsinelas bago pa
man mapatayo ng
Ang Paglalaro
Binibilugan ng mga manlalaro ang
palibot ng lata at inilalagay ito sa gitna.
Guguhit ng din ng manuhan para sa
ibang manlalaro. Ang taya ay tatayo sa
may malapit sa lata at ang ibang
manlalaro ay pipila sa manuhan na may
layong apat na metro o hanggang saan
nila gusto.
Isa-isang titira ang mga manlalaro ng
kanikanilang mga tsinelas.
Pagnatamaan ng unang manalalaro ang
lata, kailangan niyang kunin ang
kanyang tsinelas at bumalik sa
manuhan bago paman mabalik ng taya
ang lata sa puwesto.
Paghindi natamaan ng unang
manlalaro ang lata ay tatayo siya sa
lugar na kung saan nakalagay ang
kanyang tsinelas at maghihintay sa
pangalawang manlalaro na patumbahin
ang lata.
Kung mabilis ang taya at mabalik niya
ang lata sa puwesto at maabutan pa
niya ang manlalarong kumukuha ng
tsinelas, ang manlalaro na nahuli ay
siya nang taya.
Mga Dapat Tandaan
Hindi maaring tayain ng taya ang isang
manlalaro na hindi nakatama sa lata
paghindi pa nahahawakan ng
manlalaro ang kanyang tsinelas.
Ang manlalaro ay hindi maaring
bumalik sa manuhan kung hindi niya
nakukuha ang kanyang tsinelas.
Kung hindi hahawakan ng manlalaro
ang kanyang tsinelas hindi siya
maaring tayain ng taya.
Kung maraming hindi nakatama mas
madaling makahuli ng manlalaro.
Kung ang tsinelas ay nakapuwesto sa
may guhit na bilog sa lata, maaring
tapakan ng taya ang tsinelas sabay
apak sa lata. Sa ganitong paraan ang
may-ari ng tsinelas na naapakan ay
siyang magiging taya.

You might also like