Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 28

OBJEKTIV

o Makapagbigay kabatiran at ugnayan ng pagbabasa sa iba’t ibang disiplina:


Sikolohiya, Interaktibo at Metakognitibong Pagbasa, Teorya, Kahulugan,
Kahalagahan at Katangian ng pagbasa.

Inihanda ni: Maria Elizabeth de Luna- Baynosa


Fakulti, DLMC
BIGYANG KAHULUGAN

“Readers of today are the leaders


of tomorrow.”
ANO ANG KAHULUGAN NG PAGBASA?

 Ay proseso ng pagkokonstrak ng kahulugan mula sa mga tekstong nakasulat. Isa itong


komplikadong kasanayan na nangangailangan ng ilang magkakaugnay na hanguan ng
impormasyon (Anderson, et al., 1985, sa http://www.eduplace.com).

 Ay proseso ng pagkokonstrak ng kahulugan sa pamamagitan ng dinamikong


interaksyon ng mga sumusunod: 1.) ng dating kaalaman ng mambabasa; 2.) ng
impormasyong taglay ng tekstong binabasa; at 3.) ng konteksto ng sitwasyon sa
pagbasa (Wixson, et al., 1987, sa http://www.eduplace.com)
 Ayon kay Goodman (1973), “ ang pagbasa ay isang psycholinguistic
guessing game. Ito ay nagpapakita ng pagbuo ng ideya mula sa ideyang
mula sa manunulat.

 Ayon kay Badayos (1999), “ kung gagawa tayo ng isang sarbey at


tatanungin ang mga batang naghahanda na sa pagpasok, malamang na
ang una nilang sasabihin kung bakit gusto nilang pumasok ay upang
matutong bumasa.”
 Ito ay isang paraan ng pagkatuto ng wika, paraan ng komunikasyon at paraan ng
pagbabahagi ng mga impormasyon at ideya. Ito ay isang komplikadong interaksyon
sa pamamagitan sa pagitan ng teksto at ng mambabasa na hinuhubog ng dating
kaalaman, karanasan, atityud at komunidad ng wika ng mambabasa, at ang lahat ng
ito ay culturally and socially situated (http://www.Wikipedia.org).

 Ito ay isang proseso ng pag-aayos, pagkuha, at pag-unawa ng anumang uri at anyo ng


impormasyon o ideya na kinakatawan ng mga wika o simbolo na kailangang tingnan
at suriin upang maunawaan. Ang mga sagisag na ito ang nagsisilbing instrument
upang mabigyang-kahulugan ang mga kaisipang gusting ipahayag.
ANO ANG KAHALAGAHAN NG PAGBABASA?

Sa pamamagitan ng pagbabasa, nahahawan ang landas ng karunungan sa iba’t ibang


larangan – sining, agham, teknolohiya, kasaysayan, pulitika, lipunan, at iba pa.

Namumulat ang mambabasa sa katotohanan at nagkakaroon ng pagkakataong makisalamuha


para sa kanyang ibayong kapakinabangan.

oMaaaring libutin ang buong daigdig sa pamamagitan ng pagbabasa, nakakikilala ng bagong


kultura, nakadaragdag ng karanasan at kaalaman.
o Ang pagbasa ay isa sa apat na makrong kasanayang pangwika na
mahalaga sa pakikipagtalastasan. (80% - 90% ng kaalaman ng tao ay
mula sa kanyang pagbabasa)

o Matatarok natin ang lalim ng kaalaman sa pamamagitan ng pagbabasa.


ANO ANG KATANGIAN NG PAGBASA?

Masasabing ang tunay na pagbasa ay ang pang-unawa ng


mensahe ng isang teksto; ito ay isang prosesong pangkaisipan;
at ito ay gumagamit ng dating kaalaman na inuugnay sa bagong
kaalaman.
NASA ALING YUGTO NG PAGBASA KAYA ANG IYONG
KAKAYAHAN SA PAGBASA?
PYRAMID OF FOUR STAGES OF READING
SYNT Tinawag itong Pagbasang Komparatibo ni
OPIC Gestalt. Ito ay pinakakomplikado at
AL sistematikong yugto ng pagbasa. Kinakailangan
Ang pagbasa ay isang komplikado at REA ding maisitesays ang mga akdang kanyang
sistematikong gawain. Ginagamit ito DING nabasa para makahantong sa mga obserbasyon
at kongklusyon.
kung kailangan ng malalimang pag-
unawa sa isang particular na tekstong
ANALYTICAL
Makikilala ito sa espesyal na emphasis sa
binasa. READING oras. Ito ang sining ng iskiming ng isang
teksto, sa paraang simetrikal. Dito,
INSPECTIONAL READING tinatangka ang posibleng pinakamaayos
at pinakakumpletong pagbasa sa loob ng
Kailangang matutunan ang mga limitadong oras o panahon.
pangangailangan ng sining ng
pagbabasa sa pamamagitan ng
salalayang pagsasanay at
ELEMENTARY READING
pagkakamit ng inisyal na
kasanayan sa pagbasa – sa
paaralang primary at preschool.
ANU-ANO ANG PROSESO NG PAGBASA?

Ayon ky William S. Gray, may apat na hakbang ang pagbabasa:


1. PERSEPSYON – Kinikilala sa hakbang na ito ang mga simbolong
nakalimbag.
2. KOMPREHENSYON – Inuunawa ang mga kaisipang inihahatid ng
mga nakalimbag na simbolo.
3. APLIKASYON – Paglalapat at pagpapahalaga sa kaisipang ibinabahagi ng
teksto.
4. INTEGRASYON – Pag-uugnay-ugnay ng mga bago at nagdaang karanasan
sa pagbibigay-kahulugan sa teksto.
PAANO ISINASAGAWA ANG PROSESO NG PAGBABASA?

BAGO BUMASA

1.PAHAPYAW NA PAGTINGIN (SCAN) – Tingnan ang mga larawan, pamagat at caption; sulyapan ang
mga grap, tsart, mapa, at ang pangalan ng mga tao at lugar. Tukuyin ang mga salitang di nauunawaan.

2.PAG-USAPAN – Magbahaginan ng karanasan na may kaugnayan sa artikulo at magtala ng mga tanong


na maaaring masagot ng artikulo.
BAKIT KAILANGANG GAWIN MO ITO?

• Upang mabigyan ng buod ang nilalaman ng babasahin


• Upang makahanap ng artikulong kapaki-pakinabang sa mambabasa
• Upang malinang ang pag-uugnay ng dating kaalaman
• Upang ipakilala ang talasalitaang may kaugnayan sa binasa
• Upang maiugnay ang binasa sa artikulo sa iba pang binasa
• Upang maitakda ang dahilan ng pagbasa
HABANG NAGBABASA

3. MAGBASA NG MALAKAS
a. Basahin ng malakas ang bawat bahagi ng artikulo.
b. Isagawa ang proseso ng pag-iisip:
- Magtanong
- Bumuo ng hinuha
- Alamin ang pang- unawa
c. Magtala ng mga mkabuluhan at bagong talasalitaan.
4. MAGBASA NANG TAHIMIK

a. Basahin nang tahimik ang bawat bahagi ng artikulo.


b. Sundin ang proseso ng pag – iisip:
- Magtanong
- Bumuo ng hinuha
5. Alamin ang pang-unawa
- Talakayin ang bawat bahagi.

Bakit kailnagang gawin mo ito?


• Upang mapagbuti ang pag-unawa
• Upang magkaroon ng huwaran at mahusay n pagbasa
• Upang magkaroon ng mga estratehiya sa pagsubaybay ng pagbasa
• Upang lumawak ang kaalaman sa pagtugon sa mga katanungan
• Upang maipagpatuloy ang pagpapalaganap ng mga ugnayan
PAGKATAPOS BUMASA

6. Magbalik-aral at talakayin
a. Pag-usapan ang iba pang tanong at mga ideya mula sa rtikulo.
b. Talakayin ang mga impormasyon na maaaring galling sa iyo at sa kapwa
estudyante na nakabasa ng artikulo.
c. Humanap ng paraan kung paano maiuugnay ang artikulo sa mga estudyante.
BAKIT KAILANGANG GAWIN MO ITO?

• Upang mapalawak ang pang-unawa


• Upang maipakita sa mga estudyante kung gaano ang natutuhan niya
• Upang maibahagi ang impormasyon at opinion
• Upang makapagbigay ng iba pang bagong katanungan na magagamit sa
darating na panahon
• Upang ipagpatuloy ang pagpapalaganap ng ugnayan
IBA PANG PROSESO NG PAGBABASA

A. SIKOLOHIKAL NG PAGBASA
Ang mga mata ang nagsisilbing ekstensyon ng utak upang makilala ang mga tekstong kailangang basahin.

1. ANG PAGKILALA SA MATERYAL/TEKSTO


Sa mga terminolohiya sa iba’t ibang disiplina, may kahulugan ang mga panlaping ikinakabit sa salitang-
ugat.
Halimbawa:
hyper – sobra, lagpas = hyperthyroidism
gyn – babae = OB gyne (doctor ng mga babaeng buntis)
micro – maliit = microbusiness (maliit na negosyo)
2. PAG-UNAWA NG MATERYAL
Magiging madali ang pag-unawa kapag may nalalaman na tungkol sa iyong binasa.
3. ANG LAYUNIN SA PAGBASA NG TEKSTO
B. INTERAKTIBONG PROSESO NG PAGBASA
AYON KAY DECHANT (1991), ANG PAG – UNAWA AY BATAYAN NG PAGBIBIGAY NG KAHULUGAN;
AT ANG KAHULUGAN AY INIHAHATID SA PAMAMAGITAN NG MGA NAKALIMBAG NA TITIK AT HINDI
MULA SA MISMONG TEKSTO.

UNAWAIN ANG SUMUSUNOD NA DAYAGRAM:


Taglay ng mambabasa Kahulugan ng Teksto

- Konsepto, damdamin - Personal na kaalaman, damdamin, ugali


- Wika - Wika
- Layunin - Layunin
- Pormat - Kaalaman sa pormat
- Nilalaman - Mga inaasahan sa nilalaman

Taglay ng Teksto
 McCormick (1998)
Ayon sa kanya, ang pagbabasa ay pagbibigay ng kahulugan sa teksto at
hindi pagpiga ng kahulugan mula sa teksto. Nangangahulugan lamang ito
na sa interaktibong proseso ng pagbabasa, ang mga mambabasa ay
bumubuo ng kahulugan gamit ang mga impormasyon mula sa ponema,
morpema, palaugnayan, at semantiko, at mula sa mga kahulugang dala ng
mga ito, ang teksto at ang mambabasa ay nagkakaroon ng interaksyon
upang mabigyan ng kahulugan ang akda.
C. METAKOGNITIB NA PAGBASA

Decoding Encoding
- kinikilala ang mga salitang - ang tekstong binabasa at
binabasa at binibigyan ng inuunawa ay inayos at
binibigyang kaukulang kahulugan. binibigyang anyo.
TATLONG ELEMENTO ANG ISINAALANG-ALANG DITO:

1. Kaalaman sa kahulugan ng mga salita


2. Pag-unawa sa pangungusap o kaalaman sa palaugnayan/gramatika
Ang palaugnayan (syntax) ay sumusuri kung paanong ang mga salitang
nakapaloob sa isang pahayag ay nagkakaugnay-ugnay.
Ang morpolohiya ay pag-aaral ng pinakamaliit na yunit ng salita na
tinatawag na morpema.
Halimbawa:
Sinipa ng bata ang bola VS The ball was kicked by the boy.
P S S P
3. Pag-unawa sa kabuuan ng pahayag
Nakapaloob sa larangan ito ang tinatawag na metacognition na kung saan ang isang
mambabasa ay may kakayahang suriin ang sariling pagpoproseso ng impormasyon.

Halimbawa:
Umaanot na sa 100 ang kasaping paaralan mula sa iba’t ibang
rehiyon.
IBA’T IBANG PARAAN NG PAGBASA
1. SCANNING
Pagbasa ng mabilisan nang di gaanong binibigyang-pansin ang
mahahalagang salita. Karaniwang ginagalugad lamang ang mga susing salita
at mga subtitles.

Halimbawa: paghahanap ng trabaho sa classified ads


nakapasa sa pagsusulit sa board
mga pangunahing balita
2. SKIMMING

Ito at pasaklaw o mabilisang pagbasa upang makuha ang


pangkalahatang ideya o impresyon. Maaari ding gamitin ito sa
pagpili ng mga material na bababasahin. Ito rin ay pagtingin o
paghahanap sa mahahalagang impormasyon na maaaring magamit
sa term papers o mga pananaliksik.
3. PREVIEWING
Sinusuri ang ang kalahatang kaanyuan ng akda bago ang nilalaman ng akdang
babasahin.
Iba’t ibang antas:
A. Pagtingin sa pamagat, heading, at subheading ma karaniwang nakahilig.
B. Pagbasa ng heading na nakasulat sa blueprint.
C. Pagbasa sa una at huling talata.
D. Kung may kasamang introduksyon o buod, larawan, grap at tsart, ito ay
sinusuri.
E. Pagbasa ng talaan ng nilalaman.
4. KASWAL

Ito ay pagbasa ng pansamantala. Magaan ang


pagbabasang ito tulad halimbawa habang may
inaantay o pampalipas-oras.
5. PAGBASANG PANG-IMPORMASYON

Ang layuning ng pagbasang ito ay upang kumalap ng


mahahalagang impormasyon na magagamit sa pang-araw-
araw na pangangailangan tulad ng pag-alam sa kalagayan
ng ekonomiya t panahon, o upang masagot ang takdang-
aralin.

You might also like