Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

BATAYANG

EMPIRIKAL

!!!ENERGIZER!!!

FOLLOW THE
LEADER!!
FOLLOW THE
LEADER!!
Mahar K. Mangahas
(1976)

Naglahad ng pangunahing
pinagkakaabalahan ng mga Pilipino. Ang mga
ito ay natutungkol sa ating mga minimithi,
hinahangad na magkaroon ng mabuting
pamumuhay, mataas na antas ng kagalingan,
at mataas na antas ng kalidad ng buhay.
Ang mga pangunahing pinagkakaabalahan ng
mga Plipino ay ang sumusunod:
KALUSUGAN

Ito ay natutungkol sa pangangailangan
mapanatili at mapahaba ang buhay ng
tao sa pamamagitan ng wasto at sapat
na pagkain, at ng pagiging malaya sa
sakit, malnutrisyon, gutom, at maagang
pagkamatay.
KAALAMAN

Isa ring mahalaga interes ng mga
Pilipino ang mapanibago at mapaunlad
ang halaga ng kanilang yamang-tao sa
pamamagitan ng pag-aaral at
pagsasanay.
KITA AT
PAGKONSUMO

Ang hinahangad dito ay matuguan ang
mga pangunahing pangangailangan
upang mabuhay sa pamamagitan ng
sapat na pagkonsumo ng mga
produkto at serbisyo.
EMPLEO

Ang hangaring makakuha ng
hanapbuhay ay batay sa karapatan ng
mamamayan ng isang lipunan na
magkaroon ng makabuluhang trabaho
at sapat na bayad sa kanilang
pagpapawis.
PANGANGALAGA SA
LIKAS NA
 YAMAN
Isa pa ring mahalagang interes ng mga
Pilipino ang pangalagaan ang ating likas
na yaman sa pamamagitan ng wastong
paglilinang, pagmimina, at paggamit ng
mga tao ito upang magkaroon ng sapat
na likas na yaman ang ating
mamamayan sa susunod na salinlahi.
PAMAMAHAY AT
KAPALIGIRAN

Mahalaga rin sa ating mga Pilipino ang
magkaroon ng disenteng pamamahay
na may malinis at sapat na tubig,
murang elektrisidad, malinis na
hangin, at malinis na kapaligiran.
PAMPUBLIKONG
KALIGTASAN AT
KATARUNGAN

Ninanais din ng ating mga pamilya ang
tahimik at ligtas na kapaligiran.
Kasama rin dito ang hangaring
magkaroon ng mabilis, makatwiran, at
mabisang pamamalakad at pagbibigay
ng katarungan sa mamamayan.
PAGPAPAHALAGANG
POLITIKAL

Nais nating makibahagi sa
pamamalakad ng ating kabuhayan at
kaunlarang politikal kasama na rin dito
ang antas ng kalayaan, partisipitasyon
sa mga desisyong pambayan, at
kalayaang sumalungat kung ito ang
ating pinaniniwalaan.
PAGGALAW SA
LIPUNAN

Isa sa hangarin ng mga Pilipino ang
magkaroon ng bukas na lipunan-na
malaya ang mamamayan sa pagkilos sa
paglipat sa iba’t ibang sektor at lugar
upang matamo nila ang potensiyal ng
kanilang pagkatao.

Ang mga hangaring ito at kanilang bigat
sa pagpapahalaga sa ating mga Pilipino
ang siyang nagtatakda at kumukulay sa
ating pangangailangan at kagustuhang
pantao.
Ayon kay Mangahas ang estruktura ng
ating mga pinagkakaabalahan ay hindi
permanente.

You might also like