Tula

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

TULA

Ang panulaan o tula ay isang uri ng sining at panitikan na


kilala sa malayang paggamit ng wika sa iba't ibang anyo at
estilo. Pinagyayaman ito sa pamamagitan ng paggamit ng 
tayutay. Ang mga likhang panulaan ay tinatawag na tula.
Madaling makilala ang isang tula sapagkat karaniwan itong
may batayan o pattern sa pagbigkas ng mga huling salita.
Uri ng Tula

Maikling Tula
Tanka - nagmula sa bansang Hapon na binubuo lamang ng
31 pantig, nahahati ito sa limang taludtod na may sukat na
5-7-5-7-7
Haiku - nagmula sa bansang Hapon na binubuo ng tatlong
taludtod na may sukat na 5-7-5
Tulang Liriko o Pandamdamin
Sa uring ito itinatampok ng makata ang kanyang sariling
damdamin. Ito ang itinuturing pinakamatandang uri ng
tulang isinusulat ng mga makata sa buong daigdig. Ito ay
puno ng damdamin at madalas ding gamiting titik ng mga
awitin. 
 Awit (Dalitsuyo) - tungkol sa pag-ibig
 Pastoral (Dalitbuki)
 Oda (Dalitpuri) - matayog na damdamin o kaisipan (paghanga o pagbibigay parangal)
 Dalit o Himno (Dalitsamba) - tungkol sa pagpapala sa Diyos, sa pagawit na pamamaraan.
 Soneto (Dalitwari) - binubuo ng 14 taludtod o linya; nangangailangan ng mabigat o
matinding pagkukuro-kuro
 Elehiya (Dalitlumbay) - mapanglaw; tungkol sa kamatayan o kalungkutan
Tulang Pasalaysay
 Ito ay naglalahad ng mga tagpo o pangyayari sa pamamagitanng mga taludtod. Narito ang apat na uri ng tulang ito:
 Epiko (Tulabuyani)
 Tulasinta (Metrical Romance)
 Tulakanta (Rhymed o Metrical Tale)
 Tulagunam (Ballad)
Tulang Dula
Ito ay mga tulang isinasadula sa mga entablado o iba pang tanghalan. Narito ang mga uri ng
tulang dula:
 Tulang Mag-isang Salaysay (Dramatic Monologue)
 Tulang Dulang Liriko-Dramatiko
 Tulang Dulang Katatawanan (Dramatic Comedy)
 Tulang Dulang Kalunos-lunos (Dramatic Tragedy in Poetry)
 Tulang Dulang Madamdamin (Melodrama in Poetry)
 Tulang Dulang Katawa-tawang-Kalunos-lunos (Dramatic Tragi-comedy in Poetry)
 Tulang Dulang Pauroy (Farce in Poetry)
Tulang Patnigan (Justice Poetry)
Ito ay tulang sagutan na itinatanghal ng mga magkakatunggaling makata ngunit hindi sa
paraang padula. Ito ay paligsahan ng mga katwiran at tagisan ng mga talino at tulain. Ang
sumusunod ang mga uri ng tulang patnigan:
 Karagatan
 Duplo - kadalasang isinasagawa tuwing may lamay. Ito ay sa anyo ng labanan,
at bilyako o bilyaka ang tawag sa mga manlalahok nito.
 Balagtasan
 Batutian
Mga Elemento ng Tula

 Saknong - isang grupo ng mga salita sa loob ng isang tula na may dalawa o higit pang
taludtod.
 Sukat - bilang ng pantig ng tula.
 Tugma - pinag-isang tunog sa hulihan ng mga taludtod.
 Hindi buong rima (assonance) - paraan ng pagtutugma ng tunog na kung saan ang salita ay nagtatapos sa 
patinig.
 Kaanyuan (conssonance) - paraan ng pagtutugma ng tunog na kung saan ang salita ay nagtatapos sa 
katinig.
 Nagpapaganda sa diwa ng tula ang alin mang paraan ng pagtutugma:
 Mga salitang nagtatapos sa b, k, d, g, p, t, s ay nagtutugma ang dulumpatig
 Mga nagtatapos sa l, m, n, ng, w, r, y
Mga Elemento ng Tula

Sining o kariktan - paggamit ng pili, angkop at maririkit na salita. Nagbibigay ng


pangkalahatang impresyon sa bumabasa.
Talinghaga - tumutukoy ito sa paggamit ng matatalinhagang salita at tayutay.
Tayutay - paggamit ng pagwawangis, pagtutulad, pagtatao ang ilang paraan upang ilantad ang
talinghaga sa tula
Anyo - porma ng tula.
Tono/Indayog - diwa ng tula.
Persona - tumutukoy sa nagsasalita sa tula; una, ikalawa o ikatlong panauhan

You might also like