Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

Kwarter 1- Modyul 1

(Week 1)
Araling Panlipunan 4

Ma’am Joy
Ang Aking Bansa
Sa araling ito, inaasahang:

1. Matatalakay mo ang konsepto ng bansa.


2. Mabubuo mo ang kahulugan ng bansa.
3. Maipapaliwanag mo na ang Pilipinas ay isang
bansa.
 
bansa

 
estado nasyon
Ang Kahulugan ng Bansa at Estado

Ang salitang bansa o country ay mula sa salitang Pranses na


contree na ang ibig sabihin ay “distrito” o “katutubong
lupain.” Una itong ginamit noong kalagitnaan ng ika -13 siglo
upang tukuyin ang kinaroroonan ng isang heograpikal na lugar.
Ang bansa ay maaaring maging estado kung
magtataglay ito ng apat na elemento:

mamamayan pamahalaan

soberanya
teritoryo
Ang bawat bansa o estado ay may
sariling sagisag o simbolo ng
pagkakakilanlan. Kabilang sa mga
sagisag na ito ang watawat,
pambansang awit, at yaong mga
simbolong kumakatawan sa kultura ng
bansa o estado.
1. Ang tao ay tumutukoy sa grupong
naninirahan sa loob ng isang teritoryo
na bumubuo ng populasyon ng bansa.
Tungkulin ng mga ito na linangin at
itaguyod ang isang bansa tungo sa
kaunlaran. Mawawalang-saysay ang iba
pang element kung walang mamamayan
na mangangasiwa sa mga ito.
 
2. Ang teritoryo ay tumutukoy sa
lawak ng lupain at katubigan
kasama na ang himpapawid at
kalawakan sa itaas nito. Ito rin ang
tinitirhan ng tao at pinamumunuan ng
pamahalaan. Walang nakatakdang
sukat ang teritoryo upang ituring na
ganap na bansa o estado ng isang
lugar.
3. Ang pamahalaan ay isang samahan o organisasyong
politikal na itinataguyod ng mga grupo ng tao na
naglalayong magtatag ng kaayusan at magpanatili ng
isang sibilisadong lipunan.Ang pamahalaan ang
nagbabalangkas at nagpapatupad ng mga batas.
Isinaalang-alang nito ang kapakanan at kabutihan ng
nakararaming mamamayan. Higit sa lahat, ang
pamahalaan ang nagpapatupad ng mga programang
nagsusulong ng kaunlaran ng bansa.
4. Ang soberanya o ganap na kalayaan ay
tumutukoy sa kapangyarihan ng pamahalaang
mamahala sa kaniyang nasasakupan. Tumutukoy rin
ito sa kalayaang magpatupad ng mga programa
nang hindi pinakikialaman ng ibang bansa. Dalawa
ang anyo ng soberanya—panloob at panlabas. Ang
panloob na soberanya ay ang pangangalaga ng
sariling kalayaan. Ang panlabas naman ay ang
pagkilala ng ibang bansa sa kalayaang ito.
Alam mo ba ?

Ang Filipino ay tumutukoy sa pambansang wika na


ginagamit sa Pilipinas. Nakaayon ang wikang ito sa
wikang Tagalog. Ginagamit din ang salitang Filipino
upang tukuyin ang mamamayang Pilipino sa wikang
Ingles.
Ano ang natutunan?

• Ang bansa ay lugar o teritoryo na may naninirahang mga grupo ng tao na may
magkakatulad na kulturang pinanggalingan kung saan makikita ang iisa o pare-
parehong wika, pamana, relihiyon, at lahi.
• Ang isang bansa ay maituturing na bansa kung ito ay binubuo ng apat
na elemento ng pagkabansa— tao, teritoryo, pamahalaan, at ganap na
kalayaan o soberanya.
• Ang Pilipinas ay isang bansa dahil may mga naninirahan ditong tao, may sariling
teritoryo, may pamahalaan, at may ganap na kalayaan.
• Ang Pilipinas ay isang malayang bansa o estado sapagkat taglay nito ang apat
na elemento.
Pag-usapan natin

1. Ano ang bansa?


2. Ano ang apat na elemento ng pagkabansa?
3. Bakit maituturing na isang bansa ang Pilipinas?
4. Bakit mahalaga sa iyo ang bansang Pilipinas?
5. Paano mo maipagmamalaki ang bansang
Pilipinas?
Sagutan Mo Isulat ang T kung TAMA at M kung MALI.

1. Ang Pilipinas ay isang malayang bansa.


2. Ang Pilipinas ay binubuo ng isang pangkat etniko
3. Ang kapuluan ay kasama sa teritoryo ng Pilipinas.
4. Ang Pilipinas ay may pamahalaang parlamentaryo.
5. Ang Pilipinas ay dapat ipagmalaki bilang isang
bansa.

You might also like