Ang Kaligirang Pang Kasaysayan NG Tulang Pilipino

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 34

Ang Kaligirang

Pangkasaysayan ng
Tulang Pilipino
Ang Katutubong Panahon
Bago pa dumating ang mga Español,
may panitikan nang pasalita ang mga
sinaunang Pilipino. Kabilang dito ang
mga tula, kwento at dula na isinasalin
lamang sa susunod na henerasyon sa
pamamagitan ng bibig.
Ang sinaunang panulaan ay binubuo
ng mga bugtong, salawikain at
kasabihan, tanaga, tulang pambata,
bulong, awiting bayan at epiko.
Maaaring naisulat ng ating mga ninuno
ang mga ito, ngunit nawala ang
karamihan sa kanilang akda dahil
sinunog ng mga Español.
Ang mga di nasunog ay natunaw
pagkalipas ng maraming taon dahil
nakasulat lamang sa kahoy at dahon.
Bagamat magkakaiba ang wikang gamit
ng mga sinaunang Pilipino. Ang
kanilang panitikan ay may iisang
mensahe at layunin.
Ang mga di nasunog ay natunaw
pagkalipas ng maraming taon dahil
nakasulat lamang sa kahoy at dahon.
Bagamat magkakaiba ang wikang gamit
ng mga sinaunang Pilipino. Ang
kanilang panitikan ay may iisang
mensahe at layunin.
BUGTONG.

• Ang unang layunin ay magbigay


kasiyahan sa mga tagapakinig at mga
manlalaro. Kahit simple ang estruktura,
dito nasusukat ang talino at kaalaman
tungkol sa bayan.
SALAWIKAIN at KASABIHAN.

• Ang salawikain at kasabihan ay


nagpapakita ng asal, moralidad, at pag-
uunawa ng ating mga ninuno. Ang
salawikain ay nagbibigay-aral at ang
kasabihan ay nagbibigay-unawa sa mga
pang-araw-araw na gawain.
TANAGA.

• Naglalaman ng pangaral at payak na


pilosopiyang ginagamit ng matatanda
sa pagpapagunita sa mga kabataan. Ito
ay may estrukturang apat na taludtod na
may tigpitong pantig sa iisang saknong.
TULANG PAMBATA.

• Ito ay nagsisilbing pag-unawa sa


kamusmusan ng ating mga ninuno. Ito
rin ay nagpapahayag at nagpapaalala sa
mga maliligayang karanasan nila noong
sila’y mga bata pa.
BULONG.

• Ang ating mga ninuno ay naniniwala


rin sa mga di nakikitang espiritu at
lamang-lupa. Ang ating mga ninuno ay
humihingi ng pasintabi at paumanhin sa
mga ito upang hindi sila mapahamak sa
masasamang pangyayari.
AWITING-BAYAN.

• Ang mga paksa nito’y nagpapahayag


sa damdamin, kaugalian, karanasan,
relihiyon at kabuhayan.
Pinili nila ang mga panitikang sa
kanilang palagay ay makatutulong sa
kanila sa pagpapalaganap ng
Kristiyanismo. Nakita nilang ang mga
katutubo ay mahilig tumula at bumigkas
ng mga tugma. Nahilig din silang
umawit kaya ang lahat halos ng mga
pang-araw-araw nilang mga gawain ay
EPIKO.
• Ang epiko ay mahabang salaysay na
patula. Ito ay karaniwang inaawit o
binibigkas. Ang epiko ay madalas na
patungkol sa mahiwagang pangyayari o
kabayanihang kinapapalooban ng mga
paniniwala, mga kaugalian, at mga
huwaran sa buhay ng mga sinaunang
mamamayan ng isang bayan.
naisasagawa nila nang may angkop na
awitin. Dahil dito, ang mga tula ang
unang kinakitaan ng pagbabagong-bihis.
Ang mga sinulat na tula ng mga paring
Kastilang misyonero ay maiikli sa
simula ngunit habang tumatagal ang
mga ito ay nadagdagan ng mga taludtod.
Nagsimula sa dalawang taludtod
hanggang sa umabot nang lilimahing
taludtod. Nanatili ang sukat at tugma sa
kanilang mga tula kaya hindi nawala ang
indayog sa panulaan nang panahong ito.
Ang dating mga tulang katutubo na
nakasulat sa matandang baybaying
Alibata ay sinulat ng mga misyonero sa
alpabetong Romano. Kasabay ng
pagsulat sa alpabetong Romano ng mga
tulang katutubo ay pumasok na rin sa
panulaang Tagalog ang ilang mga
salitang Kastila.
Nawala ang talinghaga sa panulaan
dahil sa layuning huwag maipagkamali
ng mga mambabasa ang mensaheng
panrelihiyon at pangkagandahang-asal.
Mga Bagong Uri
TUGMA.
• Pagkakatulad ng tunog sa dalawa o
mahigit pang salita sa katapusan ng
mga taludtod.
PASYON
• Sinasalaysay sa paraang pakanta ang
buhay at pagpapakasakit ni Hesucristo.
DALIT.
• Awit na pumupuri sa Diyos o Mahal na
Birhen.
AWIT
• Nagtataglay ng 12 pantig bawat
taludtod. Higit na mas masigla kaysa
korido.
KORIDO
• 8 pantig, karaniwang mahaba at may
mahusay na banghay
Sa kapanuhang ito marahil wala
ng hihigit pa sa kontribusyon ni
Francisco “Balagtas” Baltazar.
Ang Panahon ng Propaganda at
Paghihimagsik
Layunin ng Kilusang Propaganda ang
paghingi sa Espanyang mga reporma sa
Pilipinas. Pinakilala sa mga
propagandista si Dr. Jose Rizal.
Ginanyak niya ang mga Pilipino na
labanan ang mga sakit ng lipunan at
hamunin ang paghaha-
ri sa ating bansa ng mga Espanyol. Nang
siya ay papatayin na, sinulat niya ang
“Mi Ultimo Adios”. Dalawa pang
pangunahing propagandista sina
Graciano Lopez-Jaena at si Antonio
Luna.
Nang hindi makamtan ng mga
propagandista ang kanilang layunin,
ipinasya ng ilan sa kanila na maglunsad
ng himagsikan. Itinatag ni Andres
Bonifacio ang Katipunan upang palayain
ang Pilipinas sa mga pananakop sa
pamamagitan ng armadong rebolusyon.
Ang Panahon ng Amerikano
Binigyang kalayaan ng mga
Amerikano ang mga makatang sumulat
tungkol sa mga paksang makabansa,
relihiyon, politika, lipunan at
demokrasya. Ang kinikilalang makata sa
panahong ito ay si Jose Corazon de
Jesus na kilala rin bilang “Huseng
Batute.”
Siya ay isa sa mga unang makata na
lumayo sa mga tradisyonal na anyo ng
pagsusulat. Dalawa sa mga kilalang tula
ni Batute ang “Bayan Ko” at “Ang
Pamana.”
Ang Panahon ng Hapon
Natutuhan ang pagsulat ng haiku na
may 17 pantig lamang sa loob ng isang
saknong at ng tanaga na binubuo ng 4
na taludtod na may tig-7 pantig at
magkakatugmang tunog sa dulo.
Namayani ang tulang may malayang
taludturan sa panahong ito.
Isa sa mga halimbawa nito ay ang
“Ilaw ng Silangan” ni Idelfonso
Santos.
Ang Panahon ng Kalayaan
Krisis sa politika ang pangunahing
paksa sa panahong ito. Si Amado
Hernandez ang kinikilalang makata sa
panahong ito at ang kanyang tulang
“Kung Tuyo na ang Luha Mo, Aking
Bayan” ay naghahayag ng mga
makikitang sakit ng lipunan.
KASALUKUYAN…
Ang tula sa kasalukuyan ay naglalaman
ng halos walang kakimiang pagpapahayag
ng tunay na damdamin ng makata, ang
kanilang mga tuwirang panunuligsa sa mga
nanunungkulang may tiwaling gawain at
pagpapuri sa mga nakagagawa ng
kabutihan.
Ilan sa mga napabantog na akda ay
ang “Giting ng Bayan” at “Himala ni
Bathala” ni Francisco Rodrigo;
“Alambreng May Tinik, Bombang
Tubig at Usok Na Malupit” ni Remi
Alvarez Alva.
MGA URI NG
TALUDURAN
TRADISYONAL

• May sukat at tugma


• Maaaring wawaluhin,
lalabindalawahin, lalabing-
animin ang taglay na pantig
sa bawat taludtod.
MALAYANG TALUDTURN

• Walang sukat at
walang tugma.
• Malaya ang
manunulat.
BLANGKO BERSO

• May sukat
ngunit walang
tugma

You might also like