Professional Documents
Culture Documents
Aralin 9
Aralin 9
BATAS
ARALIN 9
INTERNATIONAL CLEAN UP
DAY
Ginaganap ang International Clean – Up Day tuwing –ika 17 ng
Setyembre taon-taon. Sabay–sabay ang mga volunteer sa buong mundo
ng paglilinis upang maibalik ang kalinisan at buhay ng mga karagatan at
iba pang anyong tubig. Pitumpu,t isang bahagdan ( 71% ) ng mundo ay
binubuo ng katubigan.Patuloy tayong makakakuha ng kabuhayan at
pagkain sa mga ito kung atin silang aalagaan at pananatilihing malinis. Ang
mga ibat,t-ibang basura tulad ng plastic,sigarilyo,metal,sirang goma,balutan
at lalagyan ng mga pagkain ay madalas na itinatapon ng mga tao sa
katubigan.Ang mga isda at iba pang nabubuhay rito ay makakain ang mga
ito.Ang kumpol-kumpol na basura ay magsisilbing harang din sa kanilang
malayang paglangoy upang makakita ng lugar kung saan sila mangingitlog
o maghahanap ng pagkain.
CLEAN AND GREEN PROJECT
Ang programang ito ay isa sa mga tugon ng Pilipinas sa pandaigdigang
programa na Save Mother Earth.Layunin nito na p puso at dagdagan ang
kaalaman mga Pilipino upang magkaroon ng pagmamalasakit sa kukawin
RRangapaligiran na nagbibigay sa atin ng maraming biyaya. Ilan sa mga
proyektong inilunsad kaugnay nito ay:
Paglilinis ng kapaligiran,kalsada,kanal at ilog.
Pagsasagawa sa mga kapitbahayan ng mga gulayan.
Pagtatanim ng punongkahoy.
Pagpapalaganap ng mahahalagang kaalaman tungkol sa pangangalaga
sa kalikasan.
Paglahok sa Earth Hour Program.
Immunization Program
Ang panganglaga sa kalusugan ng mga tao ay isa rin sa mga suliranin
na tinutugunan ng mga bansa.Sa tulong ng World Health Organization,ang
Pilipinas ay isa sa mga bansa na nakikinabang sa ipinamamahagi nitong
bakuna.Sa pamamagitan nito,ang mga tao ay nagkakaroon ng pangontra
sa mga sakit na nakahahawa at iba pang sakit tulad ng tigdas, hepatitis,
tetanus,polyo at iba pa. Ang mga local na pamahalaan sa Pilipinas ay may
kani-kaniyang paraan sa pagsugpo ng mga nakahahawang
sakit,pagbabakuna sa mga sanggol at ganundin sa mga magulang na
nagbubuntis.Kalakaran sa bawat barangay ang ianunsyo o ipaskil ang
schedule ng pagbabakuna tulad na lang nang ginagawa sa barangay
Mayapyap, Lungsod ng Cabanatuan.
PROGRAMANG KALIGTASAN AT
PANGKAPAYAPAAN