Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 20

MODYUL SA FILIPINO

F I L 6 2 - E D ( 2 0 1 8 - A ( L E C ) PA G B A B A S A N G
M GA O B RAMAE STRA N G FI LI PI N O

PARUSA
Ni Genoveva Edroza-Matute

IL
• LAYUNIN
• MGA IMPORMASYON
• PANIMULANG GAWAIN
• TALASALITAAN

F
• GABAY NA TANONG
• PAGBASA NG KWENTO
• PAGSAGOT SA TANONG
• PANLINANG NA GAWAIN
• PANGWAKAS NA GAWAIN

Isang gawaing pampagkatuto gamit ang dulog at


istratehiya sa paglinang ng komprehensyon na
"Ugnayang Tanong-Sagot”.

INIHANDA NINA: G. Glendon Ramirez at G. Jay Louie


PAGBATI

MAGANDANG
BUHAY!

Kumusta ang iyong naging paglalakbay sa


naunang mga aralin? Mahaba-haba na rin ang
iyong daan na tinahak bago ka makarating rito at
tiyak kong marami kang natutuhan at
matagumpay mong naisagawa ang mga gawain.
Sa puntong ito, mas palalawakin pa natin ng iyong
kaalaman at hahasain ang iyong mga kasanayan
upang mas maging handa ka sa paparating pang
hamon. Handa ka na ba?

Sa modyul na ito, tutuklasin mo ang isang obra-maestra tungkol sa isang


panghabang-buhay na parusa nang dahil lamang sa pagpapairal ng poot at
galit sa buhay. Sa maikling kwentong ating babasahin ay makapupulot
tayo ng mga aral sa buhay. Tara!
Sasamahan kitang lakbayin at alamin ang kwentong pinamagatang
“Parusa” ni Geneveva Edroza-Matute
LAYUNIN SA PAGKATUTO

MGA LAYUNIN
Pagkatapos ng mga gawain, ang mga mag-aaral ay
inaasahang:

Nakikilala ang mga tauhan sa kwentong


a. “Parusa”;

Nagagamit ang mga salita sa talasalitaan sa


b. sariling pangungusap;

Nakapagbabahagi ng mga ideya at kaalaman


c. tungkol sa kwentong binasa;

Natutukoy ang mga bahagi ng banghay ng


d. isang maikling kwento;

Nakapagsusulat ng banghay sa kwentong


e. pinamagatang “Parusa;”

Napahahalagahan ang buhay at katangiang


f. magpatawad sa kapwa sa pamamagitan ng
pagsagot sa mga tanong.
MGA IMPORMASYON

PAMAGAT NG KWENTO AT IMPORMASYON TUNGKOL SA


MAY -AKDA

“Parusa” ni Genoveva Edroza Matute (Unang Gantimpala 1960-61)


- Carlos Palanca Memorial Awards sa kategorya ng mga maikling kwento.

Genoveva Edroza-Matute (3 Enero 1915


– 21 Marso 2009)

Siya ay mas kilala sa tawag na “Aling


Bebang.” Siya ay isang bantog na
kuwentistang Pilipino. Isa rin siyang guro
at may-akda ng aklat sa Balarilang Tagalog,
na nagturo ng mga asignaturang Filipino at
mga asignaturang pang-edukasyon.

Natamo niya ang unang Gawad Palanca


para sa Maikling Kuwento sa Filipino
noong 1951, para sa kwentong Kwento ni
Mabuti. Ang kanyang kwentong Paglalayag
sa Puso ng Isang Bata ay nagwagi rin ng
Gawad Palanca noong 1955, at ang Parusa
Larawan mula sa
noong 1961. Nagtamo siya ng Gawad CCP
https://artsandculture.google.com/entity/%D7% para sa Sining/Panitikan noong taong 1992.
92-%D7%A0%D7%95%/m05q7vph?hl=iw

Ang ilan sa mga naging aklat niya na nailimbag ay ang "Mga Piling Maikling
Kuwento" ng Ateneo University Press, "Ang Tinig ng Damdamin" ng De La Salle
University Press at ang "Sa Anino ng Edsa", na mga maikling kuwentong isinulat
niya bilang National Fellow for Fiction, 1991-1992, ng U.P. Press.

Noong 2005, ginawaran ng pagkilala ang kanyang mga kontribusyon sa


panitikang Pilipino ng dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
PANIMULANG GAWAIN

I PANGUNGUSAP MO!
Panuto: Sumulat ng isang makabuluhang pangungusap gamit ang salita hango sa kahulugan
nito. Isulat sa patlang pagkatapos ng bawat kahulugan ang nasulat na pangungusap.

ito ay dinadaanan na ang uri nito ay pwedeng kahoy,


andamyo bakal o semento.

____________________________________________________
____________________________________________________

Ito ay hango sa salitang Espanyol na vapor. Ito rin ay


bapor minsang tinatawag na barko.

____________________________________________________
____________________________________________________

Ito ay masining na paglalarawan sa tao o mga tao na


bata nagtatrabaho para sa mga nagmamay-arii ng kahit na
anong kompanya.

____________________________________________________
____________________________________________________

Ito ay sistema ng halinhinang pag-utang mula sa


paluwagan pondong hinuhulugan ng lahat ng umuutang.

____________________________________________________
____________________________________________________

isang malambot o kumpidensyal na tono ng boses;


anasan isang bulong na salita o parirala.

____________________________________________________
____________________________________________________
TALASALITAAN

TALASALITAAN
andamyo ito ay dinadaanan na ang
uri nito ay pwedeng
kahoy, bakal o semento.

Ito ay hango sa salitang


bapor Espanyol na vapor. Ito rin
ay minsang tinatawag na
barko.

Ito ay masining na
bata paglalarawan sa tao o
mga tao na nagtatrabaho
para sa mga nagmamay-
arii ng kahit na anong
kompanya.

Ito ay sistema ng
paluwagan halinhinang pag-utang
mula sa pondong
hinuhulugan ng lahat ng
umuutang.

isang malambot o
anasan kumpidensyal na tono ng
boses; isang bulong na
salita o parirala.
GABAY NA TANONG

TANDANG PANANONG
?

?
TANDAAN ANG MGA TANONG

1. Sino si Salamin sa kwento?


2. Sino ang lider ng Unyon sa Bapor?
3. Mag-kaano ang nahiram ni Ventura kay Big
Boss?
4. Sino ang hindi nakapagtapos at nag-asawa
kaagad?
5. Saan nag-uunahan ang mga anak ni Salamin at
ni
Big Boss?
6. Ano ang pakiramdam ni Big Boss nang siya ay
dumalaw sa tahanan nila Ventura?
7. Sino ang nagsabi kay Big Boss na patay na ang
anak ni Ventura?
8. Bakit nakipag-usap si Ventura na makuha ng
maaga ang kaniyang sweldo mula kay Big
Boss?
9. Sino ang namatay sa kwentong “Parusa?”
10. Ano ang huling nadiskubre ni Big Boss tungkol
Sasagutin lamang ang mga katanungan pagkatapos ng
sa batang namatay?
pagbasa sa kwento na “PARUSA”.
BASAHIN MO!

“PARUSA” NI GENEVEVA EDROZA-MATUTE

Naunahan ng paggising at pag-iinat ng daungan ang pagsikat ng araw.


Makakapal pa ang mga aninong buong higpit na yumayakap sa mga
pintungang nangaroon ay nagsimula na ang mga yabag napayao’t dito,
ang anasang unti-unting nagkatinig hanggang sa maging ingay, hanggang
sa makiisa samatinis na sipol ng kadadaong na bapor.Nag-unahan sa
andamyo ang mga bata ni Salamin. Nakatitiyak ang kanilang
mga hakbang.Sapagkat ang mga bata ni Salamin ay mga bata ng Big
Boss. Ang Big Boss ang nakaaalam sa mga baporna lumabas-pumasok
sa daungang yaon.“Oras na nakapit ka kay Salamin… buhay ka na!”“E
ang Big Boss… hindi ko na ba kailangang makilala ang…”Malakas ang
halakhak na isinagot ng Big Boss sa ikinuwentong iyon ni salamin sa
kanya isangaraw. Samantalang buong inip silang naghihintay na maiahon
ng kanilang mga tauhan ang mga kalakal ngkadadaong na bapor.“Mabuti
naman at nalalaman nila!”“Mabuti na ang maliwanag antemano, Boss…
Mahirap nang masingitan pa ang katalo. Kung sabagay e… ano naman
ang magagawa ng maski sino, kung sakali?”Nagtinginan nang matagal
ang dalawa. May mahiwagang liwanag na kumislap sa kanilang
mgamata. Biglang inalis ng Big Boss ang tabako niya upang hindi
maibuga ng madagundong sa halakhak nayumanig sa namimintog niyang
tiyan.“Sigurado ka bang hindi ka masisingitan ng pakawala?”“Mahirap
na, Boss! Sakali mang makasingit, ano naman ang delito niya, aber? Sa
payroll, anim napiso… may pirma siya!” Tumikhim muna sandali si
Salamin. “Kung may reklamo siya, aba, magsumbongsiya sa
Unyos!”Hinintay ni Salamin ang muling pagyanig ng namimintog sa
katawan ng Big Boss sa isa pangmadagundong na halakhak.
BASAHIN MO! “PARUSA” NI GENEVEVA EDROZA-MATUTE

Nagtaka siya nang ito’y ngumiti lamang nang bahagya; alanganin,


dinampotang malamig na inumin sa baso, lumagok nang nakalawa,
ibinaba ang baso, marahang iginuhit-guhit anghintuturo sa malamig na
“pawis” ng baso.“Bago ako naging pangulo ng Unyon ng mga
trabahador, naging estibador ako, Salamin… bagoiyon, nagtrabaho ako
sa daan… at bago iyon…”Biglang ipinukpok ng Big Boss ang baso ng
inumin sa hapag. Lumigwak ang laman nito.“Sa bawat isa niyon…
sinamantala ako!”Natapos ang hapong iyon nang walang imikan.Nag-
alala si Salamin na baka nagdamdam sa kanya ang Big Boss. Ngunit
nang magkita silangmuli kinabukasan ay naroon na naman ang ngiting
humalili sa tabakong saglit na inalis niyon sa labi.“Ikaw na nga pala ang
bahala muna sa ilang bata natin sa Unyon, Salamin. Magbabakasyon
akosandali.”“Siya nga pala, Boss, kilala mo na ba si Ventura, ang bago
nating bata rito sa piyer? Kasapi na saUnyon e.”Ngunit ang Big Boss ay
di dapat abalahin sa maliliit na bagay gaya ng isang bagong tagapasan
ong isang bagong kasapi sa Unyon.Ang mahalaga’y kabilang na si
Ventura sa “palakad”. Nakayangyong na sa kanya
angdambuhalang “palakad”: anim na piso isang araw sa payroll, limang
piso sa bulsa – ang piso pang hindi niyamaiuwi kalian man ay maaaring
tuntunin – marahil sa kung lalapit siya sa Unyon. Ang pangulo ng Unyon
ayang Big Boss.Sasabihin sana niya sa Big Boss: “Boss, ang Venturang
iyon… baka makatulong natin sa Unyon,mukhang matalino e. Tiningnan
ko ang record. Nag-aral. Hindi nga lamang nakatapos sapagkat nag-
asawaagad. Empleyado sana ngunit nabawas. Matagal na walang
mapasukan kaya’t nag-laborer na lamang.Matagal na hindi kumibo
nang ipaliwanag ko ang “palakad”. Ngunit pagkatapos ay pumirma rin sa
anim napiso. Ngayon, ang gusto kong sabihin sa iyo, Boss, baka natin
magamit si Ventura. Mabi-build-up natin saUnyon. E di
pakikinabangan natin pagkakandidato nito sa pulitika. Hindi ba
kamo iniisip mongmagkandidato… total, sigurado ang botante mo,
dahil sa Unyon…?”Matagal nang nakabalik ang Big Boss buhat sa
pagbabakasyon nang mabuksan ni Salamin angtungkol kay Ventura.
BASAHIN MO! “PARUSA” NI GENEVEVA EDROZA-MATUTE

Pinagtiyagaan muna ni Salamin ang pakikinig at paghangasa maraming


bihag ng Big Boss sahuling lakad nito. Naulit na naman ang
pagtatanong niya kung talagang hindi na ito lalagay sa tahimik…kung
paano ito magkakaroon ng anak na sinasabing ibig na ibig nito?Sa
unang tanda ng pagkapagod nito sa pagbabalita’y maingat
ngunit mabilis na ipinasok sasalitaan ni Salamin ang tungkol kay
Ventura. Ipinakita niya sa Big Boss ang record card ng bago nilang
tauhan. Patuloy ang pagbabalita ng Big Boss habang tinitingnan
ang record card ni Ventura. Biglangnaputol ang pagsasalita nito at
napatitig nang walang kurap sa kanyang hawak.“Akalain mo, Salamin?
Akalain mo? Ang misis ng Venturang ito ay isa sa mga naging bata
ko!”Ayaw n asana ni Salaming ipagpatuloy ang mungkahi niya tungkol
kay Ventura. Nag-alala rin siyasa maaaring mangyari. Ngunit ang Big
Boss ngayon ang mapilit: Nais niyang makita si Ventura. Nais niyaitong
makausap. Makilala. Nais din niyang makabalita tungkol sa maybahay
nito. Hindi sa ano pa man.Kuryusidad lamang.Ipinatawag ng Big Boss si
Ventura. Ibig niyang makita ang sinasabi ni Salaming bagong tauhan
sadaungan, ang bagong kasapi sa Unyon, sapagkat ito ay matalino,
sapagkat ito ay di gaya ng karaniwangtagapasan nila roon, sapagkat
maaari niyang mapakinabangan ito kung sakaling matuloy ang
bianabalakniyang pagkakandidato, ngunit lalo sa lahat, sapagkat ito ang
napangasawa ni Neneng.Nagkunwari si Salaming nakalimot sa
ipinagbilin ng Big Boss. Simisidhi ang pag-alala niya samaaaring
bulakin nito sa maybahay ni Ventura. Ipinagpaliban niya ang
pagsasama rito sa Big Boss,hanggang sa hindi na niya
maipagpaliban pang muli. Nang iwan ni Salamin si Ventura sa harap ng
Big Boss, ito’y mapitagang nakatayo sa harap nghapag na kinauupan ng
Big Boss. Pinagmamasdan ng mga naninikit na mata ng Big Boss ang
nakatayo sa harap ng kanyang hapag.
BASAHIN MO! “PARUSA” NI GENEVEVA EDROZA-MATUTE

Walang pagkagulat ang Big Boss sa kanyang nakita: itong talaga ang uri
ng lalaking maiibigan niNeneng, ang naisip ng Big Boss; hindi
makisig hindi nakakatawag-pansin, tahimik, hindi
kagugulatan:kabaligtaran niya.Matagal nang nakalabas sa kanyang
tanggapan si Ventura, matagal na niya itong nakausaptungkol sa
maaari pa nitong gawin bukod sa pagpapasan sa daungand, ang Big Boss
ay nakaupo pa rin saharap ng malaki niyang hapag. Saglit siyang
nagbalik sa lalawigan – doon sa kinatagpuan niya kay Neneng,noong
ito’y maniwala sa kanya ng lubusan, umibig, umasa, naghintay – gaya ng
din a niya mabilang ngayonkung ilan. Saan nagwawakas ang pag-asa at
nagsisimula ang kamatayan ng pananalig? Kailan nag-uugatang bagong
paniniwala? Ang bagong pagmamahal?“Kuryusidad lamang,” ang
patawang sinabi ng Big Boss kay Salamin, nang magpadaan ito
sakanyang tsuper sa direksiyong nakatala sa record card ni
Ventura.Ngunit ang kuryusidad na iyo’y pinagmulan ng mga disukat
akalain: ang mga nasasabik na tanongni Salami’y nakatagpo ng di-
inaasahan katahimikan; ang Big Boss ay kinapansinan ng pagwawalang-
kibo,pagsusungit, pag-iinit ng ulo; si Ventura ay bigla na lamang
nagpapaalam kay Salamin – nagyayaya raw pilitang kanyang maybahay
na umuwi sa lalawigan, sa di niya malamang kadahilanan.Napagtulungan
nina Salamin at Big Boss ang paghimok kay Venturang magpatuloy sa
Gawain sadaungan – gawaing tuntungan lamang sa pagtaas, paghawak
ng mataas ng tungkulin sa Unyon, pag-unlad,pagtatagumpay.Si Salamin
at nasisiyahan bagaman nagtataka sa mga pangyayari.“Ano ang sabi ko
sa iyo, Boss, matalino si Ventura at pakikinabangan natin sa
hinaharap.”“Sayang at matigas ang kanyang asawa!” Sa tinig
ng Big Boss ay may gumagapang napagbabanta.Matagal bago
napag-alaman ni Salamin ang mga pangyayari. Unti-unti.Nabigla nang
gayon na lamang ang maybahay ni Venturanang unang dumalaw sa
tahanan nilaang Big Boss. Nagkahalo rito ang pangamba, ang poot, ang
lamig at tigas ng bakal.
BASAHIN MO! “PARUSA” NI GENEVEVA EDROZA-MATUTE

Wala na ni muntingbakas ang lumipas.Ang laki ng mga tagumpay ng


Big Boss sa maraming bagay ay nakatagpo ng walang-
hanggangkabiguan kay Neneng: lubusan ang pagkapinid ng pinto sa
kamalian, sa kabulagan ng kahapon: walang-kapantay ang pagmamahal,
ang paggakang ni Neneng kay Ventura – walang makababago rito, ni
angpangamba sa mga pagbabanta, ni ang panganib ng sumpa’t pagtalikod
ng kabiyak, kung sakali. Lalong di-nagkabisa ang maririkit na pangako
ng tagumpay, kariwasaan, kasaganaan – para kay Neneng at
Ventura,lalung-lalo na sa kaisa-isa nilang anak.Ang minsang kabiguan sa
isang nahirati sa mga tagumpay ay nagpapaulol dito. Nakikita ni
Salaminsa mga mata ng Big Boss ang unti-unti ngunit tiyak na
pagbabaga ng ulol na pagnanasa sa di-mangyayari.Natiyak ni Salaming
andyang masama ang nangyayari sa Big Boss nang ito’y maglagi sa
kanila –upang kalaruin, upang sundan-sundan ng tingin ang kanilang
anak. Alam nilang lahat sa daungan angmatinding pagnanasa nito sa
isang anak, ang kawalan nito ng pamilya, ang walang-hanggang
paghahanapnito sa mga ugat ng tunay na kaligayahan.Napag-alaman din
ni Salaming nabubuhos ang loob ni Big Boss sa kaisa-isang anak nina
Venturaat Neneng – habang lalong ipinipinid nitong huli ang ano mang
daan ng kanilang pagkikita. Ang totoo, kungkasama lamang ni Ventura
ang Big Boss sa kanilang tahanan napipilitang pakihirapan ito ni
Neneng. Atnasasaksihan ng Big Boss ang buhay-mag-anak na kalian
ma’y hindi naging bahagi ng malalaki niyangtagumpay.

Lalong natiyak ni Salaming sadyang palubha nang palubha ang


nangyayari sa Big Boss.
“Isama mo si Ventura sa ating… uhum… ‘paluwagan’.”Kaya’t nang
hapong iyo’y ipinarinig niya kay Ventura ang tungkol sa
“paluwagan”. Dali-dalinglumapit si Ventura kay Salamin at sa kausap
nito. Bago umuwi si Ventura ay nakahiram ito ng limampungpisa buhat
sa “paluwagang” may patubong beinte porsiyento.May sakit ang kaisa-
isang anak ni Ventura
BASAHIN MO! “PARUSA” NI GENEVEVA EDROZA-MATUTE

Patuloy ang palagda ni Ventura sa anim na piso isang araw sa payroll, sa


pag-uwi ng lima, sapaghihintay na mataas ng tungkulin sa daungan, sa
Unyon, sa pahina nang pahinang pangungunyapit samga gilid ng
humihigop na “paluwagan”.Nanatiling tuwid at maigting ang guhit ng
mga labi ng Big Boss.“Boss,” ang minsa’y napangahasang simulang
sabihin ni Salamin, “kung talagang matigas angasawa ni Ventura,
mabuti pa kaya’y… total, marami ka naman iba riyan at…”“Ngayon pa,”
ang putol ng Big Boss, “ngayon pang naglulubha ang kanilang anak at
baon na baonna sa utang si Ventura? Tingnan ko kung hindi
maglulumuhod sa akin ang babaing iyon para siya aytulungan!”
Kakaiba ang tinig ng Big Boss. Hindi nakilala ni Salamin ang tinig ng
Big Boss. Ngunit nagpatuloy na nag-uulol ang baga ng kabiguan sa mga
mata ng Big Boss. Masungit ang panahon. Wala pa si Ventura. Nang
dumating ito’y tuloy-tuloy sa tanggapan ng BigBoss. Nakiusap,
naglumuhog, upang mukha nang maaga ang suweldo niya kung maaari.
Ngunit iyon aylabag sa palakad. Upang makakuha pang muli sa
“paluwagan”. Ngunit ang pagkukulang niya roo’y umabotna sa
hanggahang ipinahihintulot ng palakad. Dali-daling umalis si Ventura.
Litung-lito.Agaw-buhay sa pagamutan ang kaisa-isang anak nina
Ventura.Matagal na napatingin si Salamin sa Big Boss sa kabila ng
hapag. Tangan ng huli ang sobre ngsuweldo ni Ventura na madaling
nakuha ni Salamin sa kahero s autos ni Big Boss.“Akala ko, Boss,
ibibigay mo iyan?”“Sana nga, kaya, ipinakuha ko sa iyo… ngunit
nagbago ang loob ko…”Lalong tumuwid at umigting ang guhit ng mga
labi ng Big Boss.“Darating siya! Darating siya!” ang anas na nanggaling
sa tuwid at maigting na guhit.Nagsimulang humihip ang hangin sa mga
durungawan ng tanggapan. Ang mga ingay a daunganay unti-unti nang
ginagapi ng palakas na salpok ng mga alon. Pahaba na nang pahaba ang
mga daliri ngsarisaring aninong yumuyungyong sa mga pintungan.Isang
katok ang biglang nagpatayo sa Big Boss buhat sa kanyang hapag.“Siya
na!”“Tuloy! Bukas iyan!” ang malakas niyang sabi.Pumasok si
Salamin.“Boss, dumating ang kumpare ni Ventura. Patay na raw ang anak
niyon.
BASAHIN MO! “PARUSA” NI GENEVEVA EDROZA-MATUTE

Hindi naman pala anak niVentura iyon e… Anak ng maybahay niya… sa


una…”Sa una… sa una… sa una…Umikot ang mahahabang daliri ng
mga anino sa silid. Umikot din si Salamin. Mula sa pagkakatayo,
bumagsak ang Big Boss sa silya niyang umiikot… ang buong silid, ang
buong daigdig ay umikot…Sa daungan, ang iba’t ibang ingay ay tuluyan
nang nagasa ng mga naghuhumindig na alan ng nagngangalit na dagat…

Wakas
REAKSYON MO! I-POST MO!
Isulat at ibahagi ang iyong komento at reaksyon sa nabasang kwento na ang
“Parusa” gamit ang status box sa ilalim. Pito (7) hanggang (10) pangungusap
ang haba ng reaksyon na ibibigay.
parusa ni genoveva matute

______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________
BALIKAN at SAGUTIN NATIN..

SAGUTIN ANG MGA TANONG


Panuto: Sagutin ang mga katanungan batay sa kwentong nabasa.

?
Isulat ang sagot sa patlang pagkatapos ng bawat tanong.

1. Sino si Salamin sa kwento?


__________________________________________________

2. Sino ang lider ng Unyon sa Bapor?


__________________________________________________

3. Mag-kaano ang nahiram ni Ventura kay Big Boss?


__________________________________________________

4. Sino ang hindi nakapagtapos at nag-asawa kaagad?


__________________________________________________

5. Saan nag-uunahan ang mga anak ni Salamin at ni Big Boss?


__________________________________________________

6. Ano ang pakiramdam ni Big Boss nang siya ay dumalaw sa tahanan nila
Ventura?
__________________________________________________

7. Sino ang nagsabi kay Big Boss na patay na ang anak ni Ventura?
_________________________________________________

8. Bakit nakipag-usap si Ventura na makuha ng maaga ang kaniyang sweldo


mula kay Big Boss?
__________________________________________________

9. Sino ang namatay sa kwentong “Parusa?”


__________________________________________________

10. Ano ang huling nadiskubre ni Big Boss tungkol sa batang namatay?
__________________________________________________
ALAMIN MO…

BAHAGI NG BANGHAY
Sa bahaging ito pininakikilala sa mga mambabasa ang mga
tauhan at tagpuan. Nagsisimula ito sa unang kalagayan na dapat
PANIMULA na mapukaw sa interes ng mga mambabasa na ipagpapatuloy
ang pagbabasa ng akda.

Sa bahaging ito, tumitindi o tumataas ang galaw o kilos ng mga


tauhan na humahantong sa sukdulan.Nahahati ito sa saglit na
TUNGGALIAN kasiglahan at tunggalian na may suliraning lulunasan o lulutasin
ng tauhan.

Dito sa bahaging ito ipinakikita ang mataas na bahagi ng


kapanabikan na sanhi ng damdamin o maaksyong pangyayari
KASUKDULAN
sa buhay ng mga tauhan.

Ipinapakita sa bahaging ito ang unti-unting pagbibigay linaw sa


mga pangyayari sa akda.Dito inihuhudyat ang pababang aksyon
KAKALASAN
na nagbibigay-daan sa nalalapit na katapusan ng akda.

TUNGGALIAN

Ang kinahihinatnan ng mga tauhan at ng mga pangyayari sa


akda ay inilalahad nito.
WAKAS
PANLINANG NA GAWAIN

BANGHAYIN MO!
Panuto: Ibanghay ang kwento na ang “PARUSA”. Isulat sa
box ang mahalagang pangyayari na naayon sa banghay.

_________________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________
PANIMULA _________________________________
_________________________________
_________________________________
_________

_________________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________
TUNGGALIAN
_________________________________
_________________________________
_________________________________
_________
PANLINANG NA GAWAIN

BANGHAYIN MO!

_________________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________
KASUKDULAN
_________________________________
_________________________________
_________________________________
_________

_________________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________
KAKALASAN
_________________________________
_________________________________
_________________________________
_________

_________________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________
WAKAS _________________________________
_________________________________
_________________________________
_________
PANGWAKAS NA GAWAIN

PAHALAGAHAN MO!
a) Anong aral ang iyong napulot sa maikling kwento na ang “PARUSA”?

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___

b) Kung ikaw ang nasa sitwasyon ni “Big Boss” papahiramin mo ba ng pera si


Ventura?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___

c) Kung ikaw si Ventura, mapapatawad mo ba si “Big Boss” sa kanyang


nagawang kasalanan?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___

d) Ano ang pipiliin mo? Pera o Kaluluwa? Ipaliwanag.


___________________________________________________________________
MARAMING SALAMAT
Hanggang sa susunod na aralin, paalam!

MGA HANGUAN

ANG PARUSA NI GENOVEVA EDROZA-MATUTE


https://pdfslide.net/documents/parusa-563101a417d55.html

MGA BAHAGI NG BANGHAY


https://reniemardos.wordpress.com/2015/11/26/ang-banghay-ang-mga-bahagi-at-elemento-nito/

MGA LARAWAN
https://www.vhv.rs/viewpic/iRRxxxm_standing-on-blackboard-podium-student-the-teacher-clipart
/

https://www.sommerspc.com/blog/2018/06/scaffolding-issues-are-a-common-cause-of-constructi
on-accidents/

https://www.flickr.com/photos/marories/2956519393

https://news.abs-cbn.com/news/06/01/19/babaeng-tangan-ang-anak-nasagip-nang-tumalon-sa-b
arko-sa-dipolog

You might also like