Tekstong Impormatibo

You might also like

Download as ppt, pdf, or txt
Download as ppt, pdf, or txt
You are on page 1of 15

Ito ay nagbibigay ng mga

impormasyong
nakapagpapalawak ng
kaalaman ay nagbibigay
liwanag sa mga paksang
inilalahad upang mapawi
nang lubos ang pag-
aalinlangan.
Bahagi
Pamagat
Panimula (Panimulang
Pangungusap)
Katawan (Kabuuang nilalaman
ng teksto)
Pangwakas
Halimbawa:
( Ang mga Produkto ng Pilipinas)
Mapalad ang bansang Pilipinas sapagka’t
pinagkalooban ito ng Manlilikha ng mayama’t
masaganang lupain.
Isang bansang agrikultural ang Pilipinas.
Nangangahulugang walumpung bahagdan ng mga
Pilipino ay nabubuhay at umaasa sa pagsasaka. Bigas
ang pangunahing pagkain ng mga tao subali’t
mayroon ding mais na ipinanghalili bilang kanilang
pangunahing pagkain. Gitnang Bisaya,Mindanao at
Lambak ng Cagayan ang pangunahing tagaprodyus
ng mais. Itinuturing namang Kaban ng Bigas ng
Pilipinas ang Gitnang Kapatagan
sapagka’t dito nagmumula ang
pinakamarami’t pinakamalaking ani ng
bigas sa buong bansa.
Maliban sa bigas at mais,marami ring
tanim na puno ng niyog sa bansa. Ito ang
dahilan kung bakit nangunguna ang
Pilipinas sa pagluluwas ng kopra at
langis.Kabilang din sa mga iniluluwas
ang produktong abaka,tabajo,asukal at
iba’t ibang prutas gaya ng
pinya,mangga,saging,at marami pang iba.
Hindi ba’t dapat ipagpasalamat ang mga
biyayang ito na handog ng Diyos?
Tanong:
1.Anong uri ang tekstong binasa?
Patunayan sa pamamagitan ng
halimbawang pangungusap.
2.Paano sinimulan,winakasan at
inilahad ang mga impormasyon
sa teksto?
Ang Lalawigan ng Iloilo
Ang Lalawigan ng Iloilo ay matatagpuan sa timog-silangang bahagi ng Islang Panay. Ito
ay kabilang sa rehiyon ng Kanlurang Kabisayaan. Napaliligiran ito ng mga lalawigan ng Capiz
sa hilaga, ng Antique sa kanluran, ng Dagat Kabisayaan at Kipot Guimaras sa silangan, at Golpo
ng Panay at Kipot ng Iloilo sa timog.
Ang Iloilo ay isa sa mga pangunahing
pinagmumulan ng bigas sa Pilipinas. Bukod sa
bigas, ang ilan pa sa mga pangunahing
produkto na nagmumula rito ay tubo, niyog,
mais, saging,
mangga, kape, at iba pang lamang-ugat na
halaman.
Ang pangisngisda ay isa ring mahalagang
pinagkakakitaan ng mga taga-Iloilo. Ang mga
bangus at hipon ay pinagmumulan ng malaking
kitang dolyar ng lalawihan.
Kilala naman ang abayan ng La Paz dahil sa
masarap na batsoy.
Tanong:
1.Anu-anong impormasyon ang laman ng tekstong
iyong binasa?
2.Saan matatagpuan ang Lalawigan ng Iloilo?
3.Anu-ano ang mga paniniwala ukol sa Lalawigan ng
Iloilo?
4.Ano ang ipinambabayad ng mga datu?
5.Kailan itinatag ang Lalawigan ng Iloilo?
6.Ibigay ang mga produktong nagmumula sa Iloilo?
7.Ano ang pangunahing pinagkakakitaan ng mga
taga-iloilo?

You might also like