Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 33

MGA POSISYONG PAPEL NG IBA’T IBANG

ORGANISASYON, UNIBERSIDAD AT
INSTITUSYON NG PAMAHALAAN HINGGIL
SA KANILANG TINDIG LABAN SA CMO
BILANG 20, SERYE 2013 NG KOMISYON SA
LALONG MATAAS NA EDUKASYON
POSISYONG PAPEL NG
KOMISYON SA WIKANG
FILIPINO (KWF)
POSISYONG PAPEL NG KOMISYON SA
WIKANG FILIPINO (KWF)

 Alinsunod sa Artikulo XIV, Seksiyon 6-7 ng 1987


Konstitusyon, dapat magsagawa ng hakbang ang
pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod
ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal
na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa
sistemang pang-edukasyon.
POSISYONG PAPEL NG KOMISYON SA
WIKANG FILIPINO (KWF)

 Tungkulin ng KWF ang pagtitiyak sa higit pang


pagpapaunlad, pagpapayaman, pagpapalaganap,
at preserbasyon ng Filipino at ng iba pang wika sa
Filipinas.
POSISYONG PAPEL NG KOMISYON SA
WIKANG FILIPINO (KWF)

 Ang nasabing Memorandum Order ay magbubunga ng


pagkawala ng trabaho ng maraming guro.
 Ang pagpapaubaya sa mga institusyon sa mataas na
edukasyon(HEIs) sa pagpili ng wikang gagamitin sa Core
Courses ay maglalagay sa Wikang Filipino sa tagibang na
posisyon dahil sa patuloy na pamamayani ng Ingles sa
edukasyon.
POSISYONG PAPEL NG KOMISYON SA
WIKANG FILIPINO (KWF)
 Nanganganib na mawala nang tuluyan ang
Filipino, hindi lang bilang isang sabjek, kundi
bilang wikang panturo sa antas tersyarya.
 Tiyaking ang kalahati o apat(4) sa panukalang
core courses, bukod sa kursong Rizal, na nakasaad
sa CMO Blg.20,s.2013 ay ituro gamit ang Wikang
Filipino.
POSISYONG PAPEL NG KOMISYON SA
WIKANG FILIPINO (KWF)

 Magsagawa ng mga retooling ng mga guro


upang matiyak ang kanilang kahandaan sa
pagtuturo ng core courses at edukasyong
elektib.
POSISYONG PAPEL NG DEPARTAMENTO
NG FILIPINOLOHIYA NG
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG
PILIPINAS (PUP)
POSISYONG PAPEL NG DEPARTAMENTO NG
FILIPINOLOHIYA NG POLITEKNIKONG
UNIBERSIDAD NG PILIPINAS (PUP)
 Peligrosong hakbang ang ginawa ng Komisyon
sa Lalong Mataas na Edukasyon (CHEd) nang
alisin ang asignaturang Filipino sa inilabas
nilang Memorandum Order Blg.20 na may
petsang hunyo 28 serye 2013.
POSISYONG PAPEL NG DEPARTAMENTO NG
FILIPINOLOHIYA NG POLITEKNIKONG
UNIBERSIDAD NG PILIPINAS (PUP)
 Ang asignaturang Purposive Communication na
nakapaloob sa bagong kurikulum ay halata namang
nakakiling sa Ingles kung kaya’t aangkinin lamang
ito ng Departamento ng Ingles sa mga unibersidad
at kolehiyo.
POSISYONG PAPEL NG DEPARTAMENTO NG
FILIPINOLOHIYA NG POLITEKNIKONG
UNIBERSIDAD NG PILIPINAS (PUP)
 Sa Pangunguna ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng
Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas(PUP) na
tinaguriang largest state university in the country na
binubuo ng humigit kumulang 70,000 na mga mag-
aaral na nagmula sa iba’t ibang panig ng bansa ay
matatag na nanindigan na panatilihin ang Filipino
bilang asignatura sa Kurikulum.
POSISYONG PAPEL NG DEPARTAMENTO NG
FILIPINOLOHIYA NG POLITEKNIKONG
UNIBERSIDAD NG PILIPINAS (PUP)
 Taong 2013 nang hirangin ng CHED ang PUP Kagawaran ng
Filipinolohiya bilang sentro ng Pagpapahusay ng Programang
Filipino, bago pa ito, natamo na nito mula sa Accrediting Agency of
Chartered Colleges and Universities in the Philippines(ACCUP) ang
pinakamataas na akreditasyon (Antas 3) at kasalukuyang nakasalang
sa internalisasyon ang programang AB Filipinolohiya na inihain nito.
 Ngunit ang lakas at pagsisikap na ito ay mawawalan ng kabuluhan
kapag tinanggalan ng puwang ang disiplinang Filipino.
POSISYONG PAPEL NG
PAMANTASANG DE LA SALLE-
MAYNILA (DLSU-M)
POSISYONG PAPEL NG PAMANTASANG DE LA
SALLE-MAYNILA (DLSU-M)
 Dapat bigyang-diin na hindi sapat na maging opsyonal
na wikang panturo lamang ang wikang Filipino sapagkat
alam naman nating mas nakakiling sa Ingles ang
sistemang pang-edukasyon sa Pilipinas dahil na rin sa
ating pinagdaanang malalim at matagal na kolonisasyon
ng mga Amerikano.
POSISYONG PAPEL NG PAMANTASANG DE LA
SALLE-MAYNILA (DLSU-M)
 Ang pagkakaroon ng asignaturang Filipino ay nakapag-aambag
sa pagiging mabisa ng community engagement ng ating
pamantasan sapagkat ang wikang Filipino ang wika ng mga
ordinaryong mamamayan sa mga komunidad na ating
pinaglilingkuran.
 Ang pagpapalakas sa ugnayan ng ating pamantasan at ng mga
ordinaryong mamamayan ay alinsunod sa bokasyon ni San Juan
Bautista De La Salle.
POSISYONG PAPEL NG PAMANTASANG DE LA
SALLE-MAYNILA (DLSU-M)
 Sa konteksto ng Association of Southeast Asian
Nations(ASEAN) Integration, ang pagkakaroon ng
asignaturang Filipino na may
inter/multidisiplinaring disenyo ay isa sa ating
mga potensyal na ambag sa proyekto ng
globalisasyong pedagohikal at sosyo-kultural.
POSISYONG PAPEL NG PAMANTASANG DE LA
SALLE-MAYNILA (DLSU-M)

 Ang wikang Filipino ay wikang global na


itinuturo bilang asignatura o kaya’y
komponent ng Philippine Studies sa mahigit
45 unibersidad at mahigit 100 hayskul sa
buong mundo.
POSISYONG PAPEL NG PAMANTASANG DE LA
SALLE-MAYNILA (DLSU-M)
 Kinikilala ang kahusayan ng DLSU-Manila sa larangan
ng pagtuturo at pananaliksik sa Filipino gaya ng
pinatutunayan ng dalawang ulit na paggawad ng
rekognisyon ng CHED sa Departamento ng Filipino
bilang Center of Excellence(COE), ang kaisa-isang
Departamento ng Filipino sa buong bansa na may
ganitong karangalan.
POSISYONG PAPEL NG DEPARTAMENTO
NG FILIPINO AT PANITIKAN NG
PILIPINAS NG UNIBERSIDAD NG
PILIPINAS-DILIMAN (UP-D)
POSISYONG PAPEL NG DEPARTAMENTO NG
FILIPINO AT PANITIKAN NG PILIPINAS NG
UNIBERSIDAD NG PILIPINAS-DILIMAN (UP-D)

 Ang panukala ng CHEd Memorandum Order


No.20, Series of 2013 ay paglapastangan sa
pagpapahalaga sa kasaysayan, karunungan, at
diwa ng kasarinlang mahabang panahong
ipinaglaban at nilinang ng mga naunang salinlahi
ng mga Filipino.
POSISYONG PAPEL NG DEPARTAMENTO NG
FILIPINO AT PANITIKAN NG PILIPINAS NG
UNIBERSIDAD NG PILIPINAS-DILIMAN (UP-D)

 Ang kunwa’y paglalatag ng mga kursong GE na


maaaring ituro kapwa sa Filipino at Ingles ay
lilikha lamang ng kompetisyon sa dalawang wika,
bukod pa sa malaking posibilidad ng pagpili sa
Ingles dahil ito ang inimaheng wika ng edukado at
wikang susi ng kaunlaran.
POSISYONG PAPEL NG DEPARTAMENTO NG FILIPINO
AT PANITIKAN NG PILIPINAS NG UNIBERSIDAD NG
PILIPINAS-DILIMAN (UP-D)

 Ang wikang Filipino ay kasaysayan ng Pilipinas.


May mahabang kasaysayan na ang wikang
pambansa. Simula nang ituro ito sa Sistema ng
edukasyon noong dekada 1940, hanggang sa
maging midyum ito ng pagtuturo sa ilalim ng
Patakarang Bilingguwal noong dekada 1970.
POSISYONG PAPEL NG DEPARTAMENTO NG
FILIPINO AT PANITIKAN NG PILIPINAS NG
UNIBERSIDAD NG PILIPINAS-DILIMAN (UP-D)
 Ang pagsisikap ng ating mga ninuno sa pagkilala
sa galing at integridad ng lahing Filipino ay
mapapalis kung hindi ito maipakikilala sa wikang
nakauunawa ng pasakit at pakikipagsapalarang
ibinuwis nila makamit lamang ang kasarinlan.
POSISYONG PAPEL NG DEPARTAMENTO NG FILIPINO
AT PANITIKAN NG PILIPINAS NG UNIBERSIDAD NG
PILIPINAS-DILIMAN (UP-D)
 Napagtagumpayan na ng mga naunang bayani ng
bayan ang mga tinatamasa nating pagkilala sa
wikang Filipino bilang isang wikang mayaman at
taglay ang karunungang matalas at nangunguna sa
pagtuklas ng mga bagong kaalaman.
PAHAYAG NG PAGTUTOL O
PAGKADISMAYA NG MGA DEPARTAMENTO
NG FILIPINO NG MGA PAMANTASAN AT
SAMAHANG PANGWIKA
PAHAYAG NG KOMISYON SA WIKANG FILIPINO

 Hindi dapat bawasan, kundi dapat dagdagan pa at pag-


ibayuhin ang paggamit ng Filipino bilang wikang
panturo sa iba’t ibang larang: mula sa batas at agham
panlipunan, hanggang sa matematika at agham.
 Naniniwala ang KWF na wika ang salalayan ng kaluluwa
ng bayan. Ang bayan na walang wikang sarili ay walang
kaluluwa.
PAHAYAG NG OFFICE OF THE FACULTY REGENT NG
UP-DILIMAN LABAN SA PAGTANGGAL NG WIKANG
FILIPINO AT PANITIKAN SA KURIKULUM NG MGA
PAMANTASAN

 Hindi lamang ito mali. Maling-mali at kasuklam-


suklam ang ganitong panukala at desisyon ng
CHED at ng Korte Suprema. Mananagot sila sa
sambayanang Pilipino, kung hindi man ngayon ay
sa hinaharap, para sa kanilang walang kahihiyang
kataksilan sa sariling bayan.
PAHAYAG NG ACT-PHILIPPINES HINGGIL SA
PAGPATAY NG CHED AT KORTE SUPREMA SA
FILIPINO AT PANITIKAN SA KOLEHIYO

 Panibagong dagok na naman ito sa makabayang


edukasyon sa Pilipinas.
 Matatandaang pinatay rin sa ilalim ng K to 12 ang
asignaturang Kasaysayan ng Pilipinas/Philippine
History sa hayskul at Philippine Government &
Constitution sa kolehiyo.
 Kung tutuusin, ang mga signaturang ito na tinanggal
ng gobyerno sa kurikulum ay di hamak na mas
makabuluhan sa pagkikintal ng tunay na
pagkamakabayan at pagiging huwarang
mamamayan, kumpara sa bulok, militarista, at
pasistang asignaturang ROTC na ngayon nga’y
muling ipinapataw sa senior high school sa kabila ng
madugong rekord nito sa pang-aabuso sa mga kadete
bukod pa sa mga isyu ng katiwalian.
Ang edukasyong makabayan ang tanglaw
ng bayan sa landas ng kalayaan at
kaunlaran.
PAHAYAG NG KAGAWARAN NG FILIPINO NG
PAMANTASANG ATENEO DE MANILA
 Ang pagtuturo ng Filipino ay hindi nangangahulugang
pagtalikod at paglimot sa mga wikang Pilipino/mga
wika ng Pilipinas (Philippine languages). Sa katunayan,
kakabit ng pag-aaral ng Filipino bilang disiplina ang
pagtatanghal at paglingap ng mga wika at kultura ng
bayan.
 Ang Filipino sa antas tersyarya ay hindi pag-uulit
ng Filipino sa antas elementarya at sekundarya.
Sa halip, pinalalawig nito ang mga batayang
kasanayang natutuhan ng mga mag-aaral sa mga
nauna nilang pag-aaral upang higit silang
makaunawa at makapagtaya sa mga nagaganap
sa ating bayan.
MARAMING SALAMAT SA
PAKIKINIG!

You might also like