Aralin 1ap103rd

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 22

Aralin 1:

KONSEPTO NG KASARIAN
A. Pamantayang Pangnilalaman
- Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa mga epekto
ng mga isyu at hamon na may kaugnay sa kasarian at
lipunan upang maging aktibong tagataguyod
B. Pamantayang Pagganap
Ang mga mag-aaral ay nakagagawa at malikhaing
hakbang na nagsusulong ng pagtanggap at paggalang
sa iba't ibang kasarian upang maitaguyod ang
pagkakapantay ng tao bilang kasapi ng pamayanan
C. Mga kasanayan sa pagtuturo
1. Naipapahayag ang sariling pakahulugan sa kasarian
at sex
 2. Nasusuri ang mga uri ng kasarian at sex
D.Mga tiyak na Layunin
1. Naibibigay ang ibig sabihin ng salitang kasarian
(gender) at sex, at ang pagkakaiba nito
2. Natutukoy ang katangian ng gender at sex
3. Nakikilahok sa talakayan
 4. Naitatala ang mga uri kasarian at sex
Gawain 1. Simbolo, Hulaan Mo!
KASARIAN
SEX GENDER

Lalaki Babae
masculine femimine
katangian
Sex Gender
1. Ang mga babae ay 1. Ang bansang Saudi
nagkakaroon ng buwanang Arabia lamang sa mga
regla samantalang ang bansa sa mundo ang
mga lalaki ay hindi. hindi nagpapahintulot
2. Ang mga lalaki ay may sa kababaihan na
testicle (bayag) samantalang magmaneho ng
sasakyan.
ang babae ay hindi
nagtataglay nito.
Pagkakaiba ng SOGI
 Gender Identity
 Sexual Orientation
 kinikilala bilang malalim na
tumutukoy sa kakayahan damdamin at personal na karanasang
ng isang tao na makaranas pangkasarian ng isang tao, na
ng malalim na atraksiyong maaaring nakatugma o hindi
apeksyonal, emosyonal, nakatugma sa sex niya nang siya’y
ipanganak, kabilang ang personal na
sekswal; at ng malalim na
pagtuturing niya sa sariling
pakikipagrelasyon sa taong katawan (na maaaring mauwi, kung
ang kasarian ay maaaring malayang pinipili, sa pagbabago ng
katulad ng sa kanya, iba sa anyo o kung ano ang gagawin sa
kanya, o kasariang higit sa katawan sa pamamagitan ng
isa. pagpapaopera, gamot, o iba pang
paraan) at iba pang ekspresyon ng
kasarian, kasama na ang pananamit,
pagsasalita, at pagkilos.
MGA URI NG SEXUAL ORIENTATION

1. Heterosexual • mga taong


nagkakanasang seksuwal
sa miyembro ng kabilang
kasarian, mga lalaki na
ang gustong makatalik ay
babae at mga babaeng
gusto naman ay lalaki
2. Homosexualmga nagkakaroon ng
seksuwal na pagnanasa sa
mga taong nabibilang sa
katulad na kasarian, mga
lalaking mas gustong lalaki
ang makakatalik at mga
babaeng mas gusto ang babae
bilang sekswal na kapareha
3. Bisexual - mga taong nakararamdam ng
atraksyon sa dalawang kasarian
Iba pang katawagan sa kasalukuyan
Lesbian (tomboy)sila ang mga babae na ang
kilos at damdamin ay
panlalaki; mga babaeng may
pusong lalaki at umiibig sa
kapwa babae (tinatawag sa
ibang bahagi ng Pilipinas na
tibo at tomboy)
Gay (bakla) mga lalaking nakararamdam
ng atraksyon sa kanilang kapwa
lalaki; may iilang bakla ang
nagdadamit at kumikilos na
parang babae (tinatawag sa
ibang bahagi ng Pilipinas na;
bakla, beki, at bayot).
Transgender kung ang isang tao ay
nakararamdam na siya ay
nabubuhay sa maling katawan,
ang kaniyang pag-iisip at ang
pangangatawan ay hindi
magkatugma, siya ay maaaring
may transgender na katauhan
Asexual mga taong walang
nararamdamang atraksiyong
seksuwal sa anumang kasarian
Paglinang
Tukuyin ang mga personalidad base sa
kanilang sexual orientation kung ito ay
Lalaki, Babae, o LGBT
Paglalapat
Nasusuri ang mga personalidad ng mga
kilalang personalidad
Paglalahat
Ngayong alam niyo na ang iba't ibang
kasarian, Paano niyo maipapakita ang
pagtanggap at paggalang sa kanila
bilang isang tao at kasapi ng
pamayanan?
Pagtataya:
Tukuyin ang sumusunod.
___1. sila ang mga babae na ang kilos at damdamin ay
panlalaki
___2. mga taong walang nararamdamang atraksiyong
seksuwal sa anumang kasarian
___3. kung ang isang tao ay nakararamdam na siya ay
nabubuhay sa maling katawan, ang kaniyang pag-iisip at
ang pangangatawan ay hindi magkatugma.
___4. mga lalaking nakararamdam ng atraksyon sa
kanilang kapwa lalaki.
__5. mga taong nakararamdam ng atraksyon sa dalawang
kasarian
Takdang Aralin:
Basahin ang teksto tungkol sa Gender
Roles sa Pilipinas.
Pahina 266-268
THANK YOU

Happy lunch Time

You might also like