Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 20

PAKSA

Tagubilin,
Ating Sundin!
TANDAAN
Tingnan ang mga susunod na larawan.
Suriing mabuti ang mga larawan. Iguhit
ang tsek (/) kung ang larawan ay
nagpapakita ng kaugalian ng Pilipino at
ekis (x) kung hindi.
SHERYL L. IZON
Oras na ng uwian, iniligpit
na ni Roy ang kanyang
mga gamit para sa
paguwi.Paglabas niya ng
silid aralan ay naghihintay
na sa kanya ang kanyang
kaibigan na si Jun.
“Roy! Roy!” tawag ni Jun.
Luminga-linga si Roy at
hinanap ang
pinanggalingan ng boses.
Nakita niya ang kaibigang
si Jun na nakatayo sa tabi
ng bakod.
Patakbong nagtungo si Roy
kay Jun. “Bakit Jun, parang
excited na excited
ka?”tanong ni Roy.
“ Halika sumama ka sa
amin nina Den, pupunta
kami sa bagong bukas na
computer shop doon sa
kabilang kanto,” yaya ni
Jun. “Naku hindi ako
puwedeng sumama Jun
pasensya na ha.
Ang bilin kasi ni nanay umuwi
ako agad pagkatapos ng
klase,”sagot ni Roy. “Sandali
lang naman tayo ano ka ba,
sigurado ako magugustuhan
mo din doon kasi maraming
bagong malalaro sa computer
nila”masayang wika ni Jun.
“Sumama ka na ilang
minuto lang naman tayo
doon e,”pangungulit ni Jun.
“Pasensya na talaga Jun sa
susunod na lang ako
sasama ,magpapaalam
muna ako kay
nanay,”sagot ni Roy.
“Sige ikaw ang bahala,
basta ako sasama kina
Den, kapag tinanong ka ni
nanay sabihin mo hindi mo
ko nakita ha”wika ni Jun.
“Ha? akala ko ba sandali ka
lang, hahanapin ka sigurado
ng nanay mo”nag-aalalang
wika ni Roy. “Ngayon lang
naman ito Roy, ako na ang
bahalang magsabi ng dahilan
kay nanay ko.
.Basta huwag mong
sasabihing pupunta ako ng
computer shop,”wika ni
Jun. “Umuwi ka na lang
kaagad Jun”, sagot ni Roy.
Pero nagtatakbo nang
umalis si Jun.
Pagka-uwi sa bahay ay
nagmano si Roy sa
kanyang nanay at
pumasok na sa kanyang
silid upang magpalit ng
damit pambahay.
Nagdilig muna ng halaman si
Roy at pinakain niya ang
kanilang mga alagang manok
at bibe.“Anak magmiryenda
ka muna. Pagkatapos gawin
mo na ang iyong mga takdang
aralin,”wika ni nanay. “Opo
nanay, salamat po,”sagot ni
Roy.
Dumating ang tatay ni Roy at
siya ay nagmano.“Naku Roy
kanina sa kanto nakita ko
isinugod sa ospital si Aling
Lota,” wika ng tatay ni Roy.
“Bakit daw po tatay ano po
kaya ang nangyari?”tanong ni
Roy sa ama. “Dahil kay Jun,
ang tigas pala ng ulo ng
batang iyon. Kinuwento ng
ama kung bakit tumaaas ang
presyon ang nanay ni Jun.
Isulat ang T kung ang pangungusap ay nagpapakita ng
pagsunod sa tagubilin at M kung hindi.
1. Nagpupunta muna si Ron sa bahay ng kaibigan niya bago
umuwi sa kanila.
2. Kapag may bisita sina nanay at tatay, hindi ako nakikisali
sa kanilang usapan o kwentuhan.
3. Laging nagpapasalamat si Lulu sa mga bagay na binibigay
sa kaniya.
4. Putlang-putla na si Mike sa kakapuyat niya sa
paglalaro ng iba’tibang games sa cellphone.
5. Hindi umaalis ng tahanan si Biboy ng hindi nagpapaalam
sa mga nakatatanda sa kanilang pamilya.

You might also like